Ang Pang-Dalawampu't Apat

35.9K 739 156
                                    

Noong hapon ay tumawag si Ate Yllana. Dumating na pala ito galing ng abroad.

"Shopping tayo, ha? I missed you so much, Chrissy!" Sa tinis ng kaniyang boses ay para akong kumain ng cotton candy.

"Miss din kita. See you..." 

Pumayag ako sa kaniyang gusto. Wala rin naman akong masyadong gagawin nitong mga susunod na araw.


Sa school naming puros puno ay mahangin. Napapaigtad ako sa pagkakaupo tuwing sumasablay ang pinanunuod na archers. Si Lucy ang aking kasama na pumasok naman.

"Boyfriend mo ba iyon, Chrissy?" Puno ng pagtataka ang mukha nito habang kumakain ng chichirya.

"Boss ko siya. Ano ka ba?" inis kong sagot dito.

"Ahhh. Akala ko may pamalit ka na kay Jerard. Ayaw mo kay Eamonn, kaya nag-assume na akong gusto mo ng older guys." 


Nalaglag ang panga ko kay Lucy. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kaniya kung hindi pa siya tatahimik. 

Anong ibig sabihin niyang gusto ko ng mas matanda sa akin? Damn it!

"Pumunta ka bukas sa banda. Atsaka sa open jam." Sinisiko ako ni Lucy habang pauwi na kami. 

Hindi ako makakasiguro roon. Hindi naman kasi ako talaga pumupunta sa mga event ng school. Ang tingin ko rito ay sayang pamasahe. Isa pa, pupunta roon si Jerard. Baka kung ano pa ang makita ko.


Pagkarating sa apartment ay nagbihis na ako para sa shift. Tinitimbang ko sa aking isip kung bakit ba nagkaganoon si Sir Ram kahapon. Ang mas matimbay ay ang realisasyon niyang isa lang naman akong employee. Isang mahirap at immature na employee.

"Ang sungit nanaman ni Sir Ram. Ina-ano mo nanaman?" Siniko ako kaagad ni Mirna pagdating ng bistro.

Umiling ako sa kaniya. Iniiwasan ko ang tanong nito dahil wala naman akong ginagawa. Ako nga ang iniwan!

"Hindi ko alam kung anong mayroon sa inyong dalawa, Chrissy. Pero sinasabi ko sa'yo..." Sumingkit ang mga mata nito sa akin bilang babala. Tinampal nito ang aking pwet bago siya umalis.

"Aray ko, ha!" sigaw ko sa likod nito.


Wala namang namamagitan sa amin ni Sir Ram. Siya na ang nagsabi, at siya na rin ang nagtaboy. Ilang beses na niya akong pinapaalis ngunit bakit ba hindi matatak iyon sa aking utak? Panay pa rin ang aking sulong.


Nagtrabaho ako ng husto. Hindi ko na namalayan ang oras. Nang tingnan ko iyon ay eleven p.m. na pala. Narinig ko kaagad ang pamilyar na pagkalabog ng screen sa second floor.

Habang pababa si Sir Ram sa mga baitang ay tinitingala ko ito. Nang salubungin niya ang aking tingin ay may kung anong nagkalas sa aking sistema.


Ngayong pababa siya ay pinagmumukha nanaman niyang runway ang mga hagdan. Naka long-sleeves at jeans nanaman ito ngunit tila nagugulat pa rin ako tuwing makikita. Ang depina nitong panga at matangos na ilong ay nagbibigay highlight sa kaniyang makakapal na kilay. Magkadikit nanaman ito. 

Ang tingin ng maraming babae ay isa siyang lalaking tutuparin ang lahat ng kanilang mga pangarap, bibilhin ang kanilang mga gusto at nanghahalik sa noo. Ngunit hindi ganoon ang takbo ng kaniyang makina. Kung ano siya sa labas, malamig at matigas, ganoon din sa loob.


"But we know this. We got a love that is homeless. Why can't it be like that? 'Cause I'm yours..." malamyos ang boses ng solo piano ngayong gabi.

The PristineWhere stories live. Discover now