Ang Pang-Tatlumpu't Anim

29.7K 724 183
                                    

"Excuse me," sabi ko sa hapag.

Kyuryuso ang mga mata ni Ate Yllana sa'kin ngunit pinagdikit ko lamang ang labi. Nawala na si Kyen sa likuran ng maliit na fountain dito sa garden ng mga Alejandre.

Pareho kami ng tinahak na daan hanggang sa pumasok na ako sa powder room.

"Your little pet is here..."

Nahugot ko ang hininga. Hindi ko gusto ang tono ng boses ni Kyen ngunit tumuloy ako.

"Uh-huh. 'Wag kang dadalo. Its already creepy to see both..." Humahagod ang mga daliri ni Kyen sa kaniyang hanggang bewang na buhok. Ang isang kamay naman nito ay hawak ang iPhone sa tenga.

Tumikhim ako nang humarap sa parehong salamin. Nilingon lamang ako ni Kyen sa repleksyon at tumaas ang kilay. Pagkatapos, dumiretso sa pakikipag-usap sa phone.

Sa una pa lang naming pagkikita ay matalas na kaagad ang kaniyang mga mata. Ngayong napapakinggan ko ang kaniyang boses sa kulob na space ay nalaman kong hindi lang pala mata ang matalim at matalas sa kaniya.

Simple kong kinuha ang foundation sa loob ng sling bag. Marahan ang pagdampi ko sa bandang cheekbones.

Tiningnan ko itong muli sa repleksyon namin. Nakanguso si Kyen at para bang kumikislap ang mga mata sa tuwa. Sa isang segundo ay bumalik ang lahat sa pagiging malamig at maarte nito.

"You fucking coward!" Kyen's voice dripped with disappointment. 

But for who?

Napaawang ang aking bibig.

Bakit pa ba kasi ako nagpunta rito? Well, ang sabi nga nila ay maliit ang mundo. Hindi ako dapat mabahala. Ang mundo ng mga mayayaman ay isa lang kaya posibleng makita ko sila Kyen dito.

Nang ibabalik ko na ang foundation ay muntik nang nalaglag ang sling bag na nakapatong lang sa mosaic na tiles.

"Uhmm! Salamat..." Kinagat ko ang labi.

Nasapo iyon ni Kyen. Kumunot ang kaniyang noo sa'kin at tumango. Muli ay nanumbalik ang atensyon niya sa kausap.

"Would you try to stop licking pussies of the same claws, please," aniya.

Bumalik na ako sa long table namin. Binuga ko ang hiningang kanina ko pa pinipigilan.

Hindi ko man nakausap si Kyen ay kinumbinsi ko na lang ang sarili na wala lang 'yon. Maliit nga naman ang mundo.

Sa bawat pagsubo ko habang kumakain ay parang laste akong nabibinat. Malapit na akong maputol dahil nauubos na ang pasensiya ko. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko na ulit sa yakap ni Ram.

Kalagitnaan sa hapag nang gabing ito ay bigla na lamang tumayo si Ate Yllana at nagmamadaling nag-sorry.

Napaawang ang bibig ko. Natigil ang lahat ng kumakain. Si Jessica ay ngumisi lamang habang sinusundan ng tingin si Ate Yllana na nanginginig ang balikat.

"Excuse us, please. Eunice, Adonai. Kakausapin ko lang si Yllana." Si Mama naman ang tumayo at nag-iwan ng napkin sa table. Sumunod si Mr. Alejandre.

Akalo kapag naging bakante ang mga upuang iyon ay makakahinga ako. Hindi pala dahil mas nakaka suffocate dahil nasa akin ang atensyon nilang lahat.

"Tell me, hija. Did Yllana invited you over? Nagpunta pa siya sa inyo para lang sunduin ka?" kibo ni Grandma na sumisimsim ngayon ng wine.

"O-Opo..." Kinagat ko ang labo.

"Then if that's the case, you should not have accepted. Your sister is just being polite. Nakita ka siguro ng kapatid mong mag-isa at walang kasama. What she feels for you is only pity, hija." Umiling si Grandma at ngumiting diskyumpado sa akin.

The PristineWhere stories live. Discover now