Ang Pang-Dalawampu't Anim

37K 794 171
                                    

Nakarating kami sa bistro pagkatapos ng iilang minutos. Medyo nag-cool down ako sa aking trance at tila ba may bumabagabag sa aking isipan.

Pinatay ni Sir Ram ang makina ng kotse. Mabilis itong umikot para pagbuksan ako ng pinto.

Lumabas ako ng kotse. Nakaharap sa akin si Ram. Ang iilang hibla ng buhok nitong styled ay tumaliwas at dumampi sa kaniyang noo. Nangati ang mga kamay kong ayusin iyon para maibalik sa dati. Gusto kong tumingkayad at siyasatin ang imperpektibong iyon.

Nag-iwas na ako kaagad ng tingin. Dinig ko lamang ang kaniyang buntong hininga bago magpasyang pumasok na. Pilit kong kinontrol ang tibok ng puso.

"Did you already take your remedial exams?" Bahagya ako nitong nilingon dahil siya ang nauunang naglalakad.

"Uhh, nag-re-review pa ako..." mahina kong sagot.

"Okay," anito at biglang huminto.


Muntik nanaman akong mabangga sa likuran nito. Napaawang ang aking bibig dahil nagkakalapit nanaman kami. Nararamdaman ko ang init ng nag-radiate mula sa kaniyang katawan.

Hinarap ako ni Ram. Unti-unting naging mahinahon ang salubong niyang mga kilay. Sumabay ito sa aking paglalakad. Kinakalkula nito ang mga paa naming hindi magkasabay sa pagtapak.

Bumigat ang aking paghinga ngayong mas malapit na siya sa akin. Naamoy ko ang pabango nito at mas lalo iyong nakakadagdag sa paglamig ng aking mga palad. 

"Hello po, Sir Ram! Ang aga niyo ngayon, ah?" Bumati si Kurt sa kitchen nang makapasok na kami.

Si Kurt at si Colofer lang ang naririto kasama ang kanilang mga naka-charge na cellphones. Bumaling ang tingin sa akin ng dalawa. Naroon ang mangha at gulat sa kanilang mukha.

"Good morning..." Tumango lamang si Ram kay Kurt.

Bago namin sila lagpasan ay nahihiya akong umiling sa mga ito. Lumaki ang kanilang mga mata sa tahimik na pagkakagulat. Muli ko silang inilingan kahit na pinangungunahan ng hiya.

Kung anu-ano na sigurong imahe ang pumapasok sa kukote ng dalawang iyan. Gusto ko silang sigawan sa patuloy pa rin na pagtingin. Mas lalo lamang umusok ang dalawa kong pisngi.

Ang maaliwalas na bistro ang bumungad sa akin. Walang tao, patay ang mga lazer at LED lights at kakaunting mga entertainers na nagre-rehearse ang naroon.

"Pwede na ba akong umalis? Kasi...may gagawin pa ako," sabi ko nang makitang paakyat na si Ram sa kaniyang office.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa loob ng opisina niya. Kung anu-ano na yatang pumapasok sa aking isip na hindi appropriate sa edad ko. Ayaw kong tumunganga na lang sa kaniyang office kaya mas mabuting umuwi na lang.

Nilingon ako Ram. Kalmado ang mga alon sa kaniyang mga mata. 

"What is it?"

Hirap kong tiningala ito dahil matangkad na ay nakatunton pa sa mga baitang. "Uhh, basta..." 

"Anong basta nga..." 

"Maglalaba?" Tumagilid ang labi ko. Ang kulit naman nito!

Napanguso ako nang tumagilid ang ulo ni Sir Ram sa akin.

"Ipa-laundry mo na lang..."

"Kaya ko naman," sabi ko kaagad. 

Well, hindi ako maglalaba. At wala akong pan-laundry! Ha!

"I was hoping to have lunch..." Tumaas ang kilay nito sa akin at umiling. Naputol ang kaniyang sasabihin nang tumango na ito. 

Halos magdikit ang kaniyang mga kilay nang payagan na akong umalis. Hindi ako nito matingnan ng diretso at tila ba nalilito. Nanatili lamang akong nakatanaw sa kaniyang paakyat na pigura hanggang sa makapasok na ito sa loob ng office.

The PristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon