Ang Pangatlo

66.5K 1.2K 61
                                    

"Holy mother of god! What the hell just happened?!" Halos akyatin ng kanyang mga kasama ang cyclone wire ng court.

Miski ang iilang mga bahay ay nagbukasan ang mga ilaw saka sumisilip sa gate o 'di kaya'y lumalabas. Miski ang mga tao sa bistro ay nagsilabasan din. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.

"Is the driver drunk or...." Umiling ang isa niyang kasama habang ang iilan ay umuubo sa usok. Lahat sa kanilang mukha ay ebidente ang gulat na umusbong sa iritasyon.

"Are you okay?" Malalim ang boses na bumulong sa tenga ko. Ramdam ko ang unti-unting pagkalas ng mga kamay sa aking bewang.

Lumunok ako kasabay ng hindi malamang kuryente. Tumingala ako sa kanyang mga kilay na kunot at mga matang galit habang pabaling-baling sa bawat sulok ng katawan ko. "O-Okay lang ako. Ikaw..."

Nagulat ako sa nangyari.

Iilang malulutong na mura ang nadinig ko sa kanya habang umiiling. Ngayon lang rumehistro sa akin na muntik na akong mabundol o masagasaan. Shit! Nagkakanda-traffic sa na utak ko ang mga posibleng nangyari kung hindi ito eksaktong kumabig para sagipin ako. Ang laki ng utang ko!

Umiling sa akin ang lalaki bago umalis. Ang kanyang lakad pa lamang ay nag-iiwan na ng apoy sa kawawang driver. Kinagat ko ang labi habang pinanunuod siya.

"Shouldn't we call the cops first, Ram? This is insane! 'Tangina, muntik na kayo!" Napatingin sa akin ang lalaking sinusuntok ang ere.

Ram? Iyon ba ang kaniyang pangalan?

Napatingin ako sa sinasabing lalaki nang hinilang biglaan ang nakakalas na pintuan ng Ford. Dumudugo ang gilid ng ulo ng driver ngunit pabulong-bulong ito. Dikit ang ngipin ni Ram, kung iyon ang tunay niyang pangalan, nang hinila ang driver papalabas. Walang kahirap-hirap nitong  binato ang driver sa kalsada. Mas lalo akong nagulat.

"Dude! Stop it. Jesus Christ! You stay back!" Umapila ang kanyang kasama.

"This motherfucker is drunk, James! Gago ito..." Nagtiim-bagang si Ram at napatingin sa akin. Napalunok ako. Ang sama ng tingin niya. 

"Goddamn it!" 

Susugod siyang muli sa tumatawang driver sa kalsada para suntukin ngunit napigilan kaagad ng kaniyang dalawang kasama. Pigil na pigil ang hininga ko. Mukha siyang papatay!

"Hello, Tita Eunice? Nasa homes kami ngayon! Yeah...may bumangga sa dalang sasakyan ni Ram. Drunk! Positive. He wasn't hurt, tita. Almost! He saved someone...." 

Sa gilid ng mga mata ko ay pinilig ni Ram ang mga balikat paalis sa mga humahawak sa kanya.

"You shouldn't have called home. Mag-aalala lang sila roon. I was barely hurt," aniya sa lalaking may katawagan.

"I don't think so, Ram. I told you it wasn't a good idea going in here. Pinilit mo..."

"The fuck it was. Its my damn sports car shouldered isn't it?" Umiling si Ram ngunit dumudutdot nanaman sa kanyang telepono. "Kai...."

Muli ay dumiretso ang lalaki sa kawawang driver at sinuri ang pulsuhan sa leeg. Ilang mura rin ang kanyang pinakawalan. Para akong natutulilig dahil doon. "Dalhin niyo na muna sa ospital ito. I will wait for Kai here."

"I'll be waiting here also. Aabangan namin ang mga pulis."

"Alright. Damn, this is crazy!"

Hinawi ko ang buhok sa hanging nagyeyelo. Masama ang tingin ang mga mata ni Ram sa driver na isinasakay ng kanyang mga kasamahan. Isa-isa silang sumakay na rin sa kabilang kotse. Ngayon ay si Ram at James na lamang ang naiwan kasama ng wasak na kotse. May bahid ng inis ang mukha ng pang-una lalo na sa mga taong nakikiusyoso dis oras na ng gabi.

The PristineWhere stories live. Discover now