Duda

1.5K 72 26
                                    

Huminga nang malalim si Car
Nagpatuloy siyang maglakad papunta sa gate ng campus. Maaga pa naman kaya mabagal pa. Mga dalawang oras pa bago ang unang sched. Puro review lang naman ang gagawin nila ngayon. Pasahan ng plates yung iba. Sa next week na finals.

Kailangan niya mag-isip. Nang mag-isa. Stressful ang kinalabasan ng weekend dahil sa biglaang pagdating ni Ate Rose. Ang daming tao sa bahay, magulo, nakakawindang.

Nakiusap pa siyang tapusin muna ang finals ngayon semester. Sayang naman ang effort na binigay sa course na yon, kahit na alam niya na pagdating sa Hawaii, back to zero na naman. Baka pakuhain nalang din siya ng nursing katulad sa kuya niya. In demand naman yon doon. Surebols na may work agad.

Bilin yon ni Itong na di daw dapat umuwi si Ate Rose na di siya kasama. Ngayon pa daw na kung ano-anong kumakalat na tungkol sa kanya sa social media.

Lumaki siya na laging may nambu-bully sa dahil sa hitsura. Hindi siya gaanong apektado ng cyberbullying. Noon pa nga, harapan ang pang-aalipusta sa kanya. Wala siyang paki sa negative comments saka mga shares dahil karamihan naman sa nagpo-post noon, di siya kilala. La siyang pake. Alam naman niya ang totoo sa sarili.

Sandali siyang tumigil nang may narining kaluskos. Pero umiling din siya at nagpatuloy nalang siyang maglakad. Baka stalker na naman niya.

Again. Wala na siyang pake.

Di siya talaga sure kung si Yuki talaga yun. O meron pang iba. Baka may kasabwat pa kasi, hindi naman ganoon kadali kumuha ng ganoong mga angulo katulad ng napopost noong nakaraan. Parang DSLR ang quality.

Basta. Sina Eric na ang bahala doon. Sila na daw ang hahanap kung sino man yon.

Natigil siya ng may marinig uli. Sa kabila ng ingay ng mga sasakyan sa paligid, napansin parin niya yon. Pag may kumukuha ng picture niya, malayo ang distansya lagi. Pero tong isa, halos sa likod lang niya.

Napalingon siya ng bahagya. Mukhang holdaper ang peg, nakita niya. Nalahoodie, nakatago mukha.  Nakashades pa.

Tss. Kilala na niya.

"Hoy! Walanghiya!"

Natigil si Buddy sa paglalakad nang pumihit siya patalikod. Nagulat pa nga at napaatras.

Tama nga, sinusundan siya. Ginaya pa ang porma niya. Nakahoodie din na nakatalukbong. Kala siguro, di makikilala.

"Carrie.."

Buset parang tanga lang. Natuyo na talaga utak. Dapat talaga, tinokhang na ito noon eh.

Tumalikod na siya at umiling. Wala siyang panahon para doon.

"Teka Carrie sandali, pwede ba tayong mag-usap. Please."

Nahila na ni Buddy ang braso niya. Pero agad din naman itong bumitaw nang humarap siya. Parang natakot na kung ano.

"I'm sorry."

Tumaas ang kilay niya. "Ano?"

"Sandali lang, alam kong aalis ka na. Rose told me. I just need to tell you something...please, before you go."

Ano daw. Sinabi ng Ate niya?

Naglahad ito ng kamay. Tapos bahagyang tumingin sa isang coffee shop sa tapat lang ng school nila. Mukhang aayayin siyang magkape. Baka tatanungin na siya kung open minded ba sa business.

Power!

Putsa.

"Yoko."

"Please...Mag-uusap lang tayo. Pagtapos nito di na kita guguluhin pa..." Anito. Nakiki-usap talaga. Parang pulibing nanghihingi ng limos.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon