Ang Pang-Dalawampu't Tatlo

33.1K 656 95
                                    

Naglalakad pa lang sa hallway ng departamento ko ay baka matunaw na si Sir Ram. Halos lahat ay nababali ang leeg sa kaniyang pagtapak dito. Napapanguso na lang ako habang naglalakad sa kaniyang unahan. 

Ayaw ko siyang sabayan. Mamaya ay madamay nanaman ako.


Sinuyod namin ang buong department para sa aking mga failing grades. Pumapasok talaga sa utak ko na ginagamit ko si Sir Ram para sa grade ko. Ang rason ko na lang ay ito naman talaga ang nauna.  Siya ang gumusot, siya ang mag-plantsa.


"Ka-pogi naman ng boyfriend ni Miss Cajucom..." sabi ni Madame Floresca.

"Hindi ko po siya kasintahan," sagot ko.

Tiningnan lang ako ni Sir Ram. Pinigil ko ang pagpula ng pisngi. Tinalikuran ko ito kaagad.


Hindi ko alam ang sikreto ng aking boss. Napapayag niyang mag-remedial ako sa aking mga professors. Pormal niya itong kinakausap na para bang nasa business. Hindi matanggal ang tingin ng aking mga prof sa kaniya, lalo na ang mga girls.

Sambakol ang aking mukha nang lumabas para magpahangin. Naaalibadbaran ako sa pag-uusap nina Sir Ram. Nag-text na rin lang ako kay Lucy.


Ako:

Okay ka lang? Pumasok ka bukas, ha.


Natakot si Lucy panigurado at baka mag-absent na lang. Ayaw ko noon. Ayaw ko na may nadadamay akong mga kaibigan.

Bumukas ang sliding door ng office. Maaliwalas ang mukha ni Sir Ram habang palabas. 


"Its all good. They all agreed. Kapag naka-review ka na sa loob ng limang araw then, you can take your remedial exams."

"Okay," tango ko at inirapan nang hindi siya nakatingin.

Show off! Yabang!


Naglakad na rin kami paalis. Siya na ang nangunguna at ako ang nasa likod dahil alam na niya ang daan palabas. Inirapan ko ulit ang kaniyang matipunong likod.

Wala akong makita at nanliliit ako rito. 

Hindi na ako nagreklamo pa. Pinanunuod ko na lamang ang straight body nito, at ang mga paghigpit ng balikat. Natutulala ako roon tuwing siya ay babaling sa iba ay mas nadedepina ang mga muscles.

Sa aking panunuod ay bigla itong huminto. Tsk.

Muntik nang sumubsob ang mukha ko sa likod nitong mukhang mas matigas pa sa semento. Naiharang ko ang dalawang palad sa kahihiyan!


"Bakit ka huminto, sir?" Napakamot ako sa ulo. 

Nakataas pa rin ang dalawa kong kamay nang lingunin nito. Dahan-dahan kong binaba ang dalawang kamay. Uminit ang dalawa kong pisngi.

"Drop the 'sir', Chrissy. Wala tayo sa bistro. Call me by my first name, please..." kaswal nitong sabi atsaka umikot sa aking likuran. "Now. You walk first."

"H-Huh?" Para akong goldfish na wala sa tank. Bukas-sara ang aking bibig dahil hindi ko naitindihan ang kaniyang mga utos.


First...napalunok ako...first name basis?

Nang hindi ako gumalaw ay tinulak ako nito sa dalawang balikat. Kusang gumalaw ang aking mga paa sa kaniyang marahang tulak. 

The PristineWhere stories live. Discover now