Ang Pang-Apatnapu't Walo

43K 1K 222
                                    

Nagpaalam ako kay Beth na sumama ang aking pakiramdam. Ang sabi ko sa kaniya'y bahala na si Arjuna kung mananatili pa sila sa ibaba dahil ang sa akin lang ay dito lang ako sa itaas. Inignora ko ang mga tanong na ibinato sa akin ni Beth at umakyat na sa kwarto.

I laid my body on my canopy bed, my head turning sideways to breath. The floor-to-ceiling window of my bedroom was open and the sheer curtain was flying everywhere. 

Nagtatanong ang aking mga mata habang nakatingin sa tahimik na alapaap. Humahanap ako ng sagot kung bakit wala pa akong katahimikan. Nakatulog ako sa kahihintay sa sagot nitong hindi dumating.

I moaned and checked my phone. An hour and a half already passed. Sean's messages was displayed, asking about what happened way earlier. Pagkatapos kong mag reply ay bumangon na ako.

The sun was a giant blazing ball spitting fire when I went out to my balcony. My eyes turned into slits as I overlooked our whole estate. Wala na ang sasakyan ni Arjuna sa harapan, ngunit naroon pa rin ang sasakyang gamit nina Ram.

Ilang beses akong pumikit dahil baka naman namamalikmata lamang ako ngunit hindi nawala ang kotse. Napadiretso ang aking likuran at pumasok na kaagad pabalik sa kwarto.

Why were they still here?

Minasahe ko ang sentido habang paikot-ikot na lumalakad sa aking maluwang na silid. Siguro ay nananaginip ako kaya't minabuti kong bumaba na.

I took cautious steps as I go down our grand staircase. Nobody recognized that something was wrong with me so I proceeded. Tumungo ako ng kitchen upang masilip ang garden. Nang makitang wala namang tao sa mga puting upuan na inookupa namin kanina ay pumikit akong mariin.

Chrissy, Chrissy...

"Gising ka na pala, Ma'am Chrissy! Tamang-tama at luto na itong ginawa naming merienda para sa'yo!" Just as I was being relieved of my own foolishness, Tigris came rushing to me in glee.  

Sumingkit ang aking mga mata sa pagdududa ng kaniyang mataas na enerhiya. 

Tumango na lamang ako rito at minabuti na isantabi ang aking paranoia. Nanguha ako ng platito at tinidor para doon ilagay ang umuusok pang lasagna. Hawak ko ang mga ito sa isang kamay, at isang basong juice naman sa kabila.

Nakapaa akong naglalakad patungo sa aking paboritong pwesto rito sa bahay, sa aking hammock. 

Akala ko ay tatapon na ang aking mga dala sa gimbal nang makita si Ram na kunot-noong natutulog sa aking paboritong duyan. Ang isang braso nito ay ginawang unan ng kaniyang ulo, at ang dalawang paa nakababa sa magkabilang gilid, maluwang ang espasyo sa nakabukang mga hita.

He looked like a sleeping lion to me, the rise and fall of his chest was feral in my eyes. Kahit natutulog ay dominante pa rin ito.

I backed away and accidentally stepped on a stupid twig. It snapped in two, and bloodshot eyes snapped open to look at me.

Ram groaned and slowly sat up. The muscles on his thighs tightened, and his shoulders broadened even more as he lazily stretched.

"Chrissy...what time is it?" ani Ram, ang mga mata ay namumungay pa. 

I was completely baffled that he had to ask me that. Heto ako na nagugulantang dahil naririto pa siya at iyon lamang ang kaniyang sasabihin. I looked at his expensive gold watch sitting on his wrist and questioned its existence in mind. Napaawang ang aking bibig.

"What the hell are you still doing here? Where's everyone?" Nangunot nang tuluyan ang aking noo. "And why are you sleeping in my hammock?" 

My poor hammock...

The PristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon