Chapter 31

10 0 0
                                    

Chapter 31

"Ella, kumain ka muna," ani Nay Angela ng maabutan nito si Ella sa kwartong inuukupa ng mag-ina. Mula ng kinuha ni Jarred si Jarra ay parang bumalik na naman si Ella sa pagiging tahimik at tulala, katulad noong ipinagbuhuntis lang nito ang anak.

Palagi na pang itong umiiyak. Hindi na rin talaga malaman ni Nay Angela at Maric ang gagawin.

"Ella, tara na sa kusina, kailangan mong kumain para magkalakas ka. Gusto mo bang makita ka ni Jarra na pumayat ka dahil hindi ka na halos natutulog at kumakain. Ella kahit para na lang kay Jarra, alagaan mo naman anak ang sarili mo."

Iling lang ang naisagot ni Ella at umiyak na naman. "Nay ang anak ko po? Si Jarra ko. Bakit po ganito ang nangyayari sa buhay ko? Pinilit ko naman pong maging mabuting tao nay, pero bakit parang galit sa akin ang mundo? Nay nahihirapan na po ako. May sakit ang anak ko, pero inilayo pa niya sa akin. Hindi ko na po alam ang gagawin ko," naghihinagpis na hinaing pa ni Ella habang umiiyak.

Hindi naman malaman ni Nay Angela ang gagawin. Hindi niya alam kung paano pagagaanin ang kalooban ni Ella. Kahit naman sila ay nag-aalala kay Jarra.

"Gusto mo bang ihingi na natin ng tulong sa mga pulis?" napatingin naman siya kay Nay Angela saka mabilis na umiling.

"Nararamdaman ko pong gusto lang niya akong pahirapan. Pero sa ganitong paraan, panalo na po siya. Kaya lang ang ipinag-aalala ko nay ay ang kalagayan ng anak. May sakit ang anak ko nay. Paano po kung..." hindi na natuloy ni Ella ang sasabihin ng bumuhos na naman ang masagana niyang mga luha. Hindi niya kayang mapahamak ang kanyang anak.

"Ella, siya ba ang ama ni Jarra?" lakas loob na tanong ni Nay Angela na ikinailing niya. Sa totoo lang hindi niya alam.

"Kung hindi ang lalaking iyon ang ama ni Ella, ano ang karapatan niyang ilayo sayo ang anak mo? Ella kung hindi ka magsusumbong sa pulis ako ang magsusuplong sa kanila. Wala silang karapatang kunin ang anak mo sayo at pahirapan ka ng ganito," galit pang wika ni Nay Angela.

Tatayo na sana ang matanda ng pigilan ito ni Ella. "Nay, paano ko sila isusumbong kung alam ko namang hindi sila basta-basta. Baka mamaya lalo pang mapahamak ang anak ko. Nay napapagod na rin po ako. Gusto ko na lang sumuko."

"Ella naman eh. Di ba nangako kang magiging matatag ka. Kaya ko yan. Nandito lang kami ni Maric"

"Speaking of the beautiful Maric. Nandito na po ako, nakahayin na po pala sa kusina bakit hindi pa po kayo kumakain?" tanong nito ng inguso ng ina si Ella.

"Mag-usap muna kayo, at bumaba pa rin pagkakain na kayo para sabay-sabay tayo," ani Nay Angela at lumabas na ng kwartong iyon.

"Ella naman eh. Tahan na. Makukuha din natin si Jarra. Baka nga pagnalaman nilang may sakit si Jarra baka sila na ang magbalik sa atin kay Jarra. Malaki ang gastos sa pagpapagamot ni Jarra. Kaya naman baka sa halip na mahirapan sila ibalik na lang noong ex mo ang anak mo. Isa pa wala naman siguro silang balak makulong kung pababayaan nila ang bata. Di ba? Tahan na, at tayo ay kumain na. Pagkatapos nating kumain, saka nating pag-usapan ang mga dapat nating gawin. Baka may maiisip tayong paraan para mabawi sa ex mo si Jarra," paliwanag ni Maric na kahit papaano ay nagawa niyang isama si Ella sa kusina. Kahit konte lang ay nakakain naman ito.

Nakatingin lang sa kawalan si Ella ng mga oras na iyon. Kahit madilim na ang paligid ay hindi pa rin magawa ni Ella na matulog. Sa mula ng mawala sa tabi niya ang anak ay parang nararamdaman na naman niya ang kawalang pag-asa sa buhay.

Ilang sandali pa at may tumigil na sasakyan sa harapan ng bahay. Napatingin naman si Ella sa sasakyang iyon. Hanggang sa dahan-dahang bumaba ang sakay nito.

Bigla na lang sumibol ang galit ni Ella ng makilalang si Jarred iyon. Kahit nanghihina ay pilit niyang nilapitan si Jarred.

Bago pa lumapat ang kanyang palad sa mukha ni Jarred ay nasalo na ng binata ang palapulsuhan niya. "Not so fast sweetheart," nakangising saad nito na lalo lang nagpadagdag sa galit na kanyang nadarama.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now