Ang Pang-Tatlumpu

35.5K 632 85
                                    

Mabilis ding umalis sa Ate Yllana dahil aniya'y may aasikasuhin pa siyang importante sa kanilang company. Pumayag kaagad ako dahil ayaw ko siyang nakikita - sa loob ng aking apartment. Naglaba muna ako, at pati ang kay Ram ay idinamay ko rin.

Napanguso ako nang italbog ko na ang mga iyon sa washing machine. Balak ko sanang kausapin pero baka mas mabaliw lang ako lalo. Sa kaniya.

Nakakabigla pa rin ang nangyari kagabi. Akala ko ay masaya nang lahat pero nakalimutan ko yatang walang tuloy-tuloy na kasiyahan. Parang pinutok ang bubble ng aking kasiyahan at doon ako kinakain ng dagundong ng ulan.

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil iniisip ko si Ram kagabi. Nababaliw na nga yata talaga ako dahil tuwing maalala ko ang ginawa niya para sa akin ay umiinit ang puso ko. Ramdam na ramdam ko ang pag mamay-ari ni Ram sa puntong iyon. 

Hindi ko alam na mahilig pala ako sa pakiramdam na iyon. Shit, gustong-gusto ko iyon na nagmumula kay Ram. Damn!

"Kamusta kagabi?" Ngumisi kaagad ako kay Lucy pagdating sa classroom namin. Inirapan ako nito kaya naman napahalakhak ako.

"E 'di, ayun! Iniwan ng kaibigan. Buhay single ako kagabi, Chrissy!" madrama niyang sabi. Hmm. Totoo. Si Ram lang naman ang kasama ko kagabi.

Habang nag-iintay ng professor ay sinabi ko kay Lucy ang tungkol sa nangyari kagabi. Maski siya ay gulat na gulat sa inasta ni Eamonn...dahil...hindi ganoon si Eamonn. Hindi ko rin alam kung paano na kami ngayon dahil sa ginawa niya.

Alam kong kaibigan ko siya sa matagal na panahon pero, ang nangyari kagabi, tingin ko ay kailangan ko muna ng distansya.

"Nakita ko iyang may kasama nanamang bagong lalaki. Parang kating-kating palitan si Jerard..." bulgarang saad ng isa akong classmate nang matapos na ang lecture.

Napatigil ako sa pag-aayos ng aking gamit ngunit itinuloy din kaagad. Napapayukom ako ng kamao ngunit umiling si Lucy sa akin.

"Iiwan siya noong lalaking kasama niya..."

Pumikit akong mariin at dire-diretso nang lumabas ng silid. Gusto kong sumigaw! Gusto kong isigaw sa kanila na hindi pa ba sila kuntento sa nangyari, huh? Pinakikielamanan pa nila ako gayong alam nilang tapos na tapos na kami ni Jerard dahil may panibago na rin naman na siya? 

"Girls, girls, shhh. Kawawa naman si Chrissy, okay? Hayaan niyo na siya. She's all crumpled and broken now," anang boses ni Clarisse sa aking likuran. Dinig ko ang iba pang mga sumang-ayon sa kaniya kaya naman binilisan ko ang lakad.

Wala na rin naman akong mapapala sa kanila. Gusto ko na lang na maging masaya si Clarisse kay Jerard dahil sa oras na malaman niyang isa lang siyang panakip-butas ay siya ang madudurog. 

Pinauwi ko na kaagad si Lucy dahil aasikasuhin ko pa ang sa department. Nang malaman ko kaagad ang naging resulta ng aking make-up tests ay nawala lahat ng negatibo sa akin. Gusto kong tumalon sa tuwa!

"Mukhang inspired si Ms. Cajucom. Ikaw, ha!" tudyo sa'kin ni Mr. Romano. Kumintab ang mga mata nito sa makakapal na reading glasses.

Ngumiti na lang ako at hiningi ang aking papers para i-double check ang scores ko. Halos lahat naman sila ay naroon kaya walang problema. Masaya ako sa nakuha ko!

Habang pauwi ay sobra ang aking excitement. Nababaliw na talaga ako dahil hindi ako makapag-intay na ibalita kay Ram ang lahat. Nagbunga ang aming mga hindi pagtulog, at well, ang pagpunta niya sa aking maliit na apartment.

Uminit kaagad ang aking pisngi na naiisip, ngunit bumagsak din ang aking balikat. Wala na nga talagang tyansa pa na maulit ang mga iyon. Well...kung ibabagsak ko ulit ang aking mga exams...

The PristineWhere stories live. Discover now