Change is Coming

2.5K 108 13
                                    

"Eto na nga, baba na ako."

Napangiwi si Car nang patayin ang tawag. Kanina pa pala naghihintay si Leo sa baba ng building nila, tinawagan na nga siya dahil naiinip na.

Mag-lulunch sila ngayon. Di niya alam kung paano siya napapayag sa g*gong yon pero swak na rin dahil wala na siyang pang kain.

Delayed ang padala ng kapatid niya at kababayad lang niya ng bills kahapon. Nagpalaundry na rin siya pati dahil sira washing machine nila. Tapos kaninang umaga, di niya sinasadayang mahigaan ang salamin niya at nasira. Wala tuloy siyang magawa kundi isuot ang contact lens niyang spare.

Inulan siya ng kamalasan kaya sasamantalahin na niya ang alok ni Leo. Nahihiya din naman siya kay Char, mukhang mag-da-date na silang dalawa ni Eric. Ayaw niyang maging third wheel.

Isa pa, busy ang kaibigan niya para sa foundation day sa school. Next week na yon at madami nang gagawin. Aya na niyang i-share pa ang problema niya sa datung dito.

"Car."

Napatigil siya nang marinig ang tawag ni Regado. Nakasunod pala ito sa kanya. Hindi na niya napansin ito dahil lutang ang utak niya sa dami ng iniisip ngayon. Malapit na rin ng finals at wala pa siyang pambayad ng tution.

"Oi, hi." Bati niya.

Hindi niya ito nakikita nang madalas. Ni hindi pa nga niya nakakausap matapos yung insidente nung napicturan sila sa labas ng bahay na. Lagi din kasing absent si Regado nitong mga nakaraang araw. Balita na nga niya ay nagdrop na nga ito sa ibang subjects nila dahil busy lagi. Buti nga at pumasok ito ngayon.

Tumigil ito nang may isang dipang distansya at tumitig sa kanya. Kumunot pa ang noo.

Napahalukipkip siya. "Bakit?" Anong trip?

"Nanigurado lang akong ikaw yan. Kala ko bagong classmate namin kanina. Nakatalikod ka kasi kanina." Napakamot ito ng ulo. Napanguso naman siya.

Dahil nga nasa laundry ang mga damit niya, wala siyang ibang maisuot. Buti at girlscout talaga si Charize at nagpahiram sa kanya ng damit.

Dress yon na kulay pink. Chiffon ang fabric na hanggang tuhod. Pang-dyosa. Di bagay sa pagkatao niya. Pero wala namang choice. Kaysa mag underwear lang siya sa loob ng campus.

"May problema ba?"

"Hindi. Wala." Sagot naman ni Regado sabay ngisi.

Umirap siya. Kanina pa talaga. Ang dami ring napapatingin sa kanya dahil sa suot niya. Pakiramdam niya para siyang hayop na nakawala sa zoo. "May sasabihin ka?"

"Ah. Oo nga. Yung tungkol doon sa...doon sa nangyari. Hindi ko talaga alam yung tungkol sa picture na yon. Hindi ko rin kilala kung sino ang kumuha."

"Ok lang. Nawala rin naman agad eh. No big deal." Aniya.

Unti-unti nang sumisikat si Regado sa campus nila. Maraming mga fans ang nanggalaiti na sa kanya. Nakakatanggap na nga siya ng anynomous threats matapos yon at kumalat na siya yung nasa picture. Hanggang ngayon nga meron. Mukhang iyon ang gustong palabasin nang kunsino mang kumuha noon. Mukhang sa kanya may galit.

"Sorry ah. Nakakahiya sayo."

Ngumiti siya. "Sus. Wala yon. Sikat ka na eh kaya marami ka nang mga stalker."

"Sabay tayong maglunch gusto mo? Libre ko. Pambawi sa abala."

Lunch. Shet. Kakain nga pala sila ng lunch ngayon ni Leo. Kanina pa yun naghihintay. Patay na. Gutom na malamang.

"May...may kasabay na kasi ako ngayon." Sagot niya.

"Sige ok lang. Bukas pwede? Paglabas natin sa last subject?"

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon