Chapter 49

9 0 0
                                    

Chapter 49

Nakangiti pang pumasok si Jarred ng kwartong inuukupa ni Ella. Bitbit nito ang paboritong cake ng dalaga. Kasunod naman ni Jarred ang isang staff ng canteen na may dala ng pagkain na ipinaluto ng binata.

Halos nakailang sulyap pa si Ella sa cake na nakapatong sa may lamesa, namiss niya ang lasa noon. Ngunit agad din siyang nagbawi ng tingin at baka mapansin pa ni Jarred ang kanyang ginagawa.

Namiss din niya ang pagkain ng pansit canton at pritong itlog habang kasabay si Jarred. Malimit nilang kainin iyon ni Maric pag natutulog na si Jarra. Bawal kasi iyon sa anak niya. Kaya hindi siya naninibago sa lasa. Ang bago lang si Jarred ang kasabay niya, bagay na ikinatuwa ng kanyang puso.

"Jarra," usal niya sa isipan ng iabot sa kanya ni Jarred ang cake matapos nilang kumain.

Halos mapunit ang mga labi ni Ella sa labis na pagngiti ng malasahan ang paborito niyang cake na matagal na niyang gustong matikman. Noong nagbubuntis siya kay Jarra ay gustong-gusto niyang malasahan iyon, ngunit wala namang ganoon sa probinsya. Kaya tiniis na lang niya ang pakiramdam na may kulang noong ipinagbubuntis niya ang anak.

Sa kabila ng kanyang mga ngiti ay bigla na lang bumuhos ang mga luha ni Ella na ikinabigla ni Jarred.

"Are you okay sweetheart? May masakit ba sa iyo? Tell me," natatarantang saad ni Jarred habang mababakas pa rin ang matamis na ngiti ni Ella habang patuloy na lumuluha.

"Hindi ko alam Jarred, masaya naman talaga ako, promise. Pero hindi ko alam kung bakit ganito ang mga mata ko. Siguro nagagalak ako sa bagay na hindi ko pa rin maalala," pagsisinungaling niya.

Habang isinusubo niya ang cake na halos maubos na niya ang kalahati ay pumapasok sa isipan niya ang anak. Miss na miss na niya si Jarra. Gustong-gusto na niya itong makasama. Kung maaari nga lang makita niyang muli ang anak niya at mayakap sa mga oras na iyon ay labis niyang ipagpapasalamat. Pero pangarap na lang ang bagay na iyon.

"Siguro dahil paborito mo talaga ang cake na iyan noon pa man."

Napatango na lang siya sa sinabi ni Jarred. Isa na iyon sa dahilan. Ngunit ang pinakadahilan ng luha niya ay ang kanyang anak. Lumipas ang kaarawan ni Jarra ngunit hindi man lang niya nakasama ang anak. Kung kasama lang sana niya ngayon si Jarra ay masaya sana nilang pinagsasaluhan ang cake na kinakain niya ngayon.

Sa mga nagdaang kaarawan ni Jarra ay tanging maliit na cupcake lang ang naiihanda niya sa anak at hindi pa niya na iibili ng tunay na cake. Ngunit paano pa niya gagawin ang bagay na iyon.

Matapos ma-satisfied ni Ella sa pagkain ng cake ay hindi naman siya kaagad hinayaan ni Jarred na makatulog. Nagtanong naman siya tungkol sa kabataan niya mula ng magkakilala silang dalawa.

Namiss lang niyang alalahanin ang lahat ng nagdaan. Baka kasi iyon na rin ang huling pagkakataon na maalala niya ang lahat ng iyon sa isip-isip niya.

Medyo malalim na ang gabi ng mapagpasyahan ni Jarred na hayaan na siyang matulog.

"Pero hindi pa ako inaantok. Siguro ay dahil puro tulog na lang ako kanina," katwiran niya.

"Gusto mo bang itanong ko sa papasok na nurse kung pwede kang uminom ng sleeping pills gusto mo ba?" napatango na lang si Ella bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Jarred.

Nang may pumasok na nurse ay sinabihan kaagad ni Jarred kung pwedeng bigyan ng pampatulog si Ella na mabilis namang itinawag sa doktor ng dalaga.

"Opo sir pwede daw. Kukuha lang po ako, sa tingin ko nga po ay masyadong pagod na si maam, at parang gusto ng matulog."

"Pero hindi naman ako makaramdam ng antok," sabat naman ni Ella.

"Saglit lang po ako."

Pagkaalis ng nurse ay humingi naman ng prutas na Ella kay Jarred.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon