Chapter 36

7 0 0
                                    

Chapter 36

"Hon, saan ka ba pupunta? Nangako ka magdi-date tayo ngayon di ba?" maarteng saad ni Kisha habang hindi inaalis ang pagkakalingkis kay Jarred sa braso nito. Nasa loob sila ng sasakyan habang binabaybay nila ang kahabaan ng kalsada.

"I told you na busy ako at marami akong ginagawa. Ikaw lang ang nagpumilit na magtungo ng opisina at nagpilit na sumama para sa date na nais mo," natigilan si Kisha sa sinabi ng kasintahan. Napanguso na lang siya at napabuntong hininga.

Apat buwan pa lang ng maging sila ni Jarred mula ng bumalik ito ng bansa. Naging sila kaagad ng magkita sila sa isang alumni kung saan muli silang nagkita-kita. Doon nalaman ni Kisha na wala ng relasyon si Jarred at ang batang naging dahilan para mareject siya ng binata. Kaya bago nagtungo ng San Nicholas sina Jarred, Teo at Nald ay magkasintahan na sila.

Halos hindi nga sila nagkakasama, ang dahilan ni Jarred ay busy ito palagi. Naiintindihan naman niya iyon ng magtungo nga ang mga ito ng probinsya. Pero ngayong nandoon na ulit ang binata ay hindi siya makakapayag na mawalan ito ng oras sa kanya.

"Okay, sasama na lang ako kung saan ka pupunta," mahinang saad ni Kisha na ikinabuntong hininga ni Jarred.

Naging tahimik na lang ang dalaga sa byahe nila. Napakunot noo si Kisha ng mapansin kung saan establishment sila papasok. Isa iyong malaking ospital para sa mga cancer patients.

"What are we doing here Jarred?"

"I never told you to accompany me. Pero ikaw itong nagpumilit na sumama," may inis sa boses ni Jarred kaya hindi na lang nagsalita ang dalaga. Napasunod na lang siya kay Jarred. Sa ngayon pagbibigyan niya kung ano ang nais nito kahit naiinis siya.

Pumasok sila sa isang pediatric area. Kung saan nandoon ang mga kwarto ng mga batang may iba't ibang klaseng sakit.

Bago sila makapasok sa may isang kwarto ay binigyan muna sila ng facemask ng isang nurse na siyang bantay sa labas sa area na iyon.

"Thanks," ani Jarred ng maabot niya ang facemask galing sa nurse.

"Kailangan ko bang magsuot nito?"

"Pwedeng hindi, but stay here," may diin pang saad ni Jarred.

"Sino ba kasing dadalawin mo dyan?"

Hindi na sinagot ni Jarred ang tanong ni Kisha ng magsimula itong maglakad patungo sa pinakadulo ng pasilyo.

Wala namang nagawa si Kisha kundi ang mabilis na sumunod na lang kay Jarred, habang isinusuot ang facemask na ibinigay din sa kanya ng nurse.

Matapos kumatok ng tatlong beses sa pinakadulong pintuan ay binuksan na ni Jarred ang pinto. Tumambad kay Kisha ang isang nakaupong nurse at isang batang babae na naglalaro sa kama.

"Sir," gulat pang saad nito ng mapansin na si Jarred ang pumasok. Sanay naman kasi ang nurse na kapwa niya nurse ang pumapasok doon o kaya naman ay ang doktor ng bata.

"Kumusta siya?"

"Maayos naman po sir, kahit po papaano kumakain na po siya ng maayos hindi tulad noon. Pero nagpapahanap po ng lychee. Noong nakahanap po kami noong nakaraan mas magana na siyang kumain. Kaso naubos na po ang nabilis namin. Pero nagpapahanap po ulit kami."

"Ganoon ba," sagot niya na ikinatango ng nurse.

Napatingin naman si Jarred kay Jarra. Hindi siya pinansin ng bata. May kung anong kirot sa puso niya ang bagay na iyon. "Malamang inilayo mo siya sa kanyang ina. Normal na reaksyon lang iyon ng isang bata," anas pa niya sa isipan.

"Ako na munang bahala dito, magpahinga ka muna ng ilang oras," ani Jarred sabay abot ng tatlong libo sa nurse.

"Ay sir, may sahod naman po ako," nag-aalangang saad pa nito na ikinangiti lang ni Jarred.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now