Chapter 42

9 0 0
                                    

Chapter 42

Nasa private room na si Ella ng mga oras na iyon at wala pa ring pahiwatig na magkakaroon na ng malay ang dalaga. Nakaupo si Jarred sa tabihan ng kama nito at hawak ang kamay nito na walang nakalagay na kung karayom para sa dextrose.

Mas dama na lalo ang pagsisi kay Jarred, habang nakatingin sa maamong mukha ni Ella.

"Sweetheart, I'm sorry alam kong mali ako. Please gumising ka na. Mas gugustuhin ko pang magalit kasa akin, kahit saktan mo pa ako ng paulit-ulit sa pisikalan. Huwag lang ganito Ella. Nagihintay sayo si Jarra, alam mo ba iyon," pakiusap pa ni Jarred.

Nilapitan naman ni Byron si Jarred.  "Ano ng plano mo?"

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Jarred bago muling tumitig kay Ella. "Iyong kasalanan ko kay Ella pagbabayaran ko iyon, ngayon pa lang pinagsisisihan ko na lahat ng sinabi ko at ginawa kong pananakit sa kanya. Pero ang hayop na 'yon papatayin ko siya!"

"Jarred, huminahin ka tungkol sa bagay na iyan."

Naikuyom ni Jarred ang mga kamao sa labis na galit na nadarama. Hindi naman talaga pumasok sa isipan niya ang bagay na iyon dahil kasama naman ni Ella ang mommy nito. Ngayon sobra-sobrang pagsisisi ang nararamdaman niya. Dahil nabulag lang siya ng galit niyang wala namang matibay na basehan. Tapos napakalaking kagaguhan pa ang kanyang nagawa sa babaeng minamahal.

Si Ella niya. Walang-wala ang pinagdaanan niya sa hirap na pinagdaanan niyo. Bulag siya sa lahat. Ngayon lang niya na realize ang mga takot sa mata ni Ella isama ang ang minsang walang buhay iyon. Ang panginginig ng katawan nito na dala ng trauma. Ang depresyong nilalabanang mag-isa. Ang lahat ng pagmamakaawang naririnig niya sa dalaga.

Napasabunot sa buhok si Jarred. "By ako ang dahilan kung bakit nandito ngayon si Ella. Walang malay at hindi malaman kung kailan magigising. Ako ang nagtulak sa kanya para kitilin niya ang buhay niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kung iiwan ako ni Ella ngayon. Hindi ko kaya."

Naramdaman na lang ni Jarred na hinawakan ni Byron ang kamay niya. Binukas nito ang palad niya at inilagay ang isang bagay na matagal na niyang hindi nahahawakan. Isa iyong rosaryo.

"By,"

"Tumawag ka lang sa Kanya. Di ba sinabi ko sayong humiling ka ng himala. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Huwag kang magbibigay ng tanong sa Kanya kung bakit mo nararanasan ang lahat ng ito. Dahil lahat ng ito ay may dahilan. Isa pa, huwag kang gagawa ng isang bagay na pagsisisihan mo tungkol sa taong naging dahilan kung bakit kayo nagkalayo ni Ella. May batas Jarred. Isipin mo si Ella at ang anak niya. Hindi magugustuhan ni Ella kung makukulong ka. Hayaan mong usigin ang taong iyon ng batas. Dahil iyon ang tama. Makinig ka sa aking Jarred, hmmm," payo ni Byron ikinatango ni Jarred.

Mas lumapit si Jarred kay Byron at dahan-dahang lumuhod. Doon ibinuhos ni Jarred ang sakit na kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

Sa ilang minutong umiiyak si Jarred, kahit papaano ay nahimasmasan naman ang nagsisikip niyang damdamin.

"By, pwede bang dito ka muna? Kailangan kong puntahan ang anak ni Ella. Gusto kong masiguradong tama ang hinala ko sa mga oras na ito. Lalo na at narinig kong sinabi ni Ella na hindi siya sigurado. Akala ko kasi tatlong taon lang si Jarra dahil napakaliit nito. Ngayon ko nanisip na baka dahil sa sakit niyang leukemia."

"Sa sakit ni Jarra, posibleng bumagal ang paglaki niya. Matalino ka Jarred, kaya dapat naisip mo yan noon pa lang."

"I know and alam kong mali ako."

"Ngayon simulan mong itama ang lahat ng pagkakamali mo. Ang minuto ay mahalaga. Bawat oras may pagkakataon tayong itama ang lahat ng mali. Maniwala ka."

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now