Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa

33.1K 756 64
                                    

Sa mga sumunod na araw ay naging ako sa school. Naging totoo naman si Ram sa kaniyang sinabi. Tuwing shift ko sa bistro ay may nakahanda na kaagad na bulaklak at chocolates para sa akin at kadalasan ay nasa office lamang niya. Nagagalit na ako minsan dahil hindi pwedeng tambay lang ako roon.

"Naging ilan na ang girlfriend mo noon?" tanong ko rito habang kumakain ng meryenda sa roof deck ng bahay ni Ram. 

Play safe iyon, dahil ang gusto kong itanong ay kung bakit hindi pa niya ako nililigawan o ginagawang girlfriend...na masyado yatang demanding sa parte ko. Damn it.

Napaawang ang bibig nito at sinara ulit. Napangisi ako dahil daig pa niya ang isda doon sa aquarium ng bistro.

"I've never had an official girlfriend." Nagkibit-balikat ito kaya naman naging firm pa ang kaniyang mga balikat.

Nilingon ako ni Ram gamit ang naninimbang niyang mga mata. Pakiramdam ko ay isa akong bukas na libro sa kaniyang pagtingin. Madaling basahin. Kaya naman iniwas ko kaagad ang mukha.

"You're mine..." seryosong saad ni Ram habang nananatili pa rin ang mga mata sa akin.

Bahagya ko siyang nilingon at ngumiti lang ng tipid. Nag-sway ang aking mga paa sa ere habang nakaupo sa ibabaw ng counter. Alam kong hindi ibig sabihin ng kaniyang sinabi ay 'official girlfriend' na niya ako. 

May parte sa akin na nagrereklamo at nag-aalangan, ngunit may parte rin sa akin na mas gusto ang ganoon. Walang lebel. Walang pangakuan. Walang masyadong sakitan.

Mabilis ang naging paglipas ng mga araw. Isang hapon na kauuwi ko sa apartment ay laking gulat ko nang makita si Kuya Ishmael sa harapan noon, prenteng nakasandal sa kaniyang dalang kotse.

"Kuya! Hindi mo sinabing pupunta ka?" Tumakbo ako at kaagad na yumakap dito.

Nang makalapit dito ay sobrang nostalgic. Nalalanghap ko pa lang ang bahid ng kaniyang natural na amoy ay parang nasa mansyon na ako ulit noong mga bata pa kami. Nalanghap ko ang hanging nagmumula sa katimugan at ang mga paborito kong lugar doon ay naalala kong lahat. 

"I missed you too, Chrissy," halakhak nito sa higpit ng aking pagkakayakap. Hindi ko mapigilan! 

Lahat ng negatibong ideyang naisip ko nitong mga nakaraang araw ay naglaho na sa pagdating ni Kuya Ishmael. Pakiramdam ko ay naging mag-isa ako sa mahabang panahon at nang bigyan na ng pamilya ay hindi ko sila matatanggihan sa kahit na ano.

Katulad ni Ate Yllana tuwing naririto siya sa apartment, hindi rin bagay ni Kuya Ishmael. Kinakausap ko siya sa sala habang mabilis akong nag-eempake rito sa maliit kong kwarto. Pinag-isipan niya talaga dahil weekend ngayon.

"I hope you didn't forget to bring extra clothes. You won't just stay inside the villa..." babala niya sa akin habang kinakandado ko na ang gate. 

"I'm all set, Kuya Ish. Tara na!" Sumakay na ako kaagad sa kaniyang kotse.

Habang patungo sa airport ay nag-text ako kay Ram na hindi makaka-attend ng shift ng mga at least two three days. Excited ako dahil sinundo pa ako ni Kuya Ishmael ngunit kumabig iyon bigla sa pag-aalinlangan. Makikita ko si Papa roon. Imposibleng hindi iyon mangyari.

Nanginig ang aking cellphone kaya nabaling doon ang aking atensyon. Sinagot ko kaagad ang pagtawag ni Ram. Kinalma ko ang sarili.

"Where are you?"

"Nasa kotse na ako ng kuya ko. Papunta na ng airport. Ikaw?" Napasuklay ako sa buhok. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ng aking kapatid habang nagmamaneho.

Ilang segundong nanahimik si Ram. Alam kong nasa bistro ito, sa kaniyang office, dahil ang aircon lamang ang aking naririnig. Nakikita ko na siya sa aking utak na nakakunot ang noo habang naroon sa kaniyang swivel chair. 

The PristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon