Ang Pang-Pito

54.4K 1K 74
                                    

"Oh my god..." Hindi pa rin makapaniwala si Mirna. 

Napairap ako. "Ano ba, Mirna? Wala na kong maririnig na iba sa'yo kun 'di 'Oh my god'? Tsk!"

"Kasi naman, Cristina! Sobrang pogi! Kita mo ang braso at hita? Ang titigas! Shit!" Karumaldumal ang hitsura ng kaniyang mukha dahil hindi makapaniwala. Pulang-pula ang kaniyang pisngi sa makamundong pagnanasa!

"Ano ka ba, Mirna? Tumigil ka na ha!" inis kong saway.

May sinasabi ni Mirna sa tenga ko, pero tumingala ako ng muli kay Ram. Binaba ko ang tingin sa sahig ngunit nangahas muling tumingin.

"Chrissy! Ang swerte-swerte mo naman," sabi ni Jamel na dumaan.

Sumingkit ang mata ko sa ngiti ni Jamel. Masarap idikdik sa bawang 'yung mukha niyang plastik, lalo ngayong nakangiti siya ay pinapakita kung ilan na bang demonyo ang sumapi sa silicon niyang katawan!

"Syempre! For you daw 'yang flowers. Galing kay Sir Ram mismo..." Kung paano niya tinawag si Ram ay mas nakapandidiri pa sa mga imahinasyon ni Mirna.

Nawala kaagad sa kaniya ang aking pansin. Nalaglag ang panga ko at sinilip ang roses. Halatang sa arrangement pa lamang ay mamahalin na. Kumalabog ng kumalabog ang dibdib ko sa hindi malamang kadahilanan.

"H-Hindi akin 'yan," tanggi ko.

Sumusulyap akong muli sa mamahaling mga bulaklak. Kung magiging akin man ang mga iyan ay hahagilapin ko pa ang lumang vase ko sa apartment. Kahit na ayaw kong kalasin ang arrangement ng mga ito ay hindi ko naman hahayaang mabulok at malanta...

"Ayaw mo? Akin na lang-"

"Hindi pwede!" Inirapan ko ng bongga si Jamel.

Umismid ito at nagtuloy na sa kitchen. Bumukas-sara ang pinto kaya naman sumilip-silip ang mga staffs na naroon. Napagtanto kong dito pala ang sentro ng atensyon kung nasaan syempre si Sir...Ram. Napanguso na lang ako.

"Chrissy...Chrissy..." Sinisiko ako ni Mirna. 

Tuluyan nang nakababa si Joel at si Ram. Lumindol yata dito sa bistro at ang sahig ay nag crack sa sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib . Naaamoy ko nanaman ang kaniyang mamahaling pabango. 

Hmmm. Naghahalo ang pabango niyang maanghang at ang amoy ng kaniyang aftershave. Napamulat ako sa pagkalito.

Bigla ay sumagi sa aking isipan ang nangyaring sagutan namin sa loob ng kaniyang kotse. Hindi 'yon maganda. Gusto niya pa rin sigurong ipakulong 'yung lasing na lalaki. Iyon ang hindi ko gusto at hindi maintindihan. Napatingin ako sa flowers.

Nang sipatin kong muli sina Joel ay papaalis na ang mga ito. Dire-diretso sila sa pintuan ng bistro. Ang nakakarinding halakhak ni Joel ay umaalingawngaw.

Napaawang ang aking bibig. Bumaba ang aking mga balikat ngunit hindi ko alam kung bakit.

"Joel! Sama ako! Huy!" Kumaway si Mirna sa aking tabi. Napamura ito nang nawala nang tuluyan ang dalawa sa lalim ng gabi.

Saan naman ba dadalhin ni Joel si Ram? Ano ang napag-usapan nilang dalawa?

Anong...ibig sabihin noon?

Mukhang hindi lamang ako ang punong-puno ng kyuryusidad ngunit pati na ang lahat ng mga katrabaho ko. Habang pauwi na sila ay ito lamang ang topic at ang natatangi ay ang lalaking nagpatibok kaagad ng kanilang puso. Walang iba kung hindi ang kanilang Sir Ram.

Umismid na lamang ako at umuwi na rin.

Kinabukasan ay Sabado. Sa paggising ko ay nakita ko kaagad ang mga puting rosas na nakalublob sa puting vase. Habang nagluluto ako ng umagahan ay iniismiran ko ito. Tila ba ngumingisi ito sa akin at sinasabing siya ang panalo!

The PristineWhere stories live. Discover now