Simula

155K 2.2K 190
                                    

Simula


"Beef sukiyaki and rock salt coffee..." Yumukod akong bahagya habang inilalagay ang orders ng customer sa table na nakadestino sa akin.

Kinawit ko sa tenga ang nakalas na buhok. Bumalik na ako sa counter ng bistro at napapasulyap sa pamilyar na mga ginto at pilak ng matandang kaka-serve-an ko lang. Magkano kaya ang tip ko d'yan?

Maingay ang bistro. Lalo na ngayong Biyernes. Payday pa at maraming nagsasaya. Nakakakita na ako ng mga nag-aamok gamit ang mga gintong nakasabit sa katawan nila. May iilang pamilya, ngunit mas marami ang mga pa sosyal na naglalasing.

"Ang yaman niyang sa'yo, Cristina," ani Mirna sa akin.

Dumukdok siya sa counter atsaka pinagmasdan din ang matandang puros ginto.

Nagkibit-balikat ako. "Malay mo kaunti lang 'yung tip ko..."

Ang tip ang mahalaga. Minsan, barya at minsan ay wala pa. Matagal na ako dito sa bistro at sa tanan ng pagiging waitress ko, two hundred pesos pa lamang ang pinakamataas kong tip.

"Malaki 'yan! Sayawan mo." Nakakapanginig ang halakhak ni Mirna. "Tapos bar tayo d'yan sa tabi. Sabihin mo sa'kin, ha."

Napailing na lang ako sa kasamahan ko. Mahigpit na ipinagbabawal ni Joel ang pagsasayaw sa bistro dahil nga sa bistro ito at hindi beerhouse lamang. Pero syempre, sa dami ng oportunidad at sa kasikatan nitong bistro ay may patagong gumagawa ng madaliang kwarta. Madalas sa loob ng cr. Alin sa mga iyon ay hindi ko pa ginagawa at wala naman akong planong gawin.

"Bye, Chrissy!" Pinilantik ni Mirna ang mga daliri dahil may customer na sa kanyang table. Nagis-sway ang kanyang pang-upo habang unat na unat ang likod kaya depina lalo ang malaking pang-harap.

Binalik ko na ang tingin sa nag-iisang matanda na naroon. Busy ito sa cellphone at mukhang hindi ginagalaw ang pagkain. Bumuntomg hininga ako atsaka inasikaso naman ang bagong dating na customer na isang buong pamilya.

Dumaloy ang oras sa bistro. Katulad ng mga usual na Friday ay nananakit talaga ang mga braso at paa ko. May uniporme kami pero hindi heels. Kahit ganoon ay masakit pa rin sa paa dahil labas-masok sa kitchen, paikot-ikot sa counter at tables.

"Ano, tara mamaya?" Ngumisi si Mirna sa mga tip kong binibilang.

Naka-three hundred ako sa buong gabi ngunit tingin ko ay madadagdagan pa dahil ang matandang kanina ko pa minamatyagan ay hindi pa rin umaalis!

"Kaunti lang ito, e. Sa isang linggo na lang," sabi kong napapakamot sa ulo.

Si Mirna ay mas matanda sa akin ng limang taon kaya naman mas alam niya ang bagay-bagay. Sabay lang kami nang matanggap sa bistro at mga isang linggo bago ko siya naging kaibigan. Siya lang naman ang kaibigan ko rito dahil madalas ang iringan sa mga babaeng waitress. Bata pa si Mirna, single at sexy. Matulis ang mata at ang labi ay parang parating ngingisi. Mapagkakatiwalaan ito huwag nga lang idadamay ang marka ng pera.

"Sa isang linggo nanaman, Cristina? Ayaw mo lang, e!" Umikot bilang tampo ang kanyang mga matang bihag ng madidilim ngunit nakakapukaw na eyeshadow.

"Hindi naman kasi ako umiinom..." Sumandal ako sa counter at tinagilid ang ulo. Nadidinig ko sa kitchen ang mga tawanan ng mga kasama naming punong-puno ng crab mentality.

"Subukan mo! Bad influence, ano? Joke," halakhak ni Mirna. Pinitik niya ang daliri hudyat na tapos na ang usapan at mag-isa na lang siyang gigimik o magyaya ng mga kaibigan pang iba.

Hinarap kong muli ang papaunting tao sa bistro dahil limang minutos na lamang ay magsasarado na kami. Iilang ilaw ng mga mumurahing chandelier ay patay na at sina Japeth at Ivan na janitor namin ay nagmo-mop na. 

The PristineWhere stories live. Discover now