Ang Pang-Walo

43K 911 27
                                    

Noong Lunes ay maaga akong pumasok. Si Lucy nanaman ang aking katabi habang nag-iintay kami ng padating ng prof.

"Bagay sa'yo 'yang headband mo," puna ko sa kaniyang telang supil.

"Ha?"

Tumitingkad ang dalawang linya ng blue sa buhok nitong light brown tapos ay makinis pa si Lucy. Nagkibit-balikat ako, "boho."

"Ano? Boho?" Kumunot ang noo ni Lucy habang nagsusulat ng notes.

Humagalpak ako at tinakpan ang bibig. Kinawit ko ang buhok na kailanman ay hindi ko naglalagyan ng style bukod sa pag-pony nito kapag shift ko sa bistro. Wala naman kasi akong time para mag-ayos. Busy ako.

"Anong boho?" Nakakunot pa rin ang noo ni Lucy.

"Bobo!" sigaw ng kaklase namin sa gilid. Humagalpak ako sa katatawa.

"Oh, what the shit? Inaano kitang malandi ka? Malandi!" sigaw ni Lucy pabalik.

Sumisingkit ang mga mata ko dahil sa malakas na hagalpak. Sinukbit ko ang dalawang kamay sa welt pocket.

Habang nag-iintay ay maraming chinichismis sa akin si Lucy. Katulad na lamang noong pre-game ng Agriculture at Accounting para sa nalalapit na Intramurals. Nang maalala ito ay huminga akong maluwag. Isang linggong pahinga rin sa wakas!

"Hindi ba't nangungulit sa'yo si Eamonn? Eamonn...Alcantara?"  Kinagat nito ang labi at namula ang pisngi.

"Kaibigan ko lang siya. Pero, oo, Alcantara nga. Bakit?" Tinaasan ko ng kilay si Lucy.

"Noong pre-grame, naku! Sinigaw daw 'yung pangalan mo bago maka-score. 'Yung huling seconds na? Kaya nanalo 'yung Accounting!"

Nang wala akong reaksyon ay binungangaan ako nito.

"Gusto mo bang mag-cartwheel ako? Ha Lucy?" sabi ko.

Na-iimagine ko ang sariling nagka-cartwheel habang naka-uniform. Humagikgik ako. Naiisip ko rin ang kalokohang nagawa ko kagabi, lalo na ang mga kawawang roses na nakakalat sa kalsada. Nawala ang aking mga ngiti. Napanguso na lamang ako.

"I heard the news, Chrissy. Panalo daw ang Accounting thanks to you." Lumapit bigla ang ka-block kong si Marion. 

Binaba ko ang binabasang notes, "look, Marion, wala akong kinalaman d'yan. 'Wag mo 'kong titigan, okay?"

"Fine," kumanta si Marion at sumayaw pa pabalik sa armchair nito.

Saglit kong tinitigan ang kulay violet na buhok ni Marion. Hindi naman ito barkada nina Clarisse at Kristal. Random classmate lang. Nagkibit-balikat ako.

"Sabi ko sa'yo, 'di ba, Chrissy? Baka tantanan ka na nila Clarisse kasi may Eamonn ka na," walang prenong drama ni Lucy.

Kumalabit sa tenga ko ito. Oh, kung may Eamonn ako ay wala na ang Jerard? Pinapatawa yata ulit ako Lucy.

Dumaloy ang oras. Madalas akong mag-take down notes. Kailangan ay prepared ako sa midterms. Malapit na ang midterms. Tuwing naiisip ko iyon ay gusto ko na lamang umungol. Wala nanamang tulugan sa shift, wala ring tulugan sa pag-aaral. Sa taon-taon kong ginagawa ito ay hindi man lang ako masanay-sanay.

"One fifty muna ang contri natin...sa ngayon, para sa mga gastusin," tango ni Zelda sa aming lahat.

"One fifty?" Napakamot ako sa ulo habang nakatingin sa aming leader. Sa isang subject ay wala nang exam ngunit may project naman kami sa aming prof na sariling model ng human anatomy. Hindi man magpupuyat ay butas naman ang bulsa!

"Bakit, Chrissy? Mataas ba masyado?" Napakamot na rin sa ulo si Zelda.

"O, sige, sige. Pwede na siguro 'yan," iling ko.

The PristineWhere stories live. Discover now