Advice ni Ate

1.6K 71 10
                                    

"Hala."

Natulala si Car sa lahat nang nagaganap sa kabila nang kaguluhang nasa paligid.

Nandito na ang Ate Rose niya. In the flesh. Maraming dalang pasalubong. Amoy imported. Mukhang kararating lang. Ang buong akala ng angkan, bukas pa ito uuwi.

Bakit? Anong pakana na naman nito?

Ewan. Bahala na. Basta masaya siyang nakita uli ito. Niyakap niya ito nang mahigpit.

"Ate Rose!”

"Na miss kita, beh!” Tili nito.

"Ako din Ate!" Tili din niya.

"Ang tagal na din!”

" Three years na teh!”

"Ang laki-laki mo na!"

"Yung iyo, maliit parin!"

"Bastush ka parin, Carrie!”

"Haylabyu too teh!”

Halos malunod na ng tawa at tili nila ang videoke sa labas. Wapakels. Nilabas niya ang phone. Nag selfie. Tapos tili uli. Tawanan. Selfie. Tili. Tagal ba naman nilang di nagkita.

"Naku, dyusko! Nagsama ang magkamukha. Wag nga kayong magwala dito. Nakakarindi." Singit ni Tita Ana sa kanila na busangot na ang mukha. Siguro kahapon a badtrip dahil sa ingay ng mga tito niya. Tapos dagdag pa sila. "Mamaya pa maluluto yung kare-kare. Umakyat muna kayo doon sa may aircon, di nasanay si Rosaria sa init dito sa Pilipinas."

Weh? Wait lang ha, sa Hawaii galing ang Ate niya ah. Tropical island yun. Kaya nga medyo naging morena ito. Dati kasing puti niya saka sing itim din ng buhok niya. Ngayon tanned na and blonde. Sabagay, keri naman.

Si Rose na ang humila sa kanya papaakyat sa kwarto niya sa taas. Parang sariling bahay lang. Di naman siya nagreklamo. Ito pa nga ang nagbukas ng aircon doon. Feeling at home lang.

"Oh my gaaaaad! Ang bongga ng room mo beh!” Sigaw nito.

Umikot ito sa buong lugar. Siniyasat ang bawat sulok. Mula dun sa kurtina niyang red and black. Dun sa mga punda. Dun sa antique cabinet niyang nabili sa surplus na pininturahan niyang itim. Pati na rin yata nga laman noon.

"Pahiram ng damit. Nasa bagahe pa things ko."

"Gora lang teh." Di na siya tumanggi. Ito na kasi ang nagkusang magkalkal nang maisusuot.

"Di ka din mahilig sa itim no?"

Naglabas ito ng isang damit. Walang ano-ano na nagtanggal ito ng blouse at sinuot yun. Walang-hiya talaga.

May naalala siya sa sinuot nito. Yung metallica shirt yon na ginawa niyang sleeveless. Iyon kasi yung suot niya nung gabing birthday pala ni Leo. Noong nag-kiss sila. Tapos muntik nang--ay shet.

Bigla siyang napailing. Uminit ang pisngi niya. Ilang minuto palang silang nagkakahiwalay pero bumabalik sa alaala niya kung paano sila nag-jerjeran nila.

Oh. Ghad. Di ko pa siya na text.

Argh. Ganoon ba pakiramdam noon? Nakakamiss agad.

Umupo siya sa kama at nilakasan ang aircon. Medyo maalinsanang na. Nakasuot parin siya ng jacket hanggang ngayon.

"Saka teka. Ba't ang bilis mo yata, eleven hours ang flight doon diba? Kausap lang kita kagabi." Usisa niya. Kahit na ba alas tres na nang hapon, ang bilis naman ng biyahe kaysa sa pangkaraniwang flight.

Ngumuso si Rose sa kanya. "Beh, marami akong friends no. Nakaingkas lang lang ako sa isa."

Nakaingkas? Ano yun jeep?

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon