Ang Pang-Tatlumput Pito

32.4K 950 402
                                    

Hindi ko iniwanan si Ram.

Sa kaniyang estadong lasing na lasing at halos hindi na makalakad, hindi ko siya kayang iwan.

Sinigurado ko na may humahagod sa kaniyang likod habang dinuduwal ang lamang loob sa toilet bowl. Ako na ang nag-akay sa kaniya patungo sa loob ng kwarto at nagpalit ng damit nito.

"Ana..." bulong ulit ni Ram habang nakahiga na sa kama.

Nanginig ako sa aking tayo. Para bang nakikisimpatya ang malungkot na liwanag ng buwan sa aking puso. Kasi kapag tinira ka na ng sakit, titirahin ka ng sobra. Walang mintis, tataob kang luhaan.

Narito ako't inaalagaan siya ngunit hindi ko pangalanan ang kaniyang sinasambit. Here I am, the martyr, nursing him yet a different name passes his lips in agonized whispers.

Para akong sinasaksak ng paulit-ulit.

Marahan akong umupo sa gilid ng king-sized bed ni Ram matapos siyang bihisan. Pumaere ang aking isang kamay patungo sa kaniyang noo, lumulutang ang aking kamay sa ere at nanginginig.

Sa huli, nilapat ko rin ang kamay dito. Hinimas ko ang kaniyang noo patungo sa buhok hanggang sa makatulog ito ng husto, sa bulong ng pangalangang hindi ko pag mamay-ari.

Natulog ako sa tabi ni Ram. Nakabaling ang katawan ko patungo sa kaniya, natatakot na bigla na lamang siyang umalis at mang-iwan.

Nagawa ko namang tanggalin ang mga marka ng lipstick sa kaniyang katawan. Also the stench of that woman's perfume, but I can still somehow see marks and smell that ugliness. 

Wala akong ibang pwedeng tanungin at sisihin kung hindi ang sarili ko dahil obvious namang nagkulang akong muli. Siguro ay may gusto siyang hindi ko kayang punahin, siguro ang buhay ng isang marangyang babae...iyong classy, maybe?

Siguro, ang isang katulad niya ay naging bored na sa katulad ko. Plain waitress lamang naman ako at siya, para sa akin, ay isang naabot na mga pangarap. Nakakasawa siguro para sa isang katulad niya. Playboy. Mayaman. Bilyunaryo. Maybe?

My head hurt searching for his possible needs that I cannot give. It hurt so much. 

Kinabukasan, nagising ako sa malakas na tunog ng isang nabasag na kung ano.

Mabilis akong napaupo sa gilid ng kama at hinilot ang sentido. Binunot ko ang cellphone. Its already seven in the morning. Halos dalawang oras lang ang tulog ko.

Wala na si Ram sa aking tabi kaya naman agad akong lumabas ng kwarto. Sa hagdanan pa lang ay nakita ko na kaagad ang mga kapiraso ng nabasag niyang pitcher.

Bumaba akong tuluyan at natungo sa kusina kung nasaan si Ram. Bumigat ang aking paghinga.

Nakaupo si Ram sa stool at nakadukdok sa counter, wearing his black pajama's and white sando. Sapo niya ang  mukha gamit ang palad. Tumikhim ako. 

Unti-unt itong tingin sa akin at pula ang kaniyang mga mata dala ng hangover. Kumalabog ang aking dibdib. Nakakatakot ang katahimikan sa aming gitna dahil pakiramdam ko ay pinaghihiwalay kami nito. 

"I saw the car and the garage..." he whispered coldly. 

Tumango ako. Nakayukom ang aking mga kamao dahil sobrang nakapanlalamig ang kaniyang boses. I hate the way he looks at me right now. Malamig at walang buhay. 

"Iba na ang mga damit ko ngayon. And that, I was in my room when I woke up." He looked at me darkly. "With you."

"Oo," tango ko.

"Why did you stay?" 

Nalasahan ko na ang dugo sa aking pang-ibabang labi. Hindi ko hininto ang pagkagat dito. Uminit kaagad ang sulok ng aking mga mata hindi dahil sa kawalan ng sasabihin ngunit dahil sa kaniyang katanungan.

The PristineWhere stories live. Discover now