Mwah, Mwah. Tsup, tsup.

2.3K 104 36
                                    


"You really care for me that much, do you Car?" Sabi ni Leo sa kanya ng pumasok na sila ng pinto ng condo nito.

Nakangisi ito sa kanya. Nakalabas ang dimples na kanina pa niya gustong tuhugin sa lalim.

Dapat pala talaga hinayaan na niya itong umuwi mag-isa galing ospital kanina. Kung alam lang niyang mang-aasar lang ito. Sayang yung pinangtaxi niya.

Kaso kawawa naman. Walang makakasama. Walang friends. Maski yung coach nila sa basketball, may ibang inaasikaso. Di keri ng konsensya niya na iwan ito doon habang nagpapa x-ray ng ulo.

Wala namang halos tama si Leo. Bukol lang naman lang naman sa noo na di naman gaanong kalakihan. Wala rin namang nakitang bali ang doctor o ano pa man. Ang arte much lang pala.

"Tss. Ganti lang to. Tinulungan mo ako last time di ba?" sabi niya. "Para quits na rin tayo."

"Really, huh?"

Napangiwi siya.

Oo na. Sumugod na siya para tingnan ang lagay ni Leo kanina. Nag-beast mode siya in public dahil sa sobrang kaba at panic.

Nataman si Leo ng siko ng kalaban nilang team kaya napahiga. Yun lang naman. Ang OA lang kasi akala niya kung ano na. Naitulak pa niya ang isang ka-team nito dahil nakaharang sa dadaanan niya. Sa tingin nga niya, mas nabalian na yon kaysa kay Leo. Wala pa siyang balita kung anong nangyari. Naunang dalhin iyon sa ospital kaysa sa tukmol na to.

"Ang arte mo kasi. Akala ko naman na bagok ka na at deds!" Aniya. Nakangisi lang si Leo, mukhang tuwang-tuwa pa sa pagkainis niya.

"Painom nga muna, bago ako umuwi. Nakaka-dehydrate kang kasama!"

Nilagpasan niya ito. Siya na ang kusang tumuloy sa kitchen at kumuha ng tubig. Kapalan na niya ang mukha, tutal makapal din naman ang mukha ng may-ari ng lugar.

Maraming nakakita noong ginawa niya kanina. Naisip na niya kung ano na namang istorya ang lalabas. Kung may pictures na naman sa facebook. Dapat wala na siyang pakialam sa mga yon kaso di niya mapigilang maiinis.

Siya, ginagawa niya iyong pang blackmail para makuha ang gusto niya. Yung mga um-intriga sa kanya, di niya alam ang dahilan.

Huminga siya nang malalim at inilapag na ang baso ng tubig. Kailangan na niyang umalis. "Uwi na ako--"

Napalunok siya. Naabutan niya si Leo walang pantaas nang bumalik na siya sa sala nito. Nagpapalit na pala ng bagong tshirt.

"Leo!"

Demonyo ka! Ba't ang perfect mong hudas ka!

Jusko. Mahabaging langit. Kita ang ang mga masel-masel. Asan na ang nutella sa kitchen! Ang daming pandesal! Jusko!

"Ano yon?" Tanong ni Leo sa kanya  ang maisuot na nang maayos ang tshirt nito. Lumingon ito sa kanya na gusot-gusot pa ang buhok. Napalunok uli siya. Ang hot. Shet.

"Ah...ahm... U-uuwi na ako." Utal-utal niyang sambit. Sanay naman siya makakita ng abs ng mga gwapong lalaki. Halos araw-araw nagpapadala ang ate Rose niya ng mga pictures ng kalalakihang nasa beach. Mahilig din sa pandesal yon kaya shi-nishare sa kanya.

Pero iba si Leo eh. Iba. Shet talaga.

"Are you sure?" Sagot naman ni Leo. Lumapit pa ito sa kanya. "Dito ka muna. Hindi pa tayo nakakapag-dinner diba?"

"Hindi na..Ah...eh. Ok lang.."

Lumapit pa ito uli. "Dito ka muna.."

Lecheng yan. Bakit mapang-akit ang boses? Lalo pa na halos ramdam na niya ang hininga nito sa balat niya. Nagsisi siya ngayon kung bakit sumama pa siya dito paakyat. Ok na namang hanggang lobby lang eh.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon