Ang Pang-Labing Tatlo

37K 902 126
                                    

"Tara...na, Mirna. Umalis na tayo rito!" sigaw ko atsaka hiniklat si Mirna.

Malamig sa labas. Patay na ang mga ilaw ng bistro at signage na lamang ang buhay. Ang streetlights ang nangingibabaw at mga ilaw ng mabibilis na sasakyan. Bumuntong hininga ako. Ngayon pa lang ako nakahinga ng maayos.


"Pinagalitan ka ba sa itaas? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Hindi makasabay si Mirna sa akin.

"Hindi lang mutlo ang nakita ko, Mirna. Mas malala pa sa multo!" Nanginginig kong sabi.


Kinukumbinsi ko ang aking sarili na normal lamang iyon. Madalas ko ngang mahuli si Mirna, e! Sa locker room o kaya sa likod ng bistro iyon palagi. Hindi na dapat ako magsayang ng panahon doon dahil normal lang iyon! 

Napapikit akong mariin at ibinaon ang mukha sa aking mga palad. Damn it! 

 Lalaki naman ang boss ko at babae naman iyong dalawa. Matatanda na sila para bigyan ko pa ng advice.  At isa pa, hindi na dapat ako nakikielam sa gawain ng boss ko, hindi ba? 

Kahit anong kumbinsi ko sa sarili ay hindi ko ito magawa. Nagigimbal pa rin ako. Isang solido at nakakasirang bait na gulat. Damn shit...playboy!


Kinabukasa, pagkatapos ng aking panghapong klase ay para akong hinahapo. Hindi maganda ang aking pakiramdam dahil sa pagpupuyat nitong mga nakaraang araw.

Patungo kami sa bahay ng kagrupo para doon gawin ang project.

Sa totoo lang, gusto ko ulit tumakas. Gusto ko ay mag-review. Nitong mga nakaraang araw ay pagod ako at puyat. Hindi 'yon magandang sandata mamayang gabi dahil midterms na kinabukasan.


"Bilisan lang natin kila Pia, please! Wala pa rin akong nare-review..." ungol ng isa kong groupmate habang naglalakad kami sa ilalim ng naglalakihang puno.

"Kopyahan na lang tayo bukas!"

Tumikhim si Jaime, "kukuha ako ng leakage sa ibang block. Sa mga naririto ay mas maraming leakage. Ano, game?"


Naghiyawan ang aking mga kagrupo habang naglalakad na patungong gate. Hindi na ako nakisali habang sila'y nagtatawanan. Nagtext na lamang ako kay Lucy na hindi kami sabay.


"Uy, Chrissy! Teka..." Napahinto si Jaime kaya napahinto ako sa pagdudutdot.

"Oh? Bakit, Zelda?" sabi ko. Huminto rin ang aking mga kagrupo na busy sa pag-aayos ng kanilang magiging upuan bukas para mas madali ang kopyahan.


"Hindi ba't maroon ang uniporme nina Jerard sa basketball?" gulat na sabi ni Jaime habanag nakatanaw sa tapat naming court.

"Oo. Pulang dragon ang logo nila..." Sinulyapan ko ang tingin ni Jaime. Nasa loob ang pamilyar na uniporme ng departmento nina Jerard. Ngunit mayroong riot sa loob at nagkakagulo ang lahat. 


Pumintig ang puso ko habang napaaawang ang bibig.


"'Tangina! Sila Eamonn 'yun! Iyan 'yung mga varsity! Shit..." Lumaki ang mga mata ni Jaime sa aking kumpirmasyon. Kumaripas ito ng takbo patungong gym upang makigulo na rin sa nangyayari.

"Oh my god? Tara punta tayo!" Pumalakpak si Pia habang nagtungo na rin sa loob.


Mabilis kaming nakapasok sa loob. Humahaba ang aking leeg para may matanaw ngunit mga kilalang kamiyembro lamang ni Eamonn at Jerard ang aking namamataan. 

The PristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon