Eyes on You

2.8K 118 20
                                    

"Carmelita, anong ginawa niyo noong lalaking yon!"

Napangiwi si Car sa sigaw ng kuya niya. Nakafull volume ang speaker. Ang sakit sa tenga.

Nakabusangot ang mukha nito sa screen matapos niyang sabihin yung nangyari kanina. Dapat kasi, kanina pang hapon sila mag-skype kaso nalate siya ng uwi. Di na niya magawang itanggi dahil nakita si Leo ng kamag-anak nila sa compound noong hinatid siya pauwi, nai-chika na tuloy bago pa niya nasabi.

"Wala, kumain lang kami sa Mexicalli ta's umuwi na," sabi niya. "Kuya, highblood agad."

"Basta, kilalanin mo muna yang...yang..p*tangina anong pangalan ng g*gong yon?! Bakit ka nakikipagdate sa taong di mo pa pinapakilala saken?!" Sigaw pa ng kapatid niya. Nakita kita pa niya ang pag-uga ng screen.

Beastmode. Lalong nagmukhang gorilla.

"Kalma kuya. Kaya ko na sarili ko." Paano pa kaya kapag nalaman yung nangyari noong lumabas sila nila ni Regado? Baka mapauwi pa ito nang di oras.

"Paano akong kakalma kung may umaaligid na naman sayo diyan?!"

"Kuya naman, minsan lang tayo magkita, sinisigawan mo pa ako." Ngumuso siya at nagpuppy eyes pa. Paawa effect mode. "Di mo na ako lab?"

"Bunso naman eh." Anito sabay kamot ng ulo. Nakita niyang umupo na ito ng maayos at huminga nang malalim. "Wag mo naman akong idaan sa pabebe mo. Wala akong laban diyan."

Natawa siya. Lagi naman eh.

Simula ng mamatay ang mga magulang nila, ang kapatid na niya ang nagtaguyod sa kanya. Alagang-alaga siya nito kahit noon pa

Kaya nga noong nalaman nito nangyari sa kanya noon, sobra-sobra ang galit nito. Kundi nga napigilan ng ilang mga tiyuhin na, baka napatay na daw nito yung walanghiyang Buddy na yon.

"Naman kasi. Ba't ba ang liit ng pasweldo ng nurses diyan, sana nababantayan kita."

Umirap siya. Parang hindi siya nababantayan dito. Nakapalibot sa bahay nila ang mga bahay ng mga kamag-anak nila. Konting kibot niya, alam na nang lahat. Tulad noong kanina.

Kailangan lang nila ng pera sa pag-aaral niya. Konting push nalang naman.

"Nga pala, Carrie. Bukas ko na papadala yung pang tuition mo next sem. Nagdagdag na ako para makabili ka na nang bagong phone. Yung latest na bilhin mo ha. Bumili ka na rin ng matibay casing para di nababasag."

Ngumiti nalang siya. Ang binanggit niya kasi, nahulog niya ang cellphone niya kaya nasira. Hindi nga lang niya i-explain dito yung iphone 6 niya ngayon. Baka lalong magbeastmode kapag nalaman kung kanino galing.

"Salamat Kuya."

Itatago nalang niya ang extrang datung. Dagdag nalang sa ipon niya.

"Si Carrie na yan, Itong?" Nadinig niya ang isang pamilyar na boses. "Tabi ka diyan."

"Ate Rose!" Sigaw niya. Kumaway pa ito sa screen ng maupo sa tabi ng kapatid niya.

Lalo itong gumanda. Kulot na ang buhok nitong kulay blonde na. Tapos nagpa-tan na, di na putlain ang balat. Malayo sa mala-Amy Lee na histura nito dati noong nagbabanda pa dito sa Pinas.

"Musta!? Dinalaw mo si Kuya?"

"Oo nagdala ako ng food. Pumapayat na eh." Sabi nito sabay kurot sa pisngi ng katabi.

Payat daw? Mukha yatang lalong nadagdagan ang timbang. Putok na nga ang maskels sa polo.

"G*gong to." Singhal naman ng kuya niya. "Lagi kang nandito Rosaria, pano ko makakapag-uwi ng tsiks niyan."

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon