Isa, Dalawa, Tatlo

1.4K 69 22
                                    


"Si Leo, Ate!" Na pasigaw si Car sabay yugyog sa pinsan.

"Oo, alam ko, gaga! Tigilan mo ko! Ayoko pang mamatay, Carmelita!" Sabi nito sabay preno. Nabugbog na yata niya ito sa sobrang pagkabigla sa nakita. Agad naman niyang binuksan ang pinto pagtigil at mabilis na bumaba.

Ba't ba siya nandito? Ano pa bang kailangan?

"Tigas mo din, nagpakita ka pa talaga!" binigwasan ni Tsong Jhong si Leo. Napaluhod sa semento dahil doon. Wala itong ginawa para lumaban man lang.

"Please...Let me talk to he--" Isang sipa naman ang binigay ni Tsong Eng-Eng sa panga nito. Kitang-kita pa niya ang dugong tumalsik. Agad na siyang tumakbo papalapit.

"Tsong, ano to?!"

"Andyan ka na pala, bunso," sabat naman ni Tsong Chichi niya. Inamba na nito ang tubo. "Lumpuhin ko na ha."

Oh ghad no!

"Sandali!" Hinarang na niya ang katawan. Natamaan ang kanang braso niya ng tubo. Napaigik siya. Malakas yon.

"Tsong naman! Ba't dito niyo yan binugbog?!" Lumapit na rin si Rose nang makita ang nangyayari. "Maraming witness, oh."

May point naman ang Ate niya. Puno ng CCTV ang lugar. Naglabasan na din ang mga kapitbahay nila dahil sa ingay.

Napakamot lang ang mga tyuhin nila at lumayo nang bahagya. Binitawan na din ni Tsong Chichi ang tubong bakal.

Umiling nalang siya at dinaluhan si Leo. Kitang-kita niya ang pasa nang pinatayo niya ito. Maga ang mukha na namumula na sa bandang pisngi. May dugo na ang ilong at putok na ang labi.

Kumurot ang dibdib niya. Hindi siya pwedeng maawa pero nararamdaman nya parin.

"B-Babe.. Why did you do that?"

Napakagat siya ang labi. Ba't hindi ko gagawin?

Kung di niya napigilan, tuhod ni Leo ang napuntirya noon. Malulumpo sigurado. Hindi na makakapagbasketball pa uli.

"Carmelita, bubuhayin pa ba--"

"Tama na po, Tsong Jhong," sabi niya at pumagitna. Balak pa yatang umisa ng suntok kay Leo. "Ako na po ang bahala. Hindi niyo na dapat ginawa to."

"Anong hindi, pinahiya ka nang lalaking yan! Alam na namin ang nangyari, magsasampa na kami. Nandito lang yan para makiusap na iurong ang kaso mo, eh. Ma-eexpel daw siya kung hindi. Mapapahiya ang pamilya nila."

Ah. So. Yun lang.

Sumikip ang dibdib niya sa narinig. Nag-spark na yon kanina nang makita si Leo na nasa tapat ng bahay niya. Kaso waley lang pala. Inaamin na niyang umasa siya.

T*nginang lalaki to.

"Tsong Chi..." ani Rose. "Hayaan niyo na." Ito ang humila sa mga tyuhin niya papasok ng gate ng compound. Ilang hakbang lang ang layo noon sa kanila ni Leo. Ano mang pag-uusapan nila, maririnig nang lahat.

"Car, I--"

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Humarap siya kay Leo at humalukipkip. Sabagay, tuyo na rin ang mga luha niya. Wag lang sanang mahalata ang pamamaga ng mga mata.

Inilabas niya kanina ang lahat ng sakit. Confident siya na kaya niya itong harapin ngayon nang hindi iiyak.

"M-mag-e-explain lang ako. Please..." hirap itong magsalita dahil sa putok na labi. Hawak din ang tagiliran.

"Go." Aniya sabay irap.

"Car..." Humakbang ito papalapit sa kanya pero kumalansing ang gate nila. Nakaabang ang mga tyuhin niya doon. Halatang nangagalaiti parin. Nakarinig pa siya ng pagkasa ng baril. Napailing siya. Abangers talaga.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon