Ang Pangalawa

65.6K 1.2K 92
                                    

"'Wag na, Mirna." Umiling ako kay Mirna. Dinampi ko ang hot compress sa siko ko na sumakit dahil pinangsuporta ko kanina.

"Ano? Kita mo nga ang ginawa sa iyo! Sasabunutan ko 'yan!" Dinuro-duro ni Mirna ang pintuan ng dining room kung saan paniguradong si Jamel ang nagse-serve sa table ko.

Umiling ako. "Wala naman na sa'kin 'yung tip. Okay na ako!"

Kung gusto niya ay lamunin niya ang tip. Basta ako, masakit ang pwet ko at ang siko. Iyon ang gusto kong intindihin muna at pakisama na rin ang mukha ng waitress na nadapa dahil sa pagiging clumsy.

"Patingin nga," pagalit na utas ni Mirna. Kinuha niya ang siko ko at ininspekto ito.

Nang maayos naman na ako ay lumabas na siya para hindi sayang ang gabi. Lumipas ang nakakahiyang pangyayari nang si Joel or mas kilala bilang Shiela Hilton mismo ang nanguha sa akin dahil pinagtatawanan ako sa sahig.

"Chrissy! Oh, ano na? Okay na?" Sumungaw ang kanyang blonde na wig sa window.

Tumango-tango naman ako. Medyo masakit pa pero sayang ang gabi.

" O, siya! 'Wag clumsy, ija. Sayang ang beauty, napahiya ka na kanina!"

Napanguso ako at hindi na siya pinatulan pa. Nang makalabas ako ay may iilang nakatingin sa'kin marahil hindi pa sila umaalis ng bistro. Humugot ako ng hininga saka nanguha na ng mga menu para ibigay sa kapapasok pa lamang.

"Ingungudngod kitang inggitera ka mamaya." Dumukwang si Mirna sa tenga ni Jamel nang makalapit ako. Nag-irapan ang dalawa. Pinilig ko  na lang ang ulo.

Nagtuloy ang gabi sa bistro hanggang sa dami ng papalit-palit na mga customer ay burado na ang kahihiyang nangyari.

"Ma'am, menu po." Inabot ko ang menu sa pamilyar na table.

Kinuha sa akin ng nakaunipormeng pang-guro ang menu at hinanda ko ang listahan. Pagkalabas ko kanina ay wala na ang grupong 'yon na isang malaking hagod ng hangin para sa akin. Ngumiti na lang ako sa customer.

Habang nagtatrabaho ay napapasulyap talaga ako sa kanilang table. Nanunuot sa sistema ko ang pagtitig ng lalaking 'yon. Ang sarap titigan ng mga mata kahit na halatang lalapastanganin ang kahit na sino. Ganoon naman ang karamihan ng mayayaman. Basta may pera ay kayang-kayang magbura ng kahit anong klaseng mukha sa mundo.

Natapos ang shift nang mag-aalas kwatro na dahil may nangyaring ingkwentro kaya naman pagod na pagod na ako. Naupo ako sa isang upuan at dumukdok doon. Binunot ko ang cellphone para tingnan kung iilan bang tao ang nakaalala sa akin bukod kay 8888.

Tatlong messages ang naroon. Isa sa ka-department ko, isa kay Kuya at isa kay Lucy. Binuksan ko ang pang-una.

Eamonn:
Hi, Chrissy! Kamusta?

Kanina pa iyang text niya pero dinutdot ko ang keypad.

Ako:
Okay lang.

Naulinigan ko si Mirna na may kadakdakan nanaman pero tumunog kaagad ang aking cellphone. Binuksan ko 'yon.

Eamonn:

Oh, great! Are you free?

Free? Pa-plantsahin ko ang mga uniporme pagkarating sa apartment at magrereview kung sakaling may mga surprise o make up quizes.

Nagkibit ako ng balikat. Napailing ako sa kay Eamonn atsaka binuksan ang pangalawang message ko. Nakita ko ang pangalan ni Kuya kaya kaagad kong binuksan.

Kuya Ish:

Pinapasundo ka ni Papa. You okay with the chopper or I'll go there and fetch you? Be safe, Chrissy.

The PristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon