Chapter 21

9 0 0
                                    

Chapter 21

Biglang nagising si Ella ng makaramdam siya ng pagduduwal. Ilang beses pa niyang pinigilan ang nararamdaman ngunit hindi niya nagawa. Mabuti na lang at kahit papaano ay umabot siya sa sink at doon sumuka.

Hinang-hina si Ella ng mga oras na iyon. Umiikot ang pakiramdam niya. Pagapang niyang tinungo ang pintuan para lang makahingi ng tulong sa mag-ina.

Saktong pagbukas niya ng pinto ng bumungad sa kanya ang mukha ni Maric na puno ng pag-aalala.

"Anong nangyayari sayo Ella?" hindi magkamayaw na tanong ni Maric. Lalo lang siyang nataranta ng mapansin ang sobrang pamumutla ni Ella.

"Inay," tawag ni Maric sa ina. Mabilis naman sila nitong dinaluhan at inalalayan nila si Ella patungo sa bahay nila.

Ipinasok nila si Ella sa loob ng bahay. Mabilis namang kumuha ng kumot at unan si Maric para mailatag sa mahabang silyang kawayan at doon pinahiga muna nila ang dalaga.

"Anong nararamdaman mo Ella? Narinig kasi namin ang lagabog ng kung anong bagay sa bahay mo. Kaya mabilis kong pinatakbo si Maric para kumustahin ka."

"Bigla pong may kung anong dumaan sa sikmura ko. Tapos ay hindi ko na po napigilan ang pagsuka. Siguro po ay iyong mga silya na nabangga ko ang nagtumbahan. Hindi ko na po naintindi. Nahihilo din po ako."

"Ganoon ba? Mabuti at nagawa mong buksan ang pintuan."

"Kaya nga inay, sakto namang kakatok ako ay bumukas ang pintuan. Mabuti at nasalo ko din si Ella. Kung hindi ay baka napahamak ito. Huwag na po kaya muna tayo magbukas ng gulayan? Samahan ko po kaya muna si Ella sa ospital. Kailangan po niyang masuri ng doktor," paliwanag ni Maric.

Muli naman nilang tinitigan si Ella. Payapa na muli ang paghinga nito. Siguro ay nakatulog ng muli.

"Sa palagay ninyo inay?"

"Samahan mo si Ella sa doktor ng para sa buntis. Pakiramdam ko ay iyon ang dahilan kung bakit kung anu-anong kakaibang kombinasyon ang naisip ng batang ito. Pritong saging na isinasawsaw sa ketchup. Humingi ng kape na may nakababad na saging na turdan. Ano nga iyong hiningi niya noong nakaraan?"

"Iyong manggang hinog inay, na ipinalaman sa monay," natatawang sagot ni Maric habang hinahaplos ang ulo ng natutulog na si Ella.

Nasa dalawang oras ding nakatulog si Ella sa may silya. Maliwanag na sa labas ng magising siya. Kaya naman sa gulat niya ay napatakbo siya sa kusina.

"Nay Angela, bakit hindi ninyo ako ginising? Hindi naman po pwedeng solo lang si Mar...," nabitin ang sa ere ang sasabihin ni Ella ng mapansin si Maric na may nakasubong monay sa bibig. Sa tapat nito ay isang tasa ng kape. "Hindi ka nagbukas ng gulayan?" hindi makapaniwalang tanong ni Ella.

"Maupo ka na kaya," natatawang saad pa ni Maric.

"Anong gusto mong kainin Ella, magluluto lang ako ng sinangag."

Nanlaki naman ang mata ni Ella ng maamoy niya ang bawang na kalalagay lang sa kawali. Nandoon na naman ang pagiging sensitive ng kanyang pang-amoy kaya naman nahihiya man siya ay talagang hindi na niya napigilang takbuhin ang sink at doon dumuwal.

Wala namang lumabas sa kanya. Kahit parang amg pakiramdam niya ay pati bituka niya ay gustong lumabas.

"Nay mukhang, init-init na lang sa kaldero muna ang kanin natin. Wala muna tayong sinangag."

Napailing na lang si Nay Angela ng dalahin nito sa hugasan sa labas ang kawali.

"Ayos ka lang Ella? Nag-aalala kami sayo."

"Kaya nga Ella, sasamahan na muna kita para makapagpacheck up. Bukas na tayo magbukas ng gulaya. Utos din iyon ng inay."

"Pero alam kong wala akong sakit, maayos lang po ako," tanggi niya.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon