Baby

1.8K 78 46
                                    

"Leo...sorry na... Bati na tayo.."

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Car. Nanlalamig na pero pinagpapawisan. This is not good, he thought.

She's still bleeding down there. Hindi naman niya alam kung paano papatigilin yun. Nanginginig din ito at mukhang nahihirapan nang huminga.

"Keep her breathing, Leo."

Napatingin siya kay Rose, di niya alam kung pano yon gagawin. Mabuti at mabilis ang pagmamaneho nito gamit ang kotse niya.

Hindi niya alam kung anong nangyayari. Kung anong ginawa ng hayop na Anthony na yon kay Car. Mas nangingibabaw ngayon ang sobrang takot kaysa galit.

"I love you..." Mahihang bulong ni Car saka ngumiti ng bahagya. Her lips were shivering, nawala na rin ang pagkapula noon. "A-ang tanga ko lang...tanga lang talaga... Sorry..."

"Yes Babe, please. Just stay with me, huh. I love you too. Breathe please."

"N-Naniniwala na ako..."

Unti-unti itong napapikit at nanghina sa mga braso niya. Tuluyan na ring bumagsak sa dibdib.

"Rose!" sigaw niya.

Lalong bumilis ang sasakyan. Lumagpas na rin sila sa redlight bago pa nakarating sa isang hospital.

"Here!"

Agad na nailipat sa stretcher si Car pagdating na pagdating nila. He held her hand tightly as they drove her in. She's unresponsive, lalo na siyang natakot kaya bahagya niya itong niyugyog.

"Babe! We're here, it's going to be ok! Babe, listen up! Wake up!"

He saw Rose talked to the doctor, may mga sinabi itong di niya maintindihan. Ba't ba wala parin silang ginagawa?!

"F*ck you all! Treat her! Ano ba?!"

"Sir, labas po muna kayo," pinagtulakan na siya nang isa sa mga nurse papalayo doon. "Doon muna tayo sa kabila. Kami na po--"

"Don't touch me! I'm her boyfriend, bitawan niyo ko!" Marahas siyang pumalag. May mga nasangi na nga siya at nabasag na gamit dahil ayaw niyang humiwalay kay Car.

"Sandali lang po!"

Natauhan nalang siya nang may biglang malakas na sumampal sa kanya.

"Leo! F*cking calm down! Let them do their jobs!" Rose yelled.

Ito na rin ang humila sa kanya doon papalayo. Wala siyang magawa, gustuhin man niyang lumapit alam niyang hindi na pwede. They are saving her life at siya yong nanggugulo.

"Dammit!" Padabog na sigaw niya. Nasipa pa niya ang isang plastic na upuan na nadatnan niya kung saan siya dinala ni Rose. Nakita naman niya ang pag-iling nito bago siya tumalikod at tinukod ang mga kamay sa isa sa mga poste doon.

Why? Why did it happen? Bakit si Car pa?

"Leo, just stay here. Wag kang aalis dito. Ako na bahala, trust me."

He slumped in the nearest unoccupied seat he could find after she left. This place reminded him of death.

F*cking hospitals.

He lost his bestfriend years ago. Same scenario. Same place. At ngayon, si Car naman.

"No..please.." He can't lose her. Not her.

Nanalangin siya na sana siya nalang parusahan at wag na si Car. Alam naman niyang siya itong manloloko at mahilig manakit. Sana siya nalang.

Hindi niya alam kung ilang minuto o ilang oras na siyang nakaupo doon. Hindi na niya alam ang nangyayari sa paligid. May ilang beses na nagbukas sara ang pintong malapit sa kanya pero di na niya yon halos napansin. Ang hinihintay talaga niya ay ang balita kay Car. Nanunuyo na ang lalamunan niya, hindi na siya mapakali pa. Parang may masakit sa kanya pero di niya malaman kung saan.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon