Ang Pang-Labing Siyam

34.1K 646 81
                                    

Kahit na gumagabi na ay hindi pa rin napuputol ang linya ng tawag. Kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin ni Sir Ram. Madalas kong marinig ang kaniyang buntong hininga at madalas ang mga linyahan naming tahimik lang.

"Do you still have classes tomorrow?" tanong niya.

"Intrams. Walang gagawin..." Nakapikit na ako.

Bumuntong hininga ulit ito. Tunog na tunog ko ang pagkatamad sa kaniyang boses.

Nagkaroon din ng katapusan ang aming pag-uusap. Hindi ito sweet o bitter. Maayos lang ngunit malamig kung tutuusin. Kung iba ang tatanungin, boring ang tamang description.

Pumasok lang akong university upang gawin ang mga routine ko tuwing intrams. Nagpa-check lang ako ng attendance pagkatapos ay lumayas na. 


Ang pakikipag-text at tawag kay Sir Ram ay tila ba naging normal sa mga araw na wala ito. Nakadapa lang ako sa kama habang pasilip-silip sa cellphone at  nag-hihintay ng reply nito. Nang dumating ito ay agad akong nanlumo.


Sir Ram:

I'm working, Chrissy. Sorry.



Inintindi ko ang malamig niyang reply. Kahit may 'sorry' doon ay giniginaw ako sa lamig. Napuna ko ang pagiging busy niya sa kanilang hacienda. Sabagay, kababalik pa lamang niya roon.

Dumukdok akong bed sheet. Pirmis ang mga mata ko sa dumadakdak na TV pero lumulutang ang aking isip.

Ngayong nasa isang hacienda si Sir Ram ay naka suit and tie pa kaya o, o napalitan na ng nakabukas na flannel shirt at gutay-gutay na pantalon habang nangangabayo sa kapatagan.

Hmm. Pwede ring wala itong pang-itaas. Isang lumalagablab na tanghali sa kanilang hacienda, at isang pawis na pawis na si Sir Ram - mali - Señorito Ibrahim. 

"Shit! Uggh!" Napatakip ako ng mukha na iniisip. Doon lang bumagsak sa akin ang katotohanan na nag daydream ako. Napamura ako ng sunod-sunod. What the hell!


Kinahapunan ay niyaya ko si Mirna na sa bistro. Nasa bilyaran kami, at ang iniinom na casual beer ay nasa gilid. 

"Magkakaroon na yata ako ng boyfriend, Chrissy," excited niyang sabi at pinalo ang puting bola.

"Sino? 'Yung vocalist?" sabi ko.

Iyon siguro ang kaniyang ka-text. Ilang beses ko na silang nahuhuli noong bokalista ng banda sa locker room na may ginagawang kung ano. Mahigit trenta anyos na siguro iyon. Maraming tattoo atsaka mayroong big bike.

"Oo. Si Philip. Mukhang nambubugbog pero mabait naman at sweet. Atsaka, magkasundo kami sa mga desisyon. Pinapayagan ko siya sa mga gig niya, at ako, okay lang sa kaniyang may mga kliyente ako. Pareho kami ng pananaw."

"Hindi ganyan ang relasyon ng mag-syota. Ang relasyon na iyan, ang tawag, ay booty call," mariin kong sabi rito at pumalo ng bola.

"Hindi kaya! Inggit ka lang, ano!" sigaw niya pabalik.

Kahit ilang beses niyang ipagtanggol si Philip, hindi niya iyon napapatunayan. Mukhang hindi naman siya naiinis sa akin. Sinasabi ko lang naman ang opinyon ko. 


Mas matanda pa si Mirna sa akin, at mas maraming experiences pero nakikita ko ang ang nakikita ko. Para sa akin, kahit pa prostitute ang isang babae ay dapat pa rin siyang igalang. Kahit pa prostitute iyan ay may karapatan pa ring dalhin sa isang disenteng kama at ihatid ng maayos sa kaniyang bahay.

The PristineWhere stories live. Discover now