Ang Pang-Dalawampu't Dalawa

33.1K 634 37
                                    

Nang natapos ang shift kinagabihan, nitong nakahiga na ako sa kama sa apartment ay hinahawakan ko ang labi. Hinihimas ko sila gamit ang isa kong daliri.

Mali ang nangyari. Hindi tamang naghahalikan ang boss at employee kahit sa loob o labas ng kotse pa, o kahit saan lugar pa. 

Hinimas ko ang pang-ibabang labi. May sinulid na kumliti nanaman sa likod ko. Bawal ito, pero unang beses ko iyong naramdaman. Hindi iyon ang aking unang halik, ngunit iyon ang unang beses na ganoon kalakas ang intesidad ng lahat. Para akong nasa pugon. Para akong nasusunog ng buhat ngunit may ginugusto pa.

Shit, ano ba naman itong iniisip ko! Ano, Chrissy? Saan na tayo ngayon?


Sa pagkagising kinabukasan ay pawis na pawis ako. Napabangon akong kama dahil sa panaginip. Lintik na halikan ay hanggang panaginip din!

Nag-uuminit ang pisngi ko habang naghahanda na sa school.

Malambot at masarap, magaan pala ang labi ng isang katulad niyang may matangkad at built na pangangatawan. Mukhang siyang matigas sa lahat ng bagay ngunit hindi ang kaniyang labing mapupula.

"Tsk! Aray! Shit!" Napamura ako ng sunod-sunod nang mapaso sa kaldero. 


Maingay ang classroom nang datnan ko. Ang kanilang pinag-uusapan ay ang pagdating ng isang sikat na banda na tutugtog sa aming school. 

Nadatnan nanaman ako ng tingin nina Clarisse ngunit dumiretso lamang ako kay Lucy.

"Pathetic..." halakhak ng mga ito.


Eksakto ang pagdating ni Jaime dahil tumigil ang grupo nila Clarisse. Nagbalita kaagad si Jaime sa akin tungkol sa laptop. Sinabi ko na ring may pera na ako para bumilis.

"Binaklas na no'ng barkada ko, Chrissy. Medyo malaki ang sira. Nag-spark kamo, e..." Nag-aalinlangan ito.

"Ayos las kahit malaki ang sira. Basta magagawa..."

Tumango na ito saka lumayas na sa harapan ko. Paano kaya kung hindi magawa 'yung laptop? Anong mangyayari?


Bigla ay sumulpot nanaman ang labi sa labing imahe. Dito sa katirikan ng araw at sa kaingayan ng classroom. Mangiyak-ngiyak akong dumukdok sa upuan. Hindi ko na pwedeng ibalik iyon o isoli. Hindi rin ako pwedeng mag-resign ng trabaho.

Atsaka, sexual harassment na ba iyon?

Mas lalo lamang akong napaiyak.


Mabilis ang pagtatapos ng mga subjects dahil nag-aanounce lang ng mga grado. Hinang-hina ako habang tinatanggap ang mga ito. Para silang sunod-sunod na suntok.

Pilit na sinasabi sa akin ni Lucy na babawi ako sa susunod. At talagang babawi ako! Sobrang nanlulumo lamang ako dahil hindi lang naman bastang highschooler grade ito.


"Pupunta ka ba sa open jam, Chrissy?" tanong ni Lucy habang naglalakad kami.

Ang open jam ay mangyayari pagkatapos tumugtog ng banda, o 'di kaya'y sa kalagitnaan. Iyon ang karamihang gustong-gusto ng tao. Pero dahil maraming tao ay ayaw ko na.


"Pupunta raw si Jerard...uy..." tudyo nito sa akin ngunit nagdilim lamang ang aking paningin.

"Wala na sa akin iyon, Lucy. At kung pupunta siya ay paniguradong si Clarisse ang date noon," matigas kong sabi at naglakad na palayo.

The PristineWhere stories live. Discover now