Ang Pang-Apatnapu't Dalawa

34.6K 945 158
                                    

Kinabukasan ay ayaw nang lumaban pa ng ulo ko. Napasobra kami kagabi dahil pagtapos mag casino ay niyaya kami ng isang barkada nila Ramona sa isang VIP na may-ari pala ng casino chains na iyon. Hawak ko ang nasisirang ulo.

"Ano bang ginagawa mong bata ka? Palagi na lang sumasakit ang ulo mo. Paanong sasakit iyan kung nandito ka lang sa bahay, Chrissy?" panenermon ni Nanang Thelma sa akin sa kusina.

"Wala po ito. Kulang lang sa tulog," pagsisinungaling ko dahil ang totoo niyan ay napasubo nanaman kagabi. 

Nakalusot nanaman ako pero itong isang Tigris na ito ay kanina pa tingin ng tingin. Hindi naman siya makasumbong. Palibhasa, kaya palaging late matulog ay boyfriend ata iyong isang nagpapatrolya. 

Habang inaantay ko ang nilulutong lugaw ni Nanang Thelma ay kinuting-ting ko ang aking cellphone. Nag deactivate ako ng facebook tulad ng sinabi ni Ramona, at dahil napagtanto kong iyon din ang aking gusto. Ayaw ko nang makabasa pa ng kung ano tungkol sa akin, at para isang bagong pagkukwento sa buhay ko ang mangyari.

Sa aking bagong gawang Instagram ay nagpasa ako ng picture mula sa ituktok ng aming mansyon. Sina Ramona ang mga nag-like at katulad ng sa facebook ay kay rami rin ng kaniyang followers.

'sean.md started following you', ang dumating na notification.

'sean.md took a photo of you', ang ikalawang dumating kaya napataas ang aking kilay. Siya ang kabarkada nina Ramona, ang anak ng may-ari ng casino kagabi, at siyang nagdala sa amin sa isang VIP room.

Ang laman ng picture ay kaming tatlo magpipinsan na nakaupo sa bar ng kwarto. Nakangiti kaming lahat sa camera at dahil hindi pa ako masyadong lasing niyan kaya naalala ko. Nakita sa background si Arjuna na mag-isang nakaupo sa gilid. Sumunod ito kagabi doon.

'Sean's angels,' ang caption. Umani iyon ng maraming mga puso at kumento dahil sa trio ngunit may ilang nakapansin sa akin. 

Naiintriga ako sa mga kumento dahil tila ba hindi friendly na mga tao ang aking mga pinsan. Pero, napag-usapan na rin naman namin kagabi ang tungkol sa pamilya.

Sa totoo lang ay kumportable ako, malayo sa kina Mama. May katumbas ang trio sa side ng pamilya kong iyon na malayo sa kumportable. Iyon lang naman ang mahalaga sa akin. Ang maging maayos.

Nakangisi ako habang binabasa ang batuhan ng mga kumento ni Arjuna at Sean nang alertuhin ng mga kasambahay. Sumilip ako sa bintana, nakitang alerto rin ang mga nagpapatrolya. 

"Andiyan na si Papa?" tanong ko kay Nanang Thelma.

"Oo kaya maghilamos ka na para mahimasmasan ka. Maabutan ka ni Gov na ganyan, sige."

Napanguso ako. Naalala ko nanaman ang nangyari kahapon. Nasa sa akin pa rin ang kaniyang credit card tanda na hindi ako nananaginip. At syempre, kung wala ang mahiwagang card ay hindi kami napasok ng casino.

Umakyat na muna ako sa kwarto, sinunod ang matanda. 

Hindi pa rin nagbabago ang schedule ni Papa. Ganoon pa ring bihira kaming magkita sa umaga kaya't tanging sa gabi o madaling araw kami magpapang-abot. Kung magkikita man kami ay siya ang susubok sa akin dahil hindi ko pa rin ito kinikibo.

Iyong mga araw na sinasabayan niya akong mag-umagahan ay hindi ko alam kung paano niya naisisingit. Nagkibit-balikat na lamang ako at naligo.

Bumababa ako, suot ang grey sando and a fancy cotton shorts. Eksaktong paakyat naman si Papa kaya nag-abot kami.

"Good morning, hija," he greeted as I tried to dodge him. Napahinto ako.

"Morning po..." Nag-angat ako ng tingin sa pagod niyang mga mata, probably from last night and some other duties.

The PristineWhere stories live. Discover now