Ang Pang-Dalawampu't Pito

36.6K 762 110
                                    

Siguro naman ay mayroon pa ring kaunting katotohanan sa sinabi ni Ram. Pero, dahil iyon sa naayon ang pakiramdam niya sa nangyayari dahil boss ko siya at employee niya ako - madalas kaming magkita sa bistro at palagi kaming nasasangkot sa isa't isa. 

Marami man ang mga babaeng maniniwala kung isa-isa itong sasabihan ni Ram ng ganoon, hindi na ako isa sa kanila. Hindi naman ako bulag at mas lalong hindi ako ang tipo ng babaeng hindi marunong bumasa sa pagitan ng mga linya.

Si Ram Donofrio ay isang babaero, playboy, at isang mayamang businessman na hindi papatol sa isang waitress na kagaya ko.

Pero, sino nga ba ang hindi maaapektuhan kapag sinabihan ng isang Ram Donofrio na may gusto siya sa iyo? Aba'y sa tigas pa lang ng kaniyang ingles ay pati ang poste ng kuryente ay mapapaindak sa kilig.

Kaya sige, enjoy while it lasts, ika nga. Saglit lang naman ito. Ang sabi ko nga, nag-eenjoy si Ram, at ako ay makaka-move on. Easy as pie.

Beep!

Naputol ang lahat ng inhibitions ko at bitiwan ang binabasa. Sigurado akong sa tapat ng aking apartment nakarekta ang pagbusina.

Nakatapak akong naglalakad sa sahig at sumilip sa screen.

Dinig ko ang pagsara ng sasakyan at pagtunog ng lock nito. Sumunod ay sunurang mga pagkatok sa gate ng aking apartment. Napatalon ako sa gulat. Nilabas ko na rin ang tao.

At, sino naman ba kaya ang taong nasa tamang pag-iisip ang dadalaw ngayong hating gabi?

"Ram..." Napaawang ang bibig ko nang madungaw ang kaniyang matangkad na pigura sa likod ng aking gate. 

Tumigil ang marahang pagkatok nito. Tinangala niya ako at tipid na ngumiti. Nag-flash saglit sa akin ang repleksyon ng streetlight sa kaniyang Rolex. Ang suot na suit ay walang man lang gusot o lukot.

Mabilis kong sinarado ang bibig. Habang dinudungaw ko ito ay napatitig ako sa sarili. Isang lumang T-shirt na hanggang tuhod lamang ang aking suot. Hindi na makita pa ang aking shorts at ako'y nakatapak.

"Good evening," mariing tikhim nito.

Muli ko itong tiningala. Napugto ang aking hininga nang makitang siya naman ang dumudungaw sa akin sa maliit na gate. Umakyat ang presyon sa aking mga pisngi habang pinanunuod ang mga mata nitong inaakyat ang bawat haligi ng aking katawan.

"Is this how you answer the door? Really, Chrissy? Naka-shorts ka ba sa ilalim niyan?" sunod-sunod niyang tanong. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay.

Mas lalo lamang naging aktibo ang aking dugo sa kaniyang mga katanungan. Hinawi ko ang hiya na nagbabadyang bumalot sa akin.

Humalukipkip ako at sinamaan ito ng tingin. Sinukbit ko ang dulo ng T-shirt upang isukbit iyon sa aking pokerish shorts.

"Pantulog kasi ito. Atsaka, ikaw naman itong dadalaw ngayong dis-oras ng gabi. Nahihibang ka na yata..." Nginusuan ko lamang ang kaniyang mapanuring tingin. 

Umakyat ang init sa aking mga binti nang muli iyong sipatin ni Ram. Pakiramdam ko ay gumagapang ang kaniyang mainit na palad doon, kagaya ng paglapat nito sa aking bewang. Nanghina kaagad ang aking mga tuhod sa naiisip. 

"Yeah, you're right. Baka nga nahihibang na ako."

Napanguso akong muli sa kaniyang madaling pagsuko. Nabibigla pa rin ako dahil mas sanay akong nagbabangayan kaming dalawa.

"Kalimutan mo na iyon. Wala na akong sinabing ganoon." Napaiwas ako ng tingin dito.

"Uh-huh. Ang sabi mo---"

"Wala nga akong sinabi!" Tinaas ko ang dalawang kamay. Pasimple kong pinasadahan ang buhok at kinawit ito sa tenga.

Napaubo sa gilid si Ram at tinakpan ang bibig gamit ang isang saradong kamao. Nakita ko ang pagtaas ang gilid ng mga labi nito. Nagniningning ang kaniyang mga mata nang bumaling sa akin.

The PristineWhere stories live. Discover now