Ang Pang Tatlumpu't Walo

33.2K 1K 208
                                    

Noon, akala ko, kapag nagmahal ako ay tama na. Kasi, siguro, kaya ang daming nakakaramdam nito ay ito ang pinakatamang bagay sa mundo. Kapag nagmahal ako, baka wala ng susumbat sa mga pagkakamali ko.

Hindi na ako ang batang gawa sa kasalanan kapag nagmahal ako ng tama.

Kay Jerard, nasubukan kong masaktan at umiyak. Minahal ko si Jerard, at iyon na ang patunay na mali ang pinaniwalaan ko sa tanan ng aking buhay.

Ang pagmamahal pala ang walang mali sa mundo. Ang mismong pagmamahal ang purong-puro, walang kasinungalingan at walang labis, walang kulang.

We, the sinners, are the one's at fault in love. Tayong mga nagmamahal ang mali sa pag-ibig, tayong mga nalunod, sobrahan, nakulangan. 

Ngayon, akala ko ay maitatama ko na ang mga mali ko. Sabi ko sa sarili ko na ngayong alam ko na ang daang tatahakin, hindi na ako iiyak at masasaktan pa.

Pero tao nga pala ako. Instrumento lamang ako ng mundo at wala akong kakayahang magdikta o pumigil ng nakatakda nang mangyari.

Nagkamali ka nanaman, Chrissy. Ako nanaman ang mali rito. Bakit ba palagi na lang akong nasa mali? 

Naniniwala akong lahat tayo ay pwedeng magkasala sa mundong ito, pero, sana, kahit isang diretsong kasiyahan naman ang ibigay sa akin. Iyon lang ang hinihiling ko.

Hindi ngayong sobrang saya ko na. Akala ko kumpleto na ang buhay ko. Pakiramdam ko ay napuno na ang mga pagkukulang sa pagkatao ko. Nahihirapan pa rin akong paniwalaan na sa mga pinakamasayang parte ng aking buhay ay doon tinira ako ng pinakamasakit. Giniba at binasag.

Sa mga pagkakataong akala ko ay totoo na, bakit nawala ang lahat sa akin? Bakit ako binawian at ninakawan ng pagkakataon?

Saan ba ako nagkulang? 

Kasi mali nanaman ako ngayon. Ako nanaman ang may pinakamalaking kasalanan. Dahil, Chrissy, nagkamali ka nanaman. 

Akala ko kasi ay kaya ko na. Na baka sakaling sobra na ang pagpapasakit sa akin ng aking nakaraan, at ang  araw-araw nitong paghabol sa akin ay kaya kong wakasan. Sa lungkot na ayaw akong iwan ay baka pwede naman akong sumaya.

Kailangan ko na yatang tanggapin na hindi na ako sasaya sa mundo. Hindi na dapat ako magpanggap pa na may awa sa bawat dalangin ko. Mag-isa ako sa mundo. Palaging duguan, hindi humihingi ng awa. Pero, mag-isa at malungkot.

"Huwag ka munang babalik sa bistro, Chrissy," ani Mirna pagkahatid niya sa akin sa apartment.

Tumango akong tahimik.

Hindi ako makakabalik doon. Pagtataasan ako kaagad ng balahibo na tila ba may ahas na gumagapang sa balat ko. Dinig na dinig ko hanggang ngayon ang lahat.

"Ayos ka na ba rito?" maingat ang boses ni Mirna.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya gamit ang hilam na hilam kong mga mata sa iyak. Hindi ko napigilan ang paghikbi na nasundan muli mg marami. 

Habang nakayuko ako sa kaniyang balikat ay humahaplos ang kaniyang mga kamay sa aking likod, kasabay ng kaniyang mga bulong. I felt like I was in my weakest state.

Hinayaan muna ako ni Mirna na mag-isa sa apartment. Hindi na rin ako nakapasok sa kaiisip. Ani Mirna'y babalik daw siya sa bistro. 

Nang gumabi ay kumatok ulit si Mirna at kasama na ngayon si Japeth. Isinara ang bistro ngayong gabi dahil sa pagkakasira kanina.

"Grabe, kung nakita mo lang kung paano nagwala 'yung ate mo, Chrissy. Ang ganda pa naman niya," sabi ni Japeth.

Si Mirna na katabi nitong nakaupo sa grills ay sinapok si Japeth sa tagiliran.

The PristineWhere stories live. Discover now