Ang PangApatnapu't Tatlo

35.1K 999 182
                                    

With all the after graduation parties thrown around, I couldn't keep track of my days. Sinamahan pa ito ng iilang mga interview ng press atsaka mga formal celebration ni Papa. Ang hindi ko lamang kinakalimutan ay ang nalalapit na birthday ni Sean.

"What are you plans this summer, Chrissy?" ani Papa habang sabay kaming kumakain ng breakfast.

"Really? At this point, I'm still busy so..." Humigop ako ng kape. Masyadong maraming invites na mahirap tanggihan dahil kakakulo pa lamang ng graduation. Maybe another week or so. 

"Party again, Chrissy?" His tone held disapproval. 

"I'm enjoying the good life, Pa. Parang hindi ka naman nakaranas nito noon. Just let me and I promise, something will come up after this." Grinning, I picked up my fork and swirled it up in the air. 

"Fine..." 

"How about you? Why aren't you having fun?" Ngumisi ako rito habang sumusubo ng kanin. 

Tumaas ang kilay nito sa akin, at ang lukot sa gilid ng mga mata ay mas lalong naging ebidente. Para bang isang malaking kasalanan ang pagpa-party sa kaniyang edad. Mas lalong lumawak ang ngisi ko. 

"You need to loosen up sometimes. Miminsan ka na lang mag-casino tapos nakakulong ka pa palagi sa kapitolyo. I know someone if you're interested. Fling-fling," suhestyon ko.

Papa berated me with his wisdom words with a little bit of Spanish profanities. Napahagalpak lamang ako sa hindi niya pagkainteresante. Nagbibiro lamang ako pero kung gusto pa naman niyang magkaroon ay ayos lang sa akin. Busy na kasi ako, at siya naman ay kailangan ng kasama.

"Fling-fling..." he quoted me and snorted. Bumunghalit muli ako ng tawa. What a bitter creature. 

Bago siya umalis ay kinausap muna ako nito tungkol sa detalye ng birthday ni Sean. Gaganapin kasi ito sa isang sikat na hotel & resort sa Manila dahil tiga doon ang most relatives niya. Aniya'y doon na rin muna ako mag-stay sa aking condo dahil hindi naman iyon doon kalayuan.

I was once again alone eating, trying to make sense of all the outfits I picked for that stupid monkey's grand debut.

Nawala ang mga damit sa screen ng aking phone dahil sa biglaang may tumawag. It was an unknown number and hell, umagang-umaga ay may tatawag sa akin? 

Nevertheless, I answered it. Bibihira lamang ang may alam ng numero kong ito kaya kung sino man ito ay may gustong sabihin.

 "Hello..."   

Magiliw kaagad ang buntong hininga sa kabilang linya. Kumunot ang aking noo. Babae ang nasa kabila.

"Who's this?" matalim kong sabi, napapatigil sa pagnguya ng pagkain. 

"Oh god, Chrissy! Its really you! I was calling you last night but you're not answering. I was thinking I got the wrong number but no!" Masayang-masaya ang boses ng babae. Her slight accent made it hard for me not to remember. 

Nabuhusan ako ng isang timbang yelo. Lumamig ang likod ko sa pamilyar na boses na iyon. Ang bawat himaymay ng katawan ko ay literal na nanginig.

Is it really her?

Afterall these years...

"Ate Yllana?" Nagbitak ang aking boses sa gulat at pagkamangha. Tumibok ng kay bilis ang aking puso. Holy...

The PristineWhere stories live. Discover now