Ang Pang-Labing Isa

41.4K 824 86
                                    

Nasa ministage na ngayon ang batang lalaking bininyagan. Si Batman ang nakatatak sa kaniyang comfy na sando at shorts. Habang karga ito ng kaniyang daddy na nagbibigay ng nakakatuwang speech ay papikit-pikit ito sa antok.

Sa likod ng buffet ay hindi ko mapigilan ang hindi sumulyap sa cute na baby. Mataba ang pisngi nito at malalaki ang mga mata. Ang bait noong baby dahil hindi ko pa narinig umiyak at magmuryot. Parang kapag kikidnapin ko ay matutulog lamang siya.

"Uy, si Chrissy..." Dinunggol ako ni Mirna sa aking tabi. "Gusto mo na ng baby? Huwag pa, oy! Magtatapos ka muna ng pag-aaral!"

"Ahh, kaya ikaw na lang. Ninang ako, ha?" ngisi ko rito.

Mahaba-habang oras din ang ginugol ko rito sa likod ng mga pagkain. Halos walang pahinga dahil kami rin ang abala kanina. Swerte na rin dahil umabot kami sa oras.

Tuwing iniikot ang baby sa aming pwesto ay parang nawawala ang pagod ko. Hindi sila mukhang mayaman. Base sa records ay unti-unti nilang binayaran ang mga gastusin dito. Siguro, kung hindi kami umabot sa oras ay kawawa naman sila.

Alas cuatro na rin nang makaalis na ang mga bisita. Nagsimula naman ngayon ang crew sa paglilinis.

"Walang katapusang trabaho...ahh, kay gandang buhay! Mamaya, shift nanaman!" ngiting-ngiti si Ivan habang naglalampaso.

"Shhh! Andiyan pa 'yung mga magulang ni Baby Kaine!" Pinandilatan ko ito ng mga mata. Tumahimik naman ito kaagad.

Habang naglilinis ako sa dining room ay tahimik kong nilulukot ang aking mukha. Nang nilabas ko ang aking dila ay humagalpak ng tawa ang baby na nakabaling ang tingin sa akin sa malayo.

Naku, kapag sinuwerte at naituloy ko ang aking nursing sa doctorate, ako ang magiging pedia mo, ha?

Eksaktong pababa noon si Sir Ram. Bagong paligo na ito at wala na ang puros mantsang polo. Suot nanaman nito ang usual na attire na long sleeves atsaka slacks. At as usual, pormal na pormal nanaman ang kaniyang hitsura. Pormal, presko, at makisig.

Lumapit ang mag-asawa sa aming boss bago sila umuwi. Nagtungo si Sir Ram sa gitna ng dining area kung nasaan ang grupo namin nina Mirna. Pinanuod ko itong pumunta malapit sa aking gilid upang doon kausapin ang mag-asawa.

Napanguso ako nang tumigil ang crew sa paglilinis. Hindi ko mapigilan ang hindi pagtingala kay Sir Ram habang binibigyan niya kami ng credibilidad.

Kinikilig na si Mirna sa aking tabi. Muntik ko na siyang kurutin at ipaalala ang impyernong pinaranas nitong masungit naming boss!

"Ang charming naman. Nakakakilig talaga!" Tinapik-tapik pa ni Mirna ang dalawang pisngi.

Nang umalis na ang maliit na mag-anak ay bahagya akong kumaway sa baby. Nakasulyap pa rin ito sa akin sa huling sandaling nag-aabot ang aming mga paningin.

Bumalik na ako sa trabaho. Nang nadampot ko na ang spray at basahan ay luminga-linga ako. Naabutan ko si Sir Ram sa tabi na nakatingin sa akin. Naging isang diretsong linya ang kaniyang mga labi sa pagpigil ng kung ano.

Kinagat ko sa labi at pinagpatuloy ang aking ginagawa.

"So...mahilig ka pala sa mga baby?" marahan ang baritonong boses nito.

Napatalon ako sa gulat. Nang harapin ko si Sir Ram ay kinailangan kong tumingala. Naroon nanaman ang kumiskislap na kapilyuhan sa kaniyang mga mata. Sumingkit ang aking mga mata upang pigilan ang pag-init ng aking mga pisngi.

Kay hirap namang maging kulay labanos!

"Uhh, hindi, sir. Mahirap iyong mga bata. Magastos..." kibit-balikat ko rito.

The PristineWhere stories live. Discover now