Tayo

2.2K 96 43
                                    

Huminga nang malalim si Car habang pagpasok sa gate ng campus nila. Taliwas sa mga ganap sa paligid niya na mga aligaga at masaya dahil sa nagaganap na School Fair, ang bigat ng pakiramdam niya. Hanggang ngayon naalala parin niya ang mga sinabi ni Regado sa kanya.

Maghihintay daw ito.

Nakakakonsenya talagang paasahin. Mabait talaga si Regado. Gwapo din naman. Maganda pa ang boses. May abs din, na-confirm na niya, nahawakan niya uli noong umangkas siya sa motor nito kagabi.

Kaso kahit anong kapa niya sa dibdib wala talaga. Kahit gusto niya itong gustuhin talaga, hindi niya magawa.

Saka iniisip parin niya si Leo. Yung ginawa nito..ay mali, yung ginawa nila. Kiss lang naman yon, bakit hanggang ngayon, apektado parin siya.

Iba yung pakiramdam niya kaysa noon, sa mga lalaking nabibiktima niya. May kurot na sa kanya si Leo. Parang gusto na nga niyang maniwala na gusto siya talaga nito.

Leche naman kasi. Ba't ba ang haba ng hair ko?! Ang ganda ko sobra!

Pero siguro kung may makakarinig ng internal monologue niya, mapapangwi ng sobra. Balik na siya sa dating ayos. Nakaitim na uling mga damit from head to foot. Nakasalamin na uli ng makapal, nagawan niya ng paraan ang pagkasira noon sa pamamagitan ng super glue. Hindi na uli siya dyosa, aliping sagigilid na uli.

Sa totoo lang, mas komportable siya sa ganitong ayos. Para siyang ninja pakiramdam niya, hindi nararamdaman ang presenysa niya ng iba. Di tulad kahapon na bawat galaw, may bumubulong sa paligid niya.

Di niya sinasadyang mabangga ang nakasalubong sa daan dahil sa pag-iiisip. Dahilan para mauntog siya sa balikat ng taong yon at mahulog ang salamin. Nadinig pa niya ang pagkawarak noon ng di sinasadya itong maapakan.

"Ay putsa!" Shet naman. Kakagawa ko lang niyan!

Agad niyang pinulot ang salamin. Kasabay din nang pagyuko ng lalaking nabangga niya.

"Sorry, I didn't mean to..."
Bahagya siyang naginig nang marinig ang boses na yon. Nagpintig ang tenga niya. Kilalang-kilala niya. Inangat niya ang tingin.

"Carrie.."

Si Buddy. Yung walang hiyang ex niya. Kilalang kilala niya kahit malabo ang mata niya ngayon.

Naalala nga pala niyang dahil sa foundation week, pwedeng makapasok ang mga outsiders dito basta invited ng estudyanteng nag-aaral doon. 

Agad siyang tumayo at humarap. "Anong ginagawa mo dito?"

Ganoon parin ang hitsura. Long hair, puro tattoo, kitang-kita dahil naka tshirt lang na hapit. Naka-shades ito tulad noong huli silang magkita doon sa bar. May dahilan naman sa pagkakataong yon dahil medyo tanghali na at tirik na ang araw.

Umawang ang bibig nito. Tapos biglang ngumiti nang nakakaloko. "Kanina pa ako paikot-ikot dito. Hinahanap kita, di kita nakilala dahil sa salamin mo. You realy changed a lot huh?"

Puny*ta, nag-english pa. Ang ng sarap sapakin talaga. Ano na namang kailangan nito sa kanya?

Oo na. Inaamin na niyang di pa siya maka move-on. Hindi nama biro ang ginawa ng lalaking ito. Niloko siya. Ninakaw nito ang virginity niya!

"Ano bang kailangan mo?!"

Medyo nakakaeskandalo ang lakas ng boses niya. May ilan nang estudyanteng napapalingon sa kanila.

Kalma. Pinapaalala niya sa sarili na kailangan niyang umasta katulad isang civilized na tao kapag nasa publikong lugar. Madami pa namang tao ngayon dahil sa events. Kahit pa gusto na niyang durugin ang lalaking nasa harap nang pinong-pino dahil sa sobrang inis.

"Carrie, let's talk," Sabi ni Buddy. Tumingin muna ito sa paligid bago maabot ang braso niya. Bumalik sa alaala niya ang mga kawalangyaan nito noon. Ganito rin siya hawakan. Padalos-dalos na di iniinda na nasasaktan na siya. "Sa ibang lugar sana--"

"Ano! Sa chipipay na motel na naman?!" Angil niya. Umigting ang tuhod niya at diretso iyong tumama sa gitna ni Buddy. "Di ako sasama! Di na ako patay na patay sayo urur ka! Mamatay ka na!" Sigaw niya. Nakita pa niyang napaigik ito sa sakit bago siya tumalikod at naglakad na papalayo.

Shet na yan.

Eskandalo na talaga ang ginawa niya. Nagbubulungan na naman ang mga nasa paligid niya. Binilisan nalang niya ang lakad papalayo sa lugar na yon.

"C-Carrie... Wait up... Car."

Napangiwi siya. Malayo-layo na ang nalakad niya pero nahabol parin siya. Ang tibay ng balls talaga!

Humarap siya uli dito. Iika-ika ito palang sumunod sa kanya hanggang sa tapat ng gymnasium. Sasapakin pa niya uli sana. Mapilit talaga.

"Ano ba Buddy?! Baka gusto mong ipakulong na naman kita!"

"Sandali...please," hingal nito. Tagaktak pa ng pawis dahil mukhang nasasaktan parin sa ginawa niya. "Please lang. I just wanted this over and--and si Rose..I need to contact her.."

"Kapal mo talaga," aniya. Si ate Rose pa niya, idadamay pa talaga. Alam niyang ito ang unang niligawan ng lalaking to. Kung di iyon umalis sa s
States noon, baka biktima na rin.

"Lumayas ka nga dito. Wag mo na akong lalapitan!"

Nahagip uli ni Buddy ang kamay niya. Mas mabilis ang kamay nito at mas mahigpit ang hawak. "Hoy!"

"Sumama ka na muna. Importante sa akin to."

"Bitawan mo ako ano ba?!"

Nassisigaw na siya. At sa lecheng yan, ang daming tao wala man lang tumulong. Nakatunganga lang. Yung iba kumukuha pa ng video sa kanila at nag-eenjoy sa panonood. Anong akala nila, shooting to?!

"Ano ba?! Buddy ano ba?!" Lalo siyang pumiglas. Akmang bibigyan na niya ito ng malupit na side kick nang bigla itong natumba at nabitawan siya. May ibang sumapak dito.

"Leo!" Sigaw niya. Mabilis niyang nahablot ito nang akmang susugudin pa ang nakahandusay nang si Buddy. Basag ang suot na shades nitong tumilapon na sa malayo.

Tsk. Kakagaling lang sa injury ni Leo. Isa pa, di sila pwedeng magstart ng away, nasa rulebook yon. Baka matanggal na ito sa team.

"Get your hands off my girlfriend!" Sigaw ni Leo.

Girlfriend?!

Parang may kumalembang sa ulo niya. Girlfriend?

Maski ang mga tao sa paligid na nakarinig, natigil. Nakatingin na sa kanila.

"Leo?"

Napatingin siya dito. Namumula na ito galit, palibasa mestiso. Agad siya nitong nikayap nang mahigpit kaya napasubsob siya at tumama ang buong mukha sa dibdib nito.

Aray. Bat kasi ang tangkad mo.

"Sorry.." Agad tumayo si Buddy at nagpagpag ng katawan. Napansin niya ang mata nito. May mahabang peklat yong malaki sa kaliwa. Halos di na nga iyon maidilat nang maayos.

Alam niyang binugbog ito ng Kuya noon pero di niya akalaing ganoon kalala ang naging resulta. "Sorry brad, di ko alam na.."

"F*ck off! Wag ka nang lalapit pa sa kanya!" Niyakap pa siya ni Leo nang mas mahigpit. Di na nga siya makahinga dahil sobra na. Pakiramdam niya, para siyang stuffedtoy na ayaw i-share ni Leo sa kalaro. Possessive much.

"Fine..I'm sorry Carrie." Sagot naman ni Buddy. Tumalikod na ito at mabilis na lumayo sa kanila. Nang makalayo na ng tuluyan, saka lang siya pinakawalan ni Leo.

"Babe, are you alright?"

Wait.

"Babe?" Ulit pa nito. Doon na siya natauhan.

"Anong babe?" sa lahat naman ng itatawag sa kanya yun pa.

Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito. Unti-unti na ngang nawawala ang kulay. Parang nanlumo na ewan.

"Car, tayo na diba? Last night was--"

Itinulak niya ito papalayo.

"Walang tayo, Leo!"

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon