Ang Pang-Apat

55.3K 1K 51
                                    

"The drunk driver denies it, still. Muntik na ngang makapatay ay ganoon pa rin." Seryoso ang kanyang tingin sa daan at napailing. "People like him should rot in cells..."

Humugot ako ng hininga sa kanyang nag-iigting na panga. Napagmamasdan ko nanaman ito. 

"Hindi naman yata ganoon kalaki ang sira, Sir," marahan kong sabi.

Nasa loob ako at si Ram sa kaniyang kotseng mamahalin. Habang naiisip kong nasira ang kanyang paboritong sasakyan ay tumatagilid ang labi ko. Ubod iyon ng mahal at paniguradong iniingatang tunay. Sports car niya. Kawawa ang driver na nakabangga. Lalo pa at may kaya ang binangga niya.

Ang normal na shade ng kanyang mga mata ay mas dumilim lalo nang sumingkit ang mga ito. Napapasinghap ako sa simple niyang paghinga. Mabango sa loob kanyang kotse. Hmmm. Parang ganoon sa amoy ng kanyang jacket. Pinamulahanan ako ng pisngi.

Bago sumakay ay tinawagan ako ni Mirna upang sabihing dumaan na raw si Ram upang alamin kung nasaan ako at kung free ba ako.

"Ikaw ha! Hindi ka man lang nagsasabi! Malandi 'to," halaklak ni Mirna sa telepono kanina.

Pinitpit ko ang labi at hindi sumagot.

Nang kaninang nagpakilala si Ram nang pormal ay hindi ko naiwasang hindi tumingin sa pangang palagi yatang tumitigas at mga matang palaging nagyeyelo o 'di kaya'y nag-aapoy. Hindi siya ang tipong mukhang manloloko, atleast sa akin, dahil ang pagtingin pa lamang niya sa isang waitress na tulad ko ay alam ko na kaagad na siya ang nakatataas. 

Kumbaga sa bar ay beerhouse lamang ako, ang mga tipo niya ay 'yung mga high end.

"Hindi ganoon kalaki ang damage? Are you blind, miss?" Gumuhit ang mas nakakarinding iritasyon sa kanyang mukha. Halos durugin niya ng titig ang red light.

Naalala ko kung papaano niya ako sinagip kagabi. Ang pagtanong niya kung ayos lang ba ako, ang jacket at ang paghatid. Dala lang iyon ng tensyon gawa ng aksidente. Kung ano ang nakita ko nang unang araw niya sa bistro...sopistikado, mayaman...iyon ang tunay niyang kulay at hindi na mababago pa.

"Suplado..." Tumingin ako sa mga nadaraanan namin, bumubulong-bulong.

"What time is your next subject?" Pinaarangkada niya ang sasakyan. 

"Uhh, 4:30 pm."

Nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay. "We'll be quick, then."

Wala nang nagsalita sa amin matapos noon. Tanging ang swabeng ugong lamang ng kotse at ang kanyang malalalim na paghinga. Pakiramdam ko ay lahat ng bango niya ay naubos ko na dahil iyon lamang ang hinihinga ko sa kanyang kotse.

Kabisado ko ang daan dito sa amin kaya naman nang hindi kami dumiretso sa presinto ay nalito ako. Sa parking lot ng isang mamahaling restaurant pinatay ni Ram ang makina kotse. Luminga-linga ako sa paligid.

"Sir? Hindi po ba tayo sa presinto?" Marahan ang boses ko sa takot na taasan niyang muli ng kilay. Sumingkit ang mga mata ko sa nakitang modernong Volkswagen na katabi.

"The attorney needs your statement at hindi na kailangan pang sa presinto..." Tinanggal nito ang seatbelt at lumabas na.

Napanguso ako at kinalas ang akin. Tahimik ako nang sinundan siya.

Ang pinasok naming na restaurant ay ibang-iba sa bistrong pinagtatrabahuhan ko. Nagsusumigaw ng pera ang lahat. Pagkain, tao, furnitures at miski ang sahig. Kahit na pinagtitinginan ako dahil sa puting uniporme ko ay tuloy-tuloy ako sa pagsunod sa matipunong likod ni Ram.

"Attorney Autea." Nakipagkamay si Ram nang huminto kami sa isang table kung saan nakaupo ang isang may edad na babae. Nakapula ito at may pearls sa leeg. Mukhang kanina pa siya narito dahil kalahati na niya ang isang champagne glass.

The PristineWhere stories live. Discover now