Ang Pang-Tatlumpu't Isa

33.5K 727 66
                                    

Alas onse y media ng hating gabi ako hinatid ni Jerard sa apartment. Siya ang aking naging kasama sa mamahaling restaurant na iyon. Sa pakiramdam ko pa lang ay alam kong mali na, at isa pa, hindi ako kumportable. Pero, naroon siya. Convenient lang naman siguro ang nangyari. 

At, sino ba ang gustong mag-isa?

Tanghali na ng magising ako pero ayos lang dahil mamaya pa ang aking klase. Mabigat ang aking dibdib nang bumiling sa isang gilid, tinatamad. 

Walang dumating na Ram kagabi. Hindi niya ako sinipot dahil sa hindi malamang kadahilanan. Habang kasama ko sa Jerard buong gabi ay inaamin kong inaantay ko pa rin siyang pumasok sa entrance. Nag-iintay ako na makita niya ako na kasama si Jerard sa table, at gusto kong maisip niya na iyon ang pwedeng mangyari kapag iniiwan niya ako.

Masyado ko yatang binibilog ang sarili ko dahil hindi iyon nangyari kagabi. Hindi dumating si Ram, at buong gabi ay nag-intay ako kahit na mayroon akong kasamang iba. Either way, it kinda hurt. Not kinda. It really,  really fucking hurt.

Napapitlag ako nang marinig ang pagtunog ng aking cellphone sa gilid. Tamad ko iyong kinuha dahil baka si Ate Yllana nanaman ito. Nang buksan ko iyon ay halos sumabog ito sa mga notifications. 

Kay Ram galing ang lahat ng mga ito. Labin-limang unread texts, at pitong missed calls. Kadarating lamang kanina no'ng panibagong text!

Napatulala na lamang ako sa screen ng aking cellphone. Urong-sulong ang aking mga daliri sa pagbubukas nito o hindi. Matagal ang ginawa kong pagkumbinsi sa sarili bago ko binasa ang mga iyon. 

Sinimulan ko ang pagbabasa sa pinaka-unang niyang pinadala kagabi. Kinagat-kagat ko ang labi habang nagbabasa. 

Ram:

Hindi ako makakapunta dahil may emergency sa company. I'm driving right now. Sorry. 


Napigil ko ang hininga. Tama ang aking hinala na mayroon pa siyang mas importanteng bagay na aasikasuhin. Kung titingnan ko, lahat naman ng bagay ay importante pwera lang sa akin.

Binuksan ko ang mga sumunod na mensahe.


Ram: 

I'm really sorry.


Ram:

Chrissy, please reply.

Ram:

I'm sorry. Understand, please.

Ram:

Cristina...


Napatingala na lamang ako sa aking kisame. Naiintindihan ko naman. Kailangan kong intindihin na hindi lang sa bistro ang kaniyang mundo, na marami at malaking mga pinto na ang kaniyang nabuksan.

Gusto kong i-reply kay Ram na maayos lang ako. What I'm feeling is just being petty. I can totally understand that he needs to go there urgent. Ngunit, kilala ko naman ang sarili ko. Makasarili ako minsan, at ngayon iyong mga oras na iyon. That little girly part of me wanted to all of him by myself last night. 

Its stupid, I know. Tunog-tanga, Chrissy. 

Bago ako bumangon ay binuksan ko ang mensahe niyang dumating kanina. Napanguso kaagad ako. Pakiramdam ko ay pinagsususuntok ang aking dibdib sa bilis ng tibok nito.


Ram:

Good morning. Babawi ako. I'll spoil you when I get home. 

The PristineWhere stories live. Discover now