Chapter 4

11 0 0
                                    

Chapter 4

"What are you doing here?" may talim na tanong ni Jarred kay Ella.

Alam ni Ella na mahirap makipag-usap sa taong lasing. Pero hindi naman siya papayag na dahil lang sa isang maling akala ay magkakalayo sila ng landas ni Jarred. Higit sa lahat hindi siya papayag na hindi niya nasasabi dito ang nararamdaman niya at ang sagot niya sa matagal na nitong tanong.

"Jarred mag-usap tayo."

Nginisian lang siya ni Jarred at naglakad papalapit sa kanya. Nandoon pa rin naman ang distansya nilang dalawa dahil umatras siyang muli at tumigil naman ito sa may island counter at doon sumandal.

"Anong gusto mong pag-usap? Gusto mo ng pag-usapan natin na tanga ako? Na naniwala akong hindi ka mahuhulog sa iba kahit malayo ako sayo? Sabagay ano bang pinaghihimutok ko. Hindi ka nga pala akin. Wala nga pala akong karapatan sayo. Umalis ka na. Alis na!" Sigaw ni Jarred kasabay ng pagbato nito sa hawak na bote ng beer sa likuran ni Ella.

"Jarred!" gulat na sambit ni Teo at Nald.

Halos manigas naman si Ella sa kinatatayuan niya sa gulat. Halos nasa isang pulgada lang ang layo ng pagdaan ng bote sa pisngi niya. Kung sasadiyain ni Jarred. Sa mukha niya tatama ang bote ng alak.

"Jarred ano ba? Matulog ka na. Bukas na kayo mag-usap," ani Nald at hinawakan pa si Jarred para akayin.

"Tara na, ihahatid na muna kita sa inyo," aya naman ni Teo kay Ella.

"Hindi ako aalis hanggat hindi ako kinakausap niyang kaibigan ninyo."

"Pero wala na tayong dapat pag-usapan. May ending na ang kwento," may pagkasarkastikomg saad ni Jarred.

"Okay, you don't want to talk with me? Fine! Iyon ang gusto mo di ba? Di wag na tayong mag-usap habang buhay," umiiyak na saad ni Ella ng mahagip nito ang isang piraso ng basag na bote at itinutok sa kanyang pulso.

"Ella!" tawag naman ng dalawa sa pangalan niya. Si Jarred naman ay hindi na nakapagsalita ng makita nito ang unti-unting pag-agos ng dugo sa kamay ni Ella.

"Jarred ano ba kayong dalawa. Mahal naman ninyo ang isa't-isa bakit ba ang drama ninyo?" yamot na saad ni Teo.

"Hindi mo ba kakausapin itong sweetheart mo, Jarred. Ayaw ko pang makakita ng batang naglaslas ng dahil lang sa isang lalaki at kaibigan ko pa. Por Dios por Santo kayong dalawa. Stop it Ella. Langya, ang dami ng dugo niyan," sita ni Nald na hindi na malaman ang gagawin kaya naman sinuntok na niya si Jarred sa panga ng matauhan.

"Vergara!" Sigaw pa ni Teo.

Si Ella naman ay halos wala ng makita sa labis na pag-iyak. Mukhang wala talagang pakialam si Jarred sa kanya na labis na ikinasakit ng kanyang puso.

"Sweetheart, I'm sorry," ani Jarred ng biglang mabitawan ni Ella ang hawak na piraso ng basag na bote na puno ng dugo.

Mabilis naman nilapitan ni Jarred ang dalaga at mahigpit na niyakap. "Sorry, I'm sorry sweetheart. Nagselos ako nagalit ako kasi mahal kita. Kung ano man ang desisyon mo dapat hindi ako nagagalit sorry talaga. Kung sa tingin mo hindi worth na makuha sagot mo. Tatanggpin ko, wag mo lang sasaktan ang sarili mo. Mas masasaktan ako pagnasaktan ka," alo pa ni Jarred sa umiiyak na si Ella.

Sandali pa at naalala ni Jarred ang pulso nito na dumudugo kaya mabilis siya nitong inakay patungo sa may sala, at hinayon ang kwarto para makakuha ng malinis na towel at first aid kit.

Nakamasid lang naman si Teo at Nald na wari mo ay nakalimutan na ng dalawa na nandoon pa sila.

Hinawakan ni Jarred ang pulso ni Ella at marahang pinunasan. Ngunit nagtataka siya na wala namang sugat doon. "Wala ka sugat? Bakit may dugo?" nagtatakang tanong ni Jarred habang nakatingin sa magandang mukha ng kaisa-isang babaeng bumihag sa puso niya.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now