Ang Pang Labing-Anim

43.6K 850 130
                                    

Kaagad akong nagpumiglas. Binitiwan naman ako nito. Dumausdos ang kaniyang mainit na palad sa dalawa kong binti. Hmm...oh, shit!

"Ano bang ginagawa mo?" inis kong sabi rito.

Hindi ba't sabi niya ay hindi na niya ako papakielaman? Ang sabi niya'y kaniya-kaniya na kami na pinapaboran ko rin naman!

"I'm just carrying you! If you don't want to be--"

"Talagang ayaw ko!"putol ko rito. Matalim ako nitong tiningnan kaya naman napaiwas ako ng tingin.

"Whatever. Let's just go upstairs, then..." Tumango ito sa second floor. 

"Bakit? Nagtatrabaho ako rito, sir." Kumunot ang aking noo ngunit sinubukan kong maging mahinahon. Sa gilid ng aking mga mata ay mariin ako nitong tinitingnan na tila ba dudang-duda siya sa akin.

"You are obviously not right in the head, Chrissy. Nilalagnat ka! Let's go upstairs to check you...out..." Naging patigil-tigil ang kaniyang pananalita sa bandang ulo.

Nag-angat ako kaagad ng tingin dito. Tinaasan ko siya ng kilay sa kaniyang sinabi. The hell?

"That's not what I meant! Sige na, tara na sa itaas..." Napahawak ito sa kaniyang batok dahil hindi niya ma-explain ng mabuti.

"Ayoko, sir. Baka may tao nanaman..." 

"Chrissy!" Kumulog kaagad ang kaniyang boses. Napaigtad ako. 

Patuloy akong umiling sa kaniya at sa kaniyang hiling ngunit nakalabas ang ubong kanina ko pa pinipigilan. Nagbaba ito kaagad ng tingin sa akin at sa tingin pa lang ay sinasabi niyang siya na ang tama.

"Huwag nang makulit, please..." marahan niyang sabi. Sa kaniyang marahang pakiusap ay dinaig ko pa ang isang grade one na hindi makaintindi.

Nang tingnan ko ito ay mukhang wala siyang balak umatras. At wala rin naman ako sa mood makipagtalo dahil sa aking nararamdaman. Napamura na lamang ako ng mahina. Anong ginagawa natin, Chrissy?

"Go upstairs now. I'll be there in a minute. Tatapusin ko lang ito," mariin niyang utos.

Siguro nga ay wala na ako sa tamang pag-iisip nang sumunod sa kaniya. Lulugo-lugo akong maglakad patungong second floor. At sa aking pag-akyat ay maraming nakatingin sa akin. Si Royette sa ibaba ay takang-takang nanunuod habang sina Mirna ay laglag ang panga.

Ang malamig na bugso ng temperatura rito ay nagpatindig ng aking mga balahibo. Nanginig akong lalo. Pinagsalikop ko ang mga kamao at naupo na sa bakanteng itim na sofa roon.

Napanatili ang aking tingin bagong miyembro ng office ni Sir Ram. Iba na ang kaniyang desk. Ang mahogany na table ay naging stainless at transparent na. Napanguso na lang ako.

Hindi rin nagtagal ay umakyat na si Sir Ram. Habang naririto siya ay mas lalong umiigting ang kaniyang mamahaling pabango na umiikot sa buong opisina. 

Naka light blue itong long sleeves ngayon. Lalo lamang nadepina ang kaniyang mga matang magkahalong kulay asul at itim. Naka jeans ito at isang branded na sapatos. Para itong modelo, pero sa tingin ko ay mas bagay niya ang maging isang temperamental at milyunaryong businessman.

Napataas na lamang ako ng kilay nang makita ang kaniyang mga dala.

"Ano iyan?" matabang kong sabi. Umasim ang aking mukha.

"Food and medicine."

Nahiya ako sa aking kinauupuan.  Ang makita siyang may hawak na tray at first-aid kit sa magkabilang kamay ay nakakapagod, lalo pa't hindi naman para sa kaniyang benipisyo iyon. 

Hindi niya bagay ang magsilbi. Ang bagay sa kaniya ay nasa itaas at tinitingala.

Nang matapat muli sa akin ang swing ng air-conditioner ay tumindig muli ang aking mga balahibo. Napakapit ako sa aking mga braso.

The PristineUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum