Chapter 14

6 0 0
                                    

Chapter 14

Sumunod na araw na ng iniuwi ni Jarred si Ella sa bahay ng mga ito. Magkahawak kamay pa sila ng pumasok sa loob ng bahay. Wala sa salas ang kanyang ina. Nandoon lamang ay ang kanyang Tito Roi na nakatingin sa kanila partikular sa magkahawak nilang mga kamay.

Napalunok pa si Ella dahil sa mga titig nito. Hindi naman ito galit ngunit parang nakakatakot. Mahigpit naman siyang napahawak sa kamay ni Jarred. Alam niya sa sariling basta nasa tabi niya si Jarred ay palaging ligtas ang pakiramdam niya.

"Magandang gabi po," bati ni Jarred ngunit tango lang ang isinagot ni Roi. Bumalik lang ito sa pagkakaupo at ipinagpatuloy ang naudlot na panonood ng t.v at pagkakape.

Ipinagkibit balikat na lang ni Ella ang ikinilos ng tiyuhin. Nagtungo sila ni Jarred sa kusina ng matanawang nandoon ang ina.

Patakbo tuloy niya itong nilapitan ng mapansing namumutla ito. "Ayos ka lang mommy?" may halong pag-aalala sa kanyang tanong.

"Sumasakit ang ulo ko anak,"

"Anong ginagawa pa po ninyo dito? Dapat po ay nasa kwarto na ninyo kayo at nagpapahinga."

"Gusto po ba ninyong dalahin ko kayo sa ospital?" nag-aalalang tanong din ni Jarred na ikinailing ni Elizabeth.

"Wag ninyo akong alalahanin na dalawa. Ipapahinga ko lang ito. Sa katunayan ay nagpatimpla ako kay Roi ng gatas. Inaaya naman ako sa salas pero tumanggi ako. Nahihilo ako pag nakatingin sa t.v. kaya dito ko na lang ininom. Habang si Roi ay doon nagkape at nanonood. Nakainom na rin ako ng gamot. Magtutungo na nga sana ako sa kwarto,  sakto naman ang pagpasok ninyo dito sa kusina," mahabang paliwanag ni Elizabeth sa kanila.

Inalalayan naman ni Ella ang ina, ng mapansin sila ni Roi ay mabilis itong lumapit sa kanila. "Ako na ang bahala kay Elizabeth. Ang tigas kasi ng ulo ng mommy mo. Sinabi ko ngang sa kwarto ko na lang siya dadalahan ng gatas ay ayaw. Tapos isinasama ko sa aking tabi magpaiwan naman sa kusina," sumbong ni Roi na alam nilang totoo dahil nakwento na rin ng mommy niya sa kanila.

Tinanaw lang nila ang mag-asawa na paakyat sa hagdanan.

"Okay ka lang ba dito?" tanong ni Jarred habang nag-aalala rin sa mommy niya.

"Kita mo namang mahal na mahal ng Tito Roi si mommy kaya hindi niya ito pababayaan. Kung magkaroon man ng problema, tatawagan kita. Uwi ka na. Kailangan ko na ring magpahinga."

Nagpaalam na rin naman nga si Jarred. Hinatid pa ni Ella si Jarred hanggang sa may kotse nito. At tulad ng kanilang nakasanayan ay palaging humahalik si Jarred sa labi ni Ella na agad ding tinutungon ng dalaga.

Pinagmasdan pa ni Ella ang papalayong sasakyan ni Jarred. Saka lang niya napagpasyahang pumasok sa loob ng bahay ng hindi na niya iyon matanaw.

Halos mapasigaw pa si Ella sa gulat ng pagbukas niya ng pintuan ay nakabanggan niya si Roi. Mabuti na lang at natakpan kaagad niya ang bibig.

Ngunit bigla siyang nanlamig na maramdaman ang bagay na nasa gitna ni Roi. Para hindi siya matumba ay nahawakan nito ang baywang niya kaya ngayon ay nakadikit siya sa katawan ng lalaki.

Bigla naman siya nitong binitawan na parang walang nangyari. "Mag-ingat ka sa susunod paano kung hindi kita nasalo baka nasaktan ka pa. Nakatulog na nga pala ang mommy mo. Magtatapon lang ako nitong basura. Maaga bukas ang daan ng nangungulekta. Madaling araw pa lang," paliwanag nito.

Saka lang niya napansin ang plastik ng basura na nasa kabilang kamay nito.

Napailing na lang siya sa kanyang isipan. Nagkakaroon talaga siya ng maling pag-iisip para sa kapwa. Sa isip-isip niya ay humihingi na kaagad siya ng tawad dahil nagiging madumi amg kanyang isipan kahit hindi naman dapat.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now