Ang Pang-Tatlumpu't Siyam

33.2K 989 246
                                    

Buong gabi nanaman akong mulat.

Ang makita si Papa rito sa aking tinitirhan ay sapat na, ngunit ang malamang nakausap niya si Ram at alam ang tungkol sa amin ay iba pang bagay. Alam niya ang tungkol sa sitwasyong kinalugmukan ko ngayon. 

When he mentioned me posing as a threat, it wasn't exactly news to me. I have my rights, even the slightest ones. There is a group of numbers waiting for my command and a property or two. Fallen or not, I have a fair share in the company. Kahit tanggalin man nila iyon sa dugo at pamilya, mayroon pa rin sa papel. 

Sa aking paglakad ay dala ko ang Cajucom, ngunit nakasunod naman sa akin ang Alejandre.

For years, I was always trying to avoid the limelight. I don't like these names chasing me. I always felt caged and tortured. Kaya ako naparito sa kabilang panig ng mundo para makaalis sa kanila, to be free. Even with these fancy last names prancing around, I did not settle my scores, get even! I will never dream of wreaking havoc because I just wanted out!  

Kahit singkong duling ay wala akong ginalaw sa kanilang mga pera.

At ngayon, heto nanaman ako. Nasa unang palapag at tila ba walang nakamit na kalayaan. Narito nanaman silang lahat ngunit napagtanto kong isang bagay lang naman iyan. Kung ako'y hinahabol ng kamalasan, o kung sa una pa lamang ay ako na ang may dala. 

The latter would be much more appreciated since I situated myself right at the devil's open mouth. They say that devils are beautiful, and yes, he is. 

Ang taksil at sinungaling. 

Papa said that Ate Yllana gave an invite to him personally. It was a bold and a crazy move. Galit na galit ang Mama sa kaniya at iimbitahin pa niya ito sa kaniyang kasal. Naalala ko ring ako pala ang kaniyang napiling maid of honor.

Sa pagkakapatong-patong ng lahat ay hindi ko na alam kung ano ang uunahin.

The next few days came as a blur. Hindi na ako makapuntos sa akademiko, at hindi na rin ako makapasok ng trabaho. Hindi ko maalagaan kahit pa ang sarili ko.

I felt so ashamed of myself. Of the fool that I had become.

Para bang nakikisabay ang panahon sa akin ay makulimlim ito ngayong hapon. Kaharap ko ang apoy at kasirola habang nagpapakulo ng tubig. Hindi ako makabili ng groceries kaya naman noodles na lang muna ang pagkain ko.

Kaninang umaga ay hindi na ako kumain dahil late na, at kaninang tanghali naman ay pinilit lamang ako ni Lucy na kumain. Medyo masama ang pakiramdam ko dahil sa nangyayari.

Halos mabitawan ko ang tinidor na hawak nang tumunog ang aking cellphone sa mesa. Napamura ako at mabilis na dinampot iyon. Pinatay ko na ang apoy.

"Hello?" sagot ko kahit pa hindi tinitingnan ang caller.

Muli akong napamura. Maaaring si Ram ito. Madalas ang kaniyang pagtawag sa akin at noong nagpalit ako ng sim ay may contact pa rin siya. Ayaw ko nang gamitin ang cellphone kung maaari kung hindi lang importante.

"Hi, Chrissy! Kamusta ka na?" My sister's voice sounded too cheerful, like a bright sunny day.

Napalunok ako, bumilis ng ilang daang tibok ng aking puso na tila ba isang kriminal na nahuli sa akto. Hindi ko inaasahan ang tawag ni Ate Yllana. 

Nanghihina akong napaupo, sapo ng aking dalawang kamay ang telepono na tila ba dito nakasalalay ang aking buhay. 

"H-Hello! O-Okay lang ako! Ikaw, maayos ka lang ba diyan?" 

"Yes, thank you! Everything is fine now. Gusto kong magpasalamat sa iyo dahil hindi mo ko iniwan noon. Ikaw lang ang nakinig sa akin, Chrissy. I'm so thankful..." Her voice dipped low full of admiration towards me. 

The PristineWhere stories live. Discover now