Ang Pang-Labing Walo

33.9K 699 355
                                    

"Bakit sila hindi mapagkakatiwalaan?" mahina nitong halakhak. "You're just being childish again, hmm..."

"Hindi ako childish." Napanguso ako, ngunit gusto ko ring mag cartwheel sa aking kama.

"Admit it already. Ikaw ang baby ng bistro. I have seen them treat you, so..."

Ang kanina ko pang pumupulang pisngi ay mas naging red. Kahit wala si Sir Ram sa aking harapan ay hiyang-hiya pa rin ako.

"H-Hindi! Pare-pareho lang naman ang trato namin doon. Ang kadalasan pa nga, crab mentality!" balik ko rito.

Anong sabi niya? Baby? Damn! Hindi naman totoo iyon!

"And now, you are being rude, baby girl..." Humalakhak ito. 

Tumindig ang aking mga balahibo sa kaniyang sinabi. Malutong ang kaniyang tawa sa speaker ng aking cellphone, kaya naman mas nagiging smooth ang kaniyang boses. Sa pagpipigil ko ng ngisi ay mababaliw na ako.

"Childish? Sige garod. Childish na lang ako kaysa mayroong dalawang girls sa ilalim ng table..." 

Tumigil ang pagtawa ni Sir Ram. Mariin itong tumikhim sa kabilang linya. Kinagat ko ang loob ng aking pisngi. 

"I already apologized. You're not supposed to...see that... Dammit!"

Kung pwede lang na humagalpak nang walang tunog ay nagawa ko na. Umikot ako ng maraming beses sa kama habang naririnig ang malupit na pagmumura ni Sir Ram.


Sa kaniyang linya ay ang malakas na feedback lamang ng hangin ang aking narinig. Nabanggit niya ang kanilang hacienda, at kung totoo nga ay baka hindi lamang milyunaryo si Sir Ram. Isa siyang prinsipeng taga-pagmana ng lahat ng ito.

"Uhmm, bakit dalawang girls? 'Di ba, hanggang isa lang 'yon? Bakit dalawa ang gusto mo---"

"Chrissy! Shut up! Shut up, shut up! Jesus," histerikal si Sir Ram na parang hinahabol ng aso.

Napaisip na lang ako. Totoo naman kasi. Dalawa sila: ang entertainer at si Jamel (si Jamel na buong leave ni Sir Ram ay leave din siya, anak ng!). Unti-unting kumunot ang aking noo.

"Ano bang lasa niyan? Bakit parang gusto nilang pareho..." sabi ko.

"Jesus Christ! Ibaba ko na tong tawag kung ganyan din lang, Chrissy---" 


Hindi pwede! Uhh, ano? Chrissy naman!


"Hindi na..." mahinahong kong sabi.

Pabiling-biling na lamang ako sa kama habang nanunuot sa aking kaibuturan ang kaniyang malalim na boses. Para bang humahawak ako ng telang silk tuwing naririnig ko ito.

"Ang bastos mo, ija," utas niya.

"Mas bastos ka pa rin," sabi ko.

"Damn it! Chrissy!" 


Binaon ko na lamang ang mukha sa unan para maibsan ang mga hagalpak ko. Hindi ko naman kasi mapigilan. Ang sarap asarin ni Sir Ram.

Nang lumaon ay ito pa ang nagtatanong ng kung anu-ano, ngunit bumaliktad ang sitwasyon. Ako na ang nagtatanong dito. Pansin ko na walang gana ang kaniyang boses at minamalat na sa antok. 


Nang medyo gumabi na ay ito mismo ang namaalam.

"Nilalamok na ako rito, Chrissy. I have to go down now," nagmamadali niyang paalam.

The PristineWhere stories live. Discover now