Chapter 47

10 0 0
                                    

Chapter 47

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng makalabas ng ospital si Ella. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ni Jarred kahit wala siyang maalala sa nakaraan nila. Minsan gusto niyang maguilty sa panahong bakit nakalimutan niya ang binata at ang mga taong nakapaligid sa kanya.

Sinabi sa kanya ni Jarred na ang mommy niya ay busy sa maraming bagay. Pero nagsisikip ang puso niya pagnaiisip ang nangyari sa kanya.

"Hindi ba ako mahalaga sayo mommy? Naospital ako at matagal ding walang malay, pero hindi man lang kita nakita. Nakalabas na ako at lahat pero hindi mo pa rin ako nakukuhang dalawin. Hindi man lang kita nakita at nakasama. Wala nga akong idea kung ano ang itsura mo. Ayaw mo po ba sa akin?" tanong ni Ella sa kawalan habang nakatingin sa malawak na kalangitan.

Sa durasyon ng pag stay niya sa bahay ni Jarred ay doon lang siya naglalagi sa may garden. Lalo na at sila lang naman ni Manang Lena ang nandoon sa bahay. Umaalis kasi si Jarred dahil may trabaho daw ito. Hindi na rin naman siya nagtanong kung ano.

Minsan naitanong niya kay Jarred kung may kaibigan siya. Mayroon naman daw. Pero hindi naman sinabi sa kanya kung sino. Dahil maaalala din naman daw niya ang mga ito pagdating ng tamang panahon. Siguro nga, kaya hindi na lang siya muling nagtanong.

Dumating ang tanghalian at umuwi si Jarred para sabay silang kumain. Umalis na rin ito pagkakatapos nilang kumain. Tapos ay uuwi ng medyo maagap sa gabi para sabay na silang magdinner. Paulit-ulit lang. Ganoon ang routine nila sa araw-araw.

Hindi niya masabing nagsasawa na siya dahil hindi naman niya alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya noon ang gusto lang talaga niya ay maalala ang lahat. Kung kailan, hindi niya alam. Gusto man niyang pilitin ang sarili, hindi naman niya magawa.

Maliban lang sa mga bagay na paulit-ulit niyang nakikita ang sarili na umiiyak at nagmamakaawa. Hindi malaman ni Ella kung parte ba iyon ng nakaraan niya o kung ano man, hindi niya alam.

"Ella, ayos ka lang ba dito? Kailangan kong magtungo ng palengke."

Napatingin siya kay Manang Lena. Nakangiti ito sa kanya, ngunit ramdam niyang ayaw siya nitong iwan. Lalo na at mag-isa na lang siya sa mga oras na iyon. Umalis din si Jarred at may pupuntahan.

"Ayos lang po ako dito manang. Nakakalakad na rin naman po ako. Gusto ko lang po dito sa may garden. Nakakarelax po ang magandang paligid at ang asul na langit.

"Ganoon ba? Sige hija aalis na ako."

"Opo, ingat po kayo."

Habang nagmumuni-muni at nag-iisip si Ella sa mga bagay-bagay ay nagulat na lang siya ng biglang may nagbukas ng gate at bigla na lang sumigaw.

Napaupo siyang bigla ng ilang beses nitong tinawag ang pangalan ni Jarred. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya ng makita siya.

"Ella!" malakas na tawag ng babae sa kanya. Mabilis itong lumapit sa kanya, pero nag-iwan ng layong dalawang dipa mula sa pwesto niya.

Nakaramdam tuloy siya ng takot dahil sa itsura ng babae. Nakakalakad na naman siya kahit walang alalay. Magaling ang therapist na umaalalay sa kanya kaya mabilis lang siyang makarecover sa nakalipas na ilang buwan.

Ngunit sa galit na nakikita niya sa mukha ng babae ay hindi niya alam kung ano ang kaya nitong gawin. Hindi niya ito kilala ngunit alam niyang siya ang hinahanap nito dahil sa pagtawag nito sa pangalan niya, at sa mga titig nitong kung magkakamali siya ay makakaranas siya ng pananakit.

Halos magbuhol-buhol ang pagtibok ng puso niya sa kaba na kanyang nararamdaman mula sa babaeng kaharap. "Ano bang kasalanan ko sa kanya?" tanong pa ni Ella sa isipan.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now