Ang Pang-Dalawampu

36.9K 788 162
                                    

Nagtapos ang aking shift sa isang bistrong nanlalamig.


Habang nakahiga sa kama ay ilang beses ko nang pinasadahan ang palitan namin ng texts ni Sir Ram. Ayaw pumayag ng sistema ko sa nasaksihan ko kanina. Hindi ako makapaniwalang ganoon lamang ang kaniyang pakikitungo. Balik step one nanaman. Mayroong mali sa kaniyang inaakto na nagtatanim ng mga bubog sa aking dibdib.


Sa mga araw na wala siya ay may mga bagay na maaaring nangyari. May mga nangyari, at may mga nagbago. At hindi ko iyon alam.

Ngayon ko na nararamdaman ang agwat namin sa isa't isa. Sa isang boss at employee, at ang kaniyang pagiging mataas at ako ay sa ibaba. Kung mas palalawakin ang aking kaalaman tungkol dito ay wala akong masasabi, dahil, sino nga ba ang isang Ram Donofrio?


Kung sa ibang anggulo ko naman titingnan, ramdam ko ang masyado kong pagtulak dito. Nawawala ang limitasyon ko at nagiging clingy na. 

Walang problema sa akin iyon. Maganda ang ganoon. Iyon ang tama. Iyon ang gustong-gusto kong mangyari kahit na kinakain ko na ang aking pride dahil hindi ako iyon. Hindi iyon si Chrissy.


Kinabukasan, pumasok na akong school. Walang klase at may activity lamang sa pavilion.

Habang namamahinga sa mga bench ay nilapitan ako ni Jaime. Pinakakamusta raw ako ni Eamonn. Nagkaroon na rin ako ng oportunidad na kamustahin ang aking kaibigan.

"E, ayon, medyo nakakatulog naman na. Okay lang 'yun! Malakas ang tama sa'yo, Chrissy!"

Nagpasalamat na lang ako. Kaibigan ko pa rin naman si Eamonn. Mahabang taon ko rin itong naging kaibigan kaya nahihirapan akong naririnig itong nag-iinom dahil sa akin.


Habang nakikipag-usap ako sa aming presidente ay todo makaismid ang grupo nina Clarisse. Hindi ko na lamang ito pinansin ngunit si Jaime ay lumayo kaagad. Nanlumo ako.

"Mainit kasi ang dugo nila Clarisse, alam mo na..." kibit-balikat nito. Naalala ko tuloy ang iilang mga classmates kong ganyan din ang sinasabi sa akin. Daig ko pa ang may epidemya.


Pagkauwing apartment ay naligo kaagad ako. Nagbihis ako ng uniform tapos ay tumungo nang bistro.

Kahit papaano ay gumaan naman ang aking pakiramdam nang makita ito. Naging makintab nanaman ang sahig at naging maingay ang atmospera. Marami nanamang tao at mga nag-iinumang lasing. Ito ang totoong mukha ng bistro.

Napatingin ako sa ikalawang palapag nito. Bumagsak sa aking mga balikat ang nararamdaman kagabi. Naiinis ako sa sarili dahil wala naman akong karapatang maramdaman iyon. 

Ngunit tao lang naman tayo. Kahit wala tayong karapatang makaramdam ng sakit, ang sakit ay puno ng karapatan upang iparamdaman ito sa atin. Ganoon naman ang takbo ng mundo.


Iniwas ko na lamang ang tingin. Buong gabi ay naging focused ako sa aking mga tables. Ilang gabi ko ring hindi naranasan ang pananakit ng katawan sa pagbabanat ng buto. Pansin ko si Mirna na natulala sa ministage nang tumugtog na ang banda roon.

Umarangkada ang malamig na boses ng bokalista ni Mirna. Mohawk ang buhok nito. Leather jacket plus white shirt sa loob, at sleeve tats. Iyon ang major turn-on sa buhay ni Mirna.

Nasa kalagitnaan na ako ng aking shift. Umalpas na ang peak hour kaya pinaubaya ko muna ang mga tables ko kay Royette.


The PristineWhere stories live. Discover now