Chapter 20

11 1 2
                                    

Chapter 20

Mula ng tumuntong ng San Nicholas si Ella ay pinilit niyang maging normal ang buhay niya. Pinipilit niyang kalimutan ang mga nangyari sa kanya. Pinilit niya ang sarili na maging masaya.

Sa bawat paggising niya palagi pa rin siyang nagpapasalamat na nakikita niya ang gabi tapos ay kasunod ang umaga. Tulad ng payo sa kanya noon ni Manong Romy.

Dinadaanan pa rin siya ng bangungot na iyon pero hindi na iyong nakakatakot kasi malayo na siya. Ngayon alam na niya ang kahulugan ng kasal nila ni Jarred na hindi natuloy. Ang piring at ang paglalayo ng lalaking nagpiring sa kanya sa simbahan.

Hindi sila ni Jarred ang para sa isa't-isa. Hindi siya nababagay para sa kanya ang binata kahit sobrang minahal niya ito. Kahit naman lumayo siya at iniwan si Jarred ng walang matibay na dahilan, ay totoo namang minahal niya si ito. Kaya lang dahil lang sa bagay na iyon hindi na talaga sila pwede. Mahirap at masakit, pero kailangang tanggapin.

Sa halos araw-araw na routine ni Ella ay nasasanay na siya. Gigising ng maagap para magtungo sa palengke at magtinda kasama ni Maric tapos ay hapon na uuwi. Ang makapag-aral na pangarap niya noon ay nasa puso na lang niya. Alam niyang hindi na iyon matutupad. Ang mahalaga na lang sa kanya ay may bubong siyang masisilungan. May kamang mahihigaan at pagkaing magiging panangga niya sa gutom.

Naging regular ng kasama ni Maric si Ella sa maliit na pwesto sa palengke ng mapag-alamang may tuberculosis si Nay Angela. Bukod sa bawal itong ma-expose sa madaming tao ay kailangan din nito ng pahinga at anim na buwang gamutan. Kaya kahit papaano ay masaya si Ella sa kakarampot na kinikita niya sa araw-araw ay mayroon siya.

Nadagdagan naman ang paninda nina Maric dahil sa perang bigay ni Ella. Iyon ay tira noong nagpagamot si Nay Angela. Kaya naghati sila sa pwesto. Si Ella ang humaharap sa prutas habang si Maric ang sa gulay.

"Maric pabili nga ng sitaw," ani ng isang ginang na dumadampot ng bibilhin nito. Napatingin naman ito kay Ella. "Kay gaganda ninyong tindera. Wala ba kayong mga balak magsipag-aral na mga bata kayo?" dagdag pa ng ginang na ikinangiti ni Maric.

"Hindi po talaga kaya ng budget ang makapag-aral."

"Sino ba itong dalagang ito? Noong isang araw ko pa sana itatanong. Napakadami lang nabili noon at linggo kaya hindi na ako nakapagtanong."

"Si Ella po. Kamag-anak po namin. Bali solo na po siya sa buhay kaya po kinupkop namin ng inay."

Napatango na lang ang ginang at hindi na muling nagtanong pa. Kinindatan naman ni Maric si Ella pagkaalis ng ginang. Iyon na lang ang palaging sinasabi nila tungkol sa katauhan ni Ella, para wala ng maraming tanong ang mga curious na magtanong.

Mag-iisang buwan na rin sa San Nicholas si Ella. Kahit papaano ay maayos naman ang pamumuhay niya. Malapit ng humapon at dumadalang na rin ang mga mamimili.

"Ella magsara na tayo, wala na ring mamimili sa oras na ito."

"Sige, pero Maric naisip ko lang. May ilang bahayan din naman malapit na inyo. Nakikita ko ang iba ay doon sa tindahan pa sa may bungad bumibili. Bakit kaya hindi tayo magtayo ng munting tindahan sa bahay ninyo. Para may mapaglibangan si Nay Angela. Sa palagay mo?"

Napaisip naman si Maric sa sinabi ni Ella. Matagal na rin nga niyang plano ang bagay na iyon. Kaya lang wala naman silang pang budget pa para sa munting tindahan sa kanila. Isa pa ay wala namang tumatao sa bahay nila sa umaga dahil pareho silang nasa palengkeng mag-ina noon.

"Naku naplano na namin iyan ng inay. Kaya lang kapos sa budget. Alam mo na, lalo na pag hindi nauubos ang panindang gulay nalulugi pa."

"Iyon nga ang dahilan para naman kahit maliit na halaga may pumasok na kita. Ako ang bahala sa kapital. Kahit sa limang libo ay may mapagsimulan. Pasasaan pa at sa palaki din iyon."

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now