Ang Pang Labing-Apat

38.9K 891 99
                                    

"Bakit pumasok ka pa, Chrissy? Sayang naman..." bungad ni Janina sa akin sa reception.

Inirapan ko ito. Tumuloy na akong locker upang iwan ang proyektong dala at makapagpalit ng damit. Habang nakatingin sa salamin ay ebidente ang aking mga eyebags. Kumakati na rin ang aking lalamunan.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita tine-text!" Tumaas ang kilay ni Mirna nang nagtungo na akong counter.

"Andito na nga ako..." mahinahon kong saad. Namataan ko si Jamel na nakangisi sa akin. Napaawang ang aking bibig. Ang walang hiya!


Naalala ko na nanaman tuloy ang nangyari sa office ni Sir Ram. Napamura ako sa isip-isip ko. Dapat pala ay dumaan akong chapel kanina bago umuwi. Ipapamumog ko ng holy water iyang si Jamel.

Napahawak na lamang ako sa sentido at hindi ito pinansin. Habang nag-aayos ng aking menus ay panay ang talak ni Mirna sa akin.


"Biruin mo, hindi ko na alam ang gagawin ko noong wala ka. Purkit ako ang pinaka-close mo e ako na rin ang pinaka-close na pinag-iinitan niyang si Sir Ram. Tanong ng tanong kung nasaan ka, Chrissy!" aniya.

"Ano namang sinabi mo?" sagot ko.

"Syempre, sinabi kong nag-aaral ka. Tanga lang? Nanginginig ang buong crew kapag pababa na iyan. Napaka perfectionist, lahat ng lang may kulang at may mali! Pakshit na malagkit! Kung hindi lang siya pogi, naku, matagal na kong nag resign..."


At bakit naman siya magagalit sa aking kawalan? Hindi ba't iyon naman ang kaniyang matagal nang gustong mangyari? Siguro, noong wala ako ay wala siyang mapagdiskatahan kaya ayon, humahanap ng proxy ko!

"Ano pang tinatayo mo diyan, ateng? Umakyat ka na! Go!" Tinulak ako ni Mirna patungong hagdan ng second floor.

Napanguso ako rito nang irapan niya ako. Napakamot na lamang ako sa ulo. Tama naman si Mirna. Hindi naman pagkatapos kong maging MIA ay basta na lamang akong papasok...


Nilakasan ko na ang aking loob. Humugot ako ng malaking hininga atsaka tinulak ang screen. Ang paglangitngit nito ay sapat na para pataasan ang aking mga balahibo sa kaba. Para akong pumapasok sa kulungan ng isang leon.

Sa pagkakataon na ito ay kumatok akong mabuti. Nilakasan ko at nakinig pang mabuti kung mayroon nanaman bang live show na mangyayari. Napasimangot ako sa naalala. 

"Come in..." anang baritono nitong boses. Mas malamig pa iyon kaysa sa temperatura rito.

Kumakabog ang aking dibdib nang itulak ko ang frosted glass na nagsisilbing pintuan ng opisina ni Sir Ram. Napalunok ako ng maraming beses nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Mas malamig pa rito kaysa sa waiting area.


Nag-taas ng tingin sa akin si Sir Ram mula sa kaniyang laptop. Humalukipkip ito habang matama akong sinusuri. Tila ba alam niyang darating ako.

"Uhh, m-magandang gabi, sir..." Hindi ko siguradong sabi. Kumakalabog ang aking dibdib. Habang tinitingnan ako ni Sir Ram ay pati existence ko na mismo ay hindi ko kabisado. Naliliyo ako.

"The evening must be real good for you to come by..." sarkastiko niyang sabi.

Napalunok ako. Hindi ko alam ang aking isasagot at ikikilos. Siya na nga ang nahuli kong may milagrong ginagawa rito at siya pa ang mas confident sa akin!

"Ahh...." Tumango-tango ako rito. Gusto ko ng sapakin ang sarili. Chrissy naman!

Patuloy lamang akong tinitingnan ni Sir Ram. Hindi naman ito mukhang naiinis o nadidismaya, buti na lang.

The PristineWhere stories live. Discover now