Ang Pang-Dalawampu't Isa

34.5K 713 91
                                    

Kinabukasan, unang vacant pa lamang sa university ay si Jaime na kaagad ang aking puntirya. Niyaya ko ito sa labas ng classroom para doon makipag-usap. Nilabas ko kaagad mula sa aking bag ang nasirang laptop ni Sir Ram kagabi.


"Iyan ba ang waitress? Naku, Chrissy. Huwag kami!" Lumaki ang mga mata ni Lucy sa binunot kong MacBook. Nakipag high five ito kay Jaime.

Umiling ako sa dalawang ito. Sinabi ko ang totoong nangyari kay Jaime na hindi naman akin ang laptop. Nasira ko dahil gamit ang isang umuusok na kape. Tumapon iyon doon nang hindi sinasadya.


"May mga kilala akong IT dito sa school pero hindi ako sure kung kaya nila ang Apple. Alam mo naman." Napakamot ng ulo si Jaime.

"Kahit magkano, Jaime. Sabihin mo sa akin. Basta hindi tataas ng eight thousand," sabi ko.

"Oh. E, akala ko ba kahit magkano?" Humalakhak si Lucy sa aking tabi. Inirapan ko ito. Wala akong pera!

Sukdulang lumuhod ako sa harapan ni Jaime para lang ilakad niya iyang pahamak na laptop. Napa-oo naman ito dahil medyo close ko naman siya. Siya talaga ang aking unang nilapitan dahil marami itong connections.


Nang pumasok kami sa loob ay dineklara na ni Jaime na pwede nang mag-verify ng grades. Doon ay muli akong inatake sa puso. Pakiramdam ko ay namatay ako at nabuhay ulit.


Habang naglalakad kami ni Lucy patungo sa department ng aming mga prof ay nag-space out akong muli. Sinisipa ko ang mga tuyong dahon at nagagasgas ang dulo ng aking rubbershoes dahil doon.

Hindi ko nakakalimutan ang pangyayari kagabi. Ginagambala ako nito hanggang sa aking panaginip dahil kaninang maga ay pawis na pawis akong nagising!

Alam ko sa sarili kong walang nangyaring malisya kagabi. Pagkatapos akong pakalmahin ni Sir Ram ay pinauwi na rin ako nito. Wala itong nagawa nang nagprisinta akong ipagawa ang kaniyang laptop.

Wala ng nangyari pagkatapos. Nada. Nothing. Wala!


Muntikan na akong mabangga ng nagbi-bisikleta dahil hindi ako nakatingin sa daan. Napamura na lamang ako.

"Magpatingin ka na kaya, Chrissy. Wala ka sa sarili nitong nakaraang mga araw," kumento ni Lucy pagkatapos niyang mura-murahin iyong naka-bike.

Hindi ko ito sinagot. Napasimangot ako. Dalawang choices lang naman kung kanina ako magpapatingin: sa albularyo o sa psychiatrist dahil nababaliw na ako.

Walang nangyari sa amin ni Sir Ram. Nang maikalma niya ang sarili ay ako ang kaniyang sinunod sa paghagod ng aking likod. Iyon lamang ang kabuuan ng lahat.


"Pabulusok 'yung exam mo, Miss Cajucom. Humugot..." Nangiti sa akin si Professor De Guzman habang inaabot ang test paper ko.

Simula pa kaninang dumating kaming department ay hindi na ako makangiti. Ito ang hindi ko inaasahan at ang mga mabababang markang ito ang papatay sa akin.


"Did something happened, hija? Kaya ka nagkaganyan?" Nginuso ni Prof De Guzman ang aking mababang grado. Kumibit-balikat ito sa akin. Kabang-kaba lamang ako.

Tinanong ko kaagad kung ilan ang marka ni Lucy ngunit mas pinagsukluban ako ng langit at lupa. Isa siya sa mga matataaas! Damn, wala man lang akong kilalang karamay ko! Ang sakit!


"Ano ba kasing nangyayari sa iyo, Chrissy? Itong exams natin 'yung mga panahong wala ka rin sa sarili. Ito 'yung sinasabi mong madalas kang OT sa trabaho," aniya.

The PristineWhere stories live. Discover now