Ang Pang-Tatlumpu't Apat

39.6K 845 205
                                    

Hindi ko magawang dipensahan ang sarili ko kay Ram. Natatakot ako na baka kapag nagsalita ako ay tuloy-tuloy na. Walang mintis, mababanggit ko ang pagsisinungaling niya sa'kin noong nakaraang gabi at ang pagkakataong hindi niya ako sinipot. Ayaw kong mauwi kami sa bilangan.

Nag-iwas ng tingin si Ram. Hindi nakatakas sa akin ang mga tingin niyang nagpipigil at ang mga malulutong niyang mga mura. Parang sinasabuyan ng asido ang puso ko kaya naman iniwan ko na lang siya roon. 

Ayaw kong sirain ang gabing ito. Kahit ngayong gabi lang naman sanang birthday ko.

Sa buong shift ay pinilit kong magtrabaho ng maayos. Tanging si Mirna lamang ang nakapansin sa pagbabago ng aking mood kaya naman kanina pa nangungulit.

"Happy birthday sa waitress namin. Happy birthday, Chrissy!" anunsyo ng mga entertainer sa stage.

Nahihiya akong kumaway sa customers at sa crew. Dahil sa kanilang announcement ay tumaas ang mga nakuha kong tip ngayong gabi.

"Shot na!" tudyo sa akin ni Japeth at ivan noong naglilinis na kami. 

"Hindi 'yan. Kuripot!" Inakbayan naman ako kaagad ni Kurt. 

Inalis ko ang kaniyang kamay at napailing. Gusto ko ring magpainom tulad ng gusto nila. I haven't done it before. And besides, mukhang bad trip si Ram ngayong gabi kaya wala akong makakasama mamaya. 

Naiisip ko pa lang iyon ay nalulungkot na ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong umabot sa ganito. Ayokong tuluyang maging dependent sa kaniya. Ram was made of steel and iron. He wouldn't budge if he doesn't want to, lalo pa kaya sa isang waitress na katulad ko?

Tiningala ko ang second floor ng bistro. Kanina pa iyon hindi lumalabas doon. Nanakit muli ang aking dibdib. 

Nang magbaba ako ng tingin ay naabutan kong nakatingin sa akin si Mirna. Inikutan ako nito ng mga mata na para bang sinasabi sa aking ang tanga-tanga ko. Bumagsak lalo ang aking mga balikat.

Pinagbigyan ko ang crew sa kagustuhan. Tutal ay marami naman ang nakuha kong tip ngayong gabi, iyon ang ginamit kong panggastos para sa maliit naming salu-salo. Nagpabili ako ng dalawang case ng San Mig at sisig na pulutan.

Dito lang kami sa likod ng bistro uminom. Naglalaro ng billiard ang boys habang ang iba naman ay nakaupo lang. Halos madaling araw na rin nang matapos kami at makapagligpit. Miski ako ay inaantok na rin.

 "Hindi ka pa uuwi?" tanong sa akin ni Mirna nang makita niya akong nakasilip sa loob. Nakaalis na pala ang ibang crew.

Napahaplos ako sa ngawit na batok. Hindi ko alam kung kaya ko ba. Hindi gayong ganitong buong gabing hindi man lang kami nag-usap ni Ram.  Uminit na kaagad ang sulok ng mga mata ko.

 "Shit na iyan! Sinasabi ko na nga ba, Chrissy! Anong ginawa ni Sir Ram sa'yo? Ha?" Tinungo kaagad ako ni Mirna at hinimas ang aking likuran. 

Bumuhos ng tuluyan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ayaw ko ng ganito. Naiinis ako sa sarili ko. Ayaw kong nakikita akong mahina pero iyon ang nangyayari!

"Wala. Umuwi ka na para makapagpahinga ka na..." Pilit kong pinunasan ang rumaragasang mga luha. Mahina akong napamura.

"Anong wala? Tingnan mo nga iyang sarili mo, Chrissy. Ano ba talagang nangyari? Buntis ka?" 

"H-Hindi! Paano ako mabubuntis?" gulat kong sagot sa kaniya. Huminga naman ito ng maluwag. 

Pagkatapos noon ay pinilit ko na siyang umuwi. Noong kalaunan ay ayaw niya pero pumayag din naman. Naiwan akong mag isa sa dining. Ang pulang dim light na lamang ang nagsisilbing ilaw at ang galing sa second floor.

The PristineWhere stories live. Discover now