Chapter 33

8 0 0
                                    

Chapter 33

Nakatanaw lang sa labas ng bintana si Ella habang nasa byahe sila. Hindi na lang siya nagsalita at nag-usisa pa kung ano ba ang nais ni Jarred sa kanya. Mas minabuti niyang manahimik na lang.

Pagkarating nila sa bahay ni Jarred ay mabilis itong bumaba, ngunit hindi kaagad umalis sa tabi ng kotse. "Pakibilisan ng kilos at huwag kang tatanga-tanga."

Nasaktan siya sa sinabi ni Jarred. Ngunit hindi na lang siya nagsalita. Sinunod na lang niya ito at nagmadaling bumaba ng sasakyan. Matapos iyon ay sumunod na rin siya sa binata papasok sa loob ng bahay.

"Manang Lena, this is Ella. Siya ang sinasabi ko sa inyo, siya ang makakasama po ninyo dito sa bahay. Pakisamahan naman siya sa maids quarter. Iyong isang kwarto sa pinakadulo," pakilala ni Jarred kay Ella sa kasambahay ng makarating sila sa bahay nito.

Napalunok naman si Ella sa sinabi ni Jarred. Ano pa nga bang aasahan niya. Hindi naman siya isinama ni Jarred sa bahay nito para magbuhay prinsesa. Matagal ng tapos ang yugtong iyon ng buhay niya. Ngayon ay panibagong pakikibaka na naman. Kasama si Jarred sa iisang bahay bilang katulong. Ngunit hindi para sa kanya, kundi para kay Jarra.

"Opo sir," binalingan naman nito si Ella. "Ella pwede mo akong tawaging Manang Lena," nakangiting saad pa ng matanda. Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Ella dahil mukhang mabait si Manang Lena.

"Lahat ng pwede ninyong ipagawa kay Ella ay iutos ninyo. Hindi siya nandito, para lang tumanga. Katulong siya dito," idiniin pa ni Jarred ang salitang katulong.

"J-Jarred," nauutal niyang tawag sa binata ng ngisian siya nito.

"Just call me sir. Wala akong naaalalang relasyon na mayroon tayo para tawagin mo akong Jarred."

Napayuko na lang ng ulo si Ella, sa pagkapahiya sa pagkakataong iyon. Tama ito, wala naman silang relasyon para tawagin lang ito sa pangalan nito. Maliban sa pagiging boss niya ito. Higit sa lahat katulong lang siya sa bahay na iyon kaya siya isinama ng binata. Nakatingin lang sa kanila ni Manang Lena at tahimik na nagmamasid.

"S-sir J-Jarred, k-kailan ko pwedeng m-makita ang a-anak ko?" kinakabahang tanong ni Jarred ng lumabas ang ngisi sa labi ni Jarred.

"Manang pakisamahan po si Ella sa kwarto niya. Hayaan na lang po muna ninyong magpahinga siya ngayon. Bukas na ninyo ituro sa kanya ang mga dapat niyang gawin. Sa library lang po ako. Pagkatapos po ninyo pakihatiran ako ng kape."

"Sir Jarred," aniya ngunit hindi na siya pinansin ng binata.

Nasundan na lang ni Ella ng tingin ang likuran ni Jarred. Hindi man lang nito pinansin ang tanong niya tungkol kay Jarra. Wala man lang siyang balita sa anak kung nasaan ito. Bagay na labis na ipinanlulumo niya.

"Tara na Ella, ihahatid na kita sa kwarto mo."

"Manang wala po bang batang dinala dito si Jarred? I mean si Sir Jarred po."

Napailing lang ang matanda. "Wala hija. Ang alam ko lang ay umuwi siya noong isang araw, ngunit nag-iisa lang naman siya ng dumating dito. Kasunod ay umalis kahapon at ngayon nga lang dumating ng kasama ka."

"Ganoon po ba? Pero manang kung may maririnig man po kayong balita tungkol sa anak kong si Jarra pakiusap po, balitaan po ninyo. Ilihim na lang po sana ninyo kay Jarred. Kay Sir Jarred," napatango na lang ang matanda sa sinabi ni Ella.

Sa katunayan ay wala naman talagang alam ni Manang Lena. Isa ay ipinagtataka talaga niya ang pagdadala ni Jarred kay Ella sa bahay na iyon. Gayong kaya pa naman niya ang lahat ng gawain sa buong kabahayan.

"Sige hija, tara na sa magiging kwarto mo."

Inilibot ni Ella ang mga mata sa kabuoan ng kwarto. Malawak at malinis iyon. Mukha itong mini apartment kung titingnan. May maliit itong banyo, at air-condition. Pakiramdam niya kahit papaano ay namiss niya ang ganoon kwarto. Kahit mas maliit iyon sa dati niyang kwarto sa bahay ng mga magulang niya ay nakakamiss pa ring matulog sa isang silid na may air-con.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now