Abangerz

2.2K 100 15
                                    


Shit. Ah shit. Talaga. Car, gaga ka!

Pero kahit anong sigaw nang utak niya, hindi parin niya mapigil ang sarili. Kusa na ring umawang ang bibig niya nang naging mapusok na si Leo sa paghalik. Sinagot niya ang bawat pagalaw nito.

Ang sarap pala kapag walang bahid ng ibang babae ang bibig. Ang lambot pa ang labi. Hindi marahan pero hindi rin nagmamadali.

"Car.." Bulong ni Leo nang sandali silang tumigil. Kailangan nila nang hangin. Napakapit sa balikat nito dahil nanghihina ang tuhod niya.

Pakingshet... Gusto pa sana niya pero.

"Teka!" aniya nang ambang uulit na naman si Leo. "Taympers. Pagod na dila ko."

Mahinang tawa lang ang pinakawalan nito. Hinapit siya papalapit at niyakap nang mahigpit. Marahan din itong bumulong.

"You made me so happy."

Napalunok siya.

Naghalikan lang sila, ganun agad?

"U-uwi na ako," sambit niya. Itinulak niya itong papalayo. "Gabi na din."

Ngumiti lang ito sa kanya. "Call me when you get home," sabi nito.

Mabuti naman at di na namilit. Di naman tumutol. Mapungay pa ang mga mata. Parang high sa kung ano.

Hala adik nga! Kailangan na niyang lumarga at baka may pulis na dumating!

"Ihatid na kita sa baba." Sabi nito.

Umiling siya. "Wag na keri ko to..." aniya at mabilis na lumabas ng pinto. Hindi na niya nilingon ang unit nang maglakad siya papalayo.

Shet na shutangengers bakit ako nagpahalik?!

Infairness, masarap. Di niya malaman ang pakiramdam niya kanina habang naghahalikan sila. Iba sa mga lalaking nahalikan na niya noon.

Maski kay Buddy. Kahit patay na patay siya sa satanas na yon, di siya nakaramdam na parang lumulutang. Na parang may kumikiliting kung ano sa loob niya. Kay Leo lang.

Siguro dala lang yon ng hotness ng gagong yon. Magpakita ba naman ng katawan sa kanya kanina. Yung biceps. Yung pecks. Yung abs saka v line. Nakaluwag ng garter ng panti, mabuti at maagap siya na napigilan niya bago pa yun lumaglag.

Huminga siya nang malalim pagkalabas ng building. Kesehodang malanghap niya ang karimarimarim na usok ng EDSA, ok lang. Baka iyon lang makakabalik nang katinuan niya. Ang dami-dami naman kasing lalaki, dun pa siya sa mga g*go na iinvolve.

Pero basta, wala lang yon. Kiss lang naman. Minsan lang lumandi!

"Carmelita. Keribels mo yan...Di na yan bago...di ba yung iba nga nag sex na lahat wala lang parin..." Bulong niya sa sarili habang naglalakad. "Ok lang yan..."

Sa sobrang tuliro niya, hindi na niya namalayan ang isang kamay na humila sa braso niya papalayo sa kalsada.

"Car!"

Napasigaw siya sa gulat. Muntik na siya mahagip nang paparating na jeep na walang pakialam sa pedestrian lane at redlight. Muntik na talaga kung lang dahil sa nagligtas sa kanya.

"Tone?" Napaawang ang bibig niya nang tingalain niya ito. Nakayakap na ito sa kanya habang masama ang tingin sa direksyon ng humahurot na jeep.

"T*ngina nun ha." Mura pa nito. Ang intense lang magalit. Nagcle-clench ang jaw. Bagay. Ang hot din. Shet.

"Ok ka na ba? Sa susunod tumingin ka muna sa tatawidan mo."

Tumango nalang siya. Ang hirap maging baliw. Sa susunod talaga magiingat siya.

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon