@ssHole

2.9K 129 16
                                    

"Say you love me, baby."

Pinikit niya ang mga mata at tiniis ang sakit. "I-I...I love you."







Daling tumakbo si Car papalabas.

Bakit ba ito nandito? Bakit ngayon pa?

Lumayas na ang alagad ni taning na yon sa Pilipinas, tatlong-taon na. Nagpakalayo-layo. Binantaan kasi ng mga Tito at Tita niya na i-fi-firing squad kapag nakita nilang muli na umaaligid sa kanila matapos malaman ang ginawa nito.

Salvador "Buddy" Duimagiba.

25 years old.

The Ex.

She was sixteen. He's twenty two.

Vocalist ito ng banda ng ate Rose niya kung saan naman ito ang may hawak ng drums.

While she's a nobody. Isang mahiyain at ordinaryong teenager na madalas ma-bully.

Sumsama siya sa pinsan sa mga gigs nito para magmukhang in. Para maramdamang kabilang pa siya sa mundo. Sawang-sawa na kasi siyang maging outcast at ma-isolate mga classmate niya noon dahil puro aral lang daw ang ginagawa niya. Bukod mukha talaga siyang nerd at hindi nagaayos ng sarili. Gusto lang niya noong maiba ang ikot ng buhay niya.

She became an instant fan of BlackRose noong una palang niyang marinig na kumanta si Buddy. She became an blind follower of their band. Blind to the point na di na niya nakita ang mga pangit na dulot nito sa kanya.

Maski nga noong nag-quit na ang Ate Rose niya sa banda, hindi parin siya tumigil sa pagsunod. Lalo pa noong niligawan siya ni Buddy.

Ah hindi. Hindi pala siya niligawan. Siya pa nga ang nanuyo. Madalas magdala ng chocolates tapos mag regalo ng kung ano-ano. Tapos, isang gabing tumakas siya para manood sa sa gig nila ay bigla nalang siyang nilapitan nito at hinalikan.

Her first kiss. Doon na nag-umpisa ang lahat. Akala doon nag-uumpisa ang forever.

Napailing nalang siya sa mga naalala. Minsan sa buhay niya na nagpakatanga siya. Yun ang naging dahilan kung bakit muntik nang masira ang buhay niya.

Binigay niya ang lahat-lahat pero iiwan din pala siyang wasak.

"Carrie!" Sigaw nito.

Shit na. Nahabol pala ako.

Senti mode pa kasi. Pabebe pa. Sana tumakbo na siya ng mabilis at tumawag ng taxi.

Tumigil siya sa paglakad at hinarap ang sumusunod sa kanya. "What the hell do you want, Buddy?!" Sigaw niya.

Huminto din ito at tumitig sa kanya. Pinagtitinginan na sila ng mga taong nasa labas pero wala siyang paki. Walang makakapigil sa kanya.

"Carrie."

Pinasadahan lang niya ito nang tingin.

Old worn-out jean and fitted shirt. Nakikita niya dito ang katawang mukhang lalong lumaki. Nakashades ito sa kabila ng dilim, hindi niya makiya ang mga mata, mukhang alam na niya kung bakit.

D*mn. Why did I ever fell for him?

Yes, he's good looking pero mas gwapo naman si Regado dito. Mas malakas ang dating ni Leo.

Wait. Bakit pumasok si Leo?

Oh. They are both assh*les.

"Carrie. Hinanap kita. Sinundan kita sa Hawaii, doon sa kuya mo pero wala ka naman pala doon."

Kumunot ang noo niya at humakbang paatras. Halos nasa gitna na siya ng malawak na kalsada.

Gusto lang niyang umalis. Gusto niyang lumayo. Ayaw na niyang itong makita. Ayaw niyang marinig pa ang sasabihin nito.

Humakbang ito papalapit sa kanya.

"Wag kang lalapit, gago ka!"

"Carrie. I'm---"

Isang malakas na ilaw ang sumilaw sa kanya kasabay nang malakas na busina. May kotseng agad na huminto isang dipa mula sa kinatatayuan niya.

Nanatili siyang nakatayo. Di siya makagalaw sa gulat lalo na nang nagbukas ng pinto ang driver ng kotseng yon.

"Car! Sakay!"

Leo?

Hindi na siya nag-isip pa. Mabilis siyang sumunod at sumakay sa kotse nito.

"Carrie!" Dinig pa niyang sigaw ni Buddy bago mapaharurot ni Leo ang sasakyan.

D*mmit.

Kinagat nalang niya ang labi at pumikit.

Masakit ang buong katawan niya matapos ang nangyari. Nanatili lang siyang nakatitig sa salaming nasa kisame ng motel na yon.

She gave it up. She gave it up to him.

Alam niyang di tama iyon. Ilang beses ba siyang pinaalalahanan ng mga tiyahin niya ang sex ay dapat lang sa mag-asawa. Na dapat nasa ilalim ng sakramento ng kasal.

Pero wala na siya siyang magagawa. Nangyari na.

Nanatili siyang nakahiga sa kama, nakahubad parin at di makagalaw. Habang ito naman, nakaupo at naninigarilyo sa tabi niya. Nakaharap sa kanya ang likod nitong punong-puno ng tattoo. Pati na rin nang mga marka ng mga kuko niya.

"Aalis na ako ha, bayaran mo na to." Sabi nito

Pinilit niyang umupo kahit masakit ang gitna niya. Napangiwi siya. Masasarapan daw siya pero puro hapdi lang naman ang naramdaman niya kanina.

"S-saan ka pupunta?" Tanong niya dito. Pinulupot niya ang kumot sa katawan dahil unti-unti nang pumapasok ang lamig ng aircon ng kwartong yon sa balat niya.

"Dyan lang." Sagot nito habang nagbibihis.

"B-Bud.." Sambit niya sa mahinang boses. Hindi niya alam kung paano siya uuwi ngayon. Mukhang mauubos ang dala niyang pera pambayad.

"Oh ano?"

"Kasi.."

Lumapit ito sa kanya at marahang hinalikan ang pisngi. "Ginusto mo rin to diba? Nasarapan ka naman."

Gusto niya sanang umiling pero natatakot siyang sumama ang loob nito. Natatakot siyang iwan nito. Kaya nga siya pumayag ngayon para di siya nito tuluyang hiwalayan. Nagbanta kasi na kundi nila gagawin iyon, makikipagbreak ito.

Hindi niya kakayanin yon. Si Buddy lang naman ang nagbigay nang pagtingin sa kanya. Hindi niya kayang mawala ito sa tabi niya. Wala na siyang ibang kakapitan.

"Alis na ko."

Marahan nalang siyang tumango nang tuluyan na itong lumabas.

"A$shole." Mahinang banggit niya ng magmulat ng mga mata.

"What?" Dinig niyang sambit ni Leo,sa tabi niya.

Inirapan niya lang ito.

Men like them. Gagamitin lang ang babaeng parausan at pagnakuha na ang gusto iiwan ka nalang basta.

Mga tingin lang sa kanila laruan. Ginagawang pustahan.

"Car, sino yong lalaking yon?" tanong nito.

Nakalabas na sila ng subdivision na yon. Nasa main road na sila. Hindi na siguro masusundan ni Buddy. Huminga siya nang malalim.

"Kalahi mo." Sagot niya.

"Hah?"

"Nevermind. Just drive."

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon